The Girl Who Can't Be Moved

1 0 0
                                    

🌻; Saina Amnell
//Errors Ahead//

Kain, trabaho, iyak, tulog. Paulit-ulit na lang nagsasawa na'ko pero wala na'kong magagawa, wala ka na e, wala na iyong taong nagpapasigla sa'kin.

Mayroon akong boyfriend, siya si Zane. Namatay siya dahil sa isang trahedya, trahedyang ako sana ang mawawala. Pero dahil sakanya, ako ang buhay at siya ang nawala.

Kasalanan ko kung bakit siya nawala, kasalanan ko kung bakit nawalan ako ng asawa, kasalanan ko kung bakit nawala ang nag iisang anak nila mama, kasalanan ko kung nawalan ng ama ang anak ko.

Kung hindi ko sana pinilit na kinuha sa ang nag iisang ala-ala ko sa aking mga magulang sa loob ng nasusunog na bahay, hindi sana mawawala si Zane.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap, hindi ko pa rin tanggap na wala na siya, pero anong magagawa ko? Wala na siya e, hindi ko na sya maibabalik pa.

Ang kailangan ko na lang sigurong gawin ay tanggapin at lumaban. Tanggaping wala na siya at lumaban para sa anak namin.

Nag sasawa na'kong sya at ang nangyari sakanya na lang ang lagi kong iniisip.

Tama na, hindi nya rin naman ginusto ang nangyari, at alam kong hindi sya masyang nagkakaganito ako.

Simula ngayon, tatanggapin ko nang wala na sya. Lalaban ako para sa anak ko at para sa sarili ko.

Farewell, Mahal.


@isa

Short Stories Where stories live. Discover now