Ayoko naman mangyari sa kaniya ang bagay na iyon kaya't sinasabi ko na sa kaniya ang mga bagay na ito para itigil niya na ang ginagawa niyang pangangaliwa habang maaga pa at wala pang nalalaman ang asawa niya.

"Kaya mo ka mo sinasabi ang mga bagay na ito ay dahil nag-aalala ka sa akin?" ang wika niya habang hindi makikitaan ng emosyon ang kaniyang mukha. Lalo tuloy akong kinabahan at tila nanliliit dito sa aking kinauupuan.

"O-Oo?" ang kinakabahan kong wika at para bang hindi ko na rin marinig ang sarili kong tinig dahil sa kaba.

"Ang ibig mo bang ipabatid sa akin ay iwanan ko na ang mga babaeng iyon at ang itira ko na lamang ay ang mga lalaki kong kaibigan." ang seryoso pa ring wika nito habang titig na titig sa aking mukha habang ako naman ay napayuko na lang at hindi makatingin sa kaniya.

Para bang kapag tumingin ako sa kaniya ay lalamunin ako ng kaniyang matatalim na mga titig.

"Ang mga lalaki kong kaibigan na...PARANG IKAW! Ganoon ba iyon?"

Ang pagpapatuloy nito.

"Gusto mong iwanan ko na sila at ikaw na lang ang itira ko, na ikaw na lang ang ipalit ko sa puwesto nila." ang sabi nito habang makikita ang mapaglarong mga ngiti sa kaniyang labi habang titig na titig siya sa akin.

"Ganoon ang gusto mong sabihin diba?" ang wika nito sa tila mapangakit na tono habang hindi inaalis ang paningin nito sa mukha ko.

Hindi naman ako sumagot at pilit na iniwas ang aking paningin sa kaniya.

"Ganoon ang gusto mong sabihin diba? DIBA?!!" ang wikang sigaw nitong dumagundong sa buong sala.

Halos mabingi naman ang mga tenga ko at halos mapatalon pa ako sa gulat dahil sa lakas ng ginawa niyang pag sigaw at ngayon ko lang siya narinig na magtaas ng kaniyang boses.

"Ano?! Sumagot ka! Naputol na ba ang dila mo?" ang tila galit na wika nito at pinanlisikan ako ng mata.

Nakaramdam naman ako ng takot kaya kahit kinakaban ako ay sinagot ko na lamang ang kaniyang tanong.

"A-Ano bang sinasabi mo? H-Hindi! *hic* H-h-hindi iyon ganoon." ang utal-utal at kinakabahan kong wika.

"Usotsuki!!(Sinungaling!!)" ang muli nitong sigaw sa ibang lengguahe.

"Huwag ka nang magkaila at alam kong iyon ang tinutumbok ng mga sinasabi mo. Diba tama ako?" ang muli nitong wika habang nakingising pilyo sa akin at sa isang kisap mata ko lang ay na sa harapan ko na siya at hawak na nito ang magkabilang palapulsuhan ko na aking ikinagulat.

"A-Ano bang s-sinasabi mo *hic* b-bitawan mo nga ako! Lasing ka na kaya kung ano-ano ang sinasabi mo!"

Pinipilit kong kalasin ang mga kamay ko sa kaniyang pagkakahawak ngunit dahil sa alak ay nanghihina na ako.

"A-Ano ba Y-Yamato?! Nasasaktan ako! B-bitawan mo nga ako at huwag mo nga akong masigaw-sigawan at baka nakakalimutan mo n-na *hic* na sa loob ka ng pamamahay ko." ang galit ko na ring wika kahit na ramdam ko pa rin ang tama ng alak sa akin.

"Hindi ko nakakalimutan ang bagay na iyon, ang gusto ko lang naman ay sabihin mong tama ang sinabi ko." ang mahinahong sabi nito at hindi ko na makita ang dilim sa kaniyang mukha.

"Kung hindi iyon ang ibig mong sabihin eh, ano?" ang tanong nito.

Hindi naman ako agad nakasagot.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit ko ito sinasabi sa kaniya? Nagaalala lang ba talaga ako o may iba pang dahilan?

"Noong una palang ay alam ko na ang gusto mo, ang plano mong gawin." ang wika nitong nagpagulat sa akin.

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon