WX1 - Icy

28.8K 581 68
                                    

Masaya ang lahat na nagkaroon ng kaunting party dito sa bahay ng kaklase ko. Ang top 1 ng klase namin. Invited kaming lahat dahil naging top 1 siya pagkatapos namin gumraduate ng highschool. Siya si Justine Solidad. Babae 'yan pero panglalaki name. Mayaman ang pamilya nila't kayang bilhin ang kahit. Kahit pagkatao mo kaya niyang bilhin.


"Icy!!! Bakla ka! Kanina ka pa namin hinahanap!" tawag sa akin ng bakla kong kaibigan. "Bakla" kasi 'yon talaga kalimitan ang tawag ng mga bakla sa ibang tao. Nakasuot dress pa ito at nagf-feeling na babae nga siya. Hinila niya ako sa grupo ng mga kaibigan namin sa may counter ng bahay nila. 


"Mga bakla 'to na si Icy!!!" Sigaw pa ni Baklang Joshua or sa babaeng pangalan ay Jashy.


Umirap ako sa mga kaibigan ko na sila Jelai, at Harmony tapos syempre si Jashy. Apat lang kami pero 'di naman ganoon ka-utak sa klase. Sa aming tatlo ako lang yung nakasama sa top. Sadly top 8 lang. Pero okay na rin.


"Sa'n ka ba nanggaling? Tekla ka! Nakikipaghanapan ka nanaman sa crush mo ano?" sabi ni Jelai sa akin. Ang crush ko? Ayun, ang pinakatamad sa klase namin pero ubod ng gwapo. Mayabang rin pero crush ko talaga siya. Si Gray Villamor.


"Gaga! Sa sobrang lawak ng bahay ni Justine hindi ko na makita kung saan ako pupunta. Required bang magdala ng mapa kapag pumunta ka rito?" Pagbibiro ko at natawa naman sila kahit papaano.


Nag-usap usap lang kami about sa random stuffs. About boys, schools and issues.


"Tekla ka ate! Alam mo bang nauunahan ka na ni Stephabels kay fafa Gray mo! Hala ka gurl make a move na!" sabi ni Jashy. "Kapag 'yan inagaw ko, iyak ka." dagdag pa ni bakla.


Tawanan lang kami ng tawanan hanggang sa sumayaw kami sa dance floor. Todo enjoy kami ng pagsayaw. Nabunggo ko sa likod ko si Gray. Nginitian niya ako at nakipagsayaw sa akin. Ramdam kong lumayo ng kaunti ang mga kaibigan ko sa akin ng makitang magkaharap kami ni Gray at nagsasayaw.


"Enjoying?" sabi nito pero hindi ko siya narinig dahil sa lakas ng tugtog.


"ANO?" Isinigaw ko na ang gusto kong sabihin sa kaniya.


"ARE YOU ENJOYING THE PARTY?!" Sumigaw na rin siya sa'kin kaya natawa ako.


Patuloy kami sa pagsasayaw pero nahila na ako nila bakla palayo at uuwi na raw sila. May curfew daw sila. Ang strikto ng parents ng mga 'to.


Isinabay na rin nila ako pauwi dahil sila lang naman ang may dalang sasakyan. Nagpaalam na ako sa kanila pagkababa sa bahay namin. Dahan-dahan lang akong umakyat papunta sa kwarto ko para hindi nila marinig ang yabag ng aking mga paa.


Nakarating naman ako ng payapa sa aking kwarto ng hindi nagdudulot ng kahit ano mang ingay. Natulog na rin ako agad dahil sa pagod sa mga shots na binigay sa akin ni Bakla.


**


After three weeks, Bigayan ng card ay nagkita muli kami lahat ng classmates ko. Ala una ang start time at natapos kami ng alas kwarto. Pinagstay kami ng teacher namin sa room at parang kinakabahan sa kaniyang ia-announce daw. Hindi kami kumpleto at may ibang absent. Pero bilang sa daliri ang iilang wala.


"Kayo ang seksyon na tumatak sa isip ko.. and I don't want to end this with this wait." Umangat ang tingin niya sa aming lahat. "I'm gonna miss you guys so naisip ko na pumunta muna kayo sa bahay ko para magkabonding tayong lahat. Okay ba 'yon? Walang KJ dapat!" sabi ni Sir Ken. Tumango kaming lahat.


Wow lahat agree. Wala ngang KJ. Kung sabagay, lahat kami mamimiss namin ang isa't isa. Mahal ko rin naman ang mga classmates ko at naging masaya ako sa kanila.


Napagplanuhang sabay sabay kaming pupunta doon. Iba't ibang sasakyan ang pumunta sa isang malaking mansyon na bahay ni Sir Ken. Napanganga kami nila bakla sa ganda at laki nito.


"Yamanes naman pala nitong si Sir Kenny! 'Di ko kineri!" sabi ni Bakla at hinampas hampas pa ako.


Bago ka makapasok sa mismong bahay ay malayo ang pathway. May malawak na garden sa paligid at puro puno ang nakikita ko. Creepy tingnan neto kapag gabi.


Pinarke lahat ng may sasakyan sa malawak rin na parking lot ni Sir Ken. Pumasok kami sa mala-palasyong bahay ni Sir Ken. Chinck pa nito ang attendance namin kung kumpleto ba kami kanina walang tumakas.


So far wala namang tumakas. Lahat nandirito. May narinig kaming nabasag sa kusina at agad kaming nagsisuguran doon. Ang mga lalaki nangunguha na agad ng pagkain.


Napailing na lamang si Sir Ken at pinabalik kami sa salas. May mga nakaupo sa couch at may nakaupo rin sa sahig since hindi lahat kami kasya sa couch. Kalapit ko si bakla at si Yuri. Si Yuri hindi ko masyado close pero madaldal siya at masayang kasama.


"So mga bata, d'yan lang kayo. May kukuhanin lang ako. Pinapahanda ko na rin ang pagkain." Hinugot ni  Sir Ken ang kaniyang telepono mula sa bulsa at umalis. Nagsimula na ang ingay sa salas. May ibang nagsilayas rin at hindi sinunod si Sir Ken. Kaunti na lang ang natira dito sa salas.


"Grabe! Mag-isa lang si Sir Ken dito? Etong salas pa lang yata ang bahay namin eh." Manghang-mangha si Harmony sa nakikita niya sa paligid. Sino bang hindi? Makalaglag panga ang bahay na ito. Kahit sino gugustuhin tumira dito.


Tumingin ako sa orasan ko at mag-aalas-singko na. Nakabalik na lahat ng classmates ko dito pero hindi pa rin bumabalik si Sir Ken. "Tagal naman ni Sir. Hanapin na nga natin. Baka pati siya nalito na sa sobrang laki ng bahay." biro ni Chester. Hindi kami gaano ka-close pero ang masasabi ko lamang ay bully ang isang 'to at sobrang yabang.


Kasama niya si Gray na tumayo at naghanap sa nawawala namin propesor. Nagsitayuan na rin ang iba at nakisama sa paghahanap.


"Di na ako pwede mag-stay pa. Kailangan ko ng umuwi!" Nagmamadaling sabi ng isang classmate naming babae na si Natasha. Umalis siya kasama ang iba niya pang kaibigan na dalawa. Tiningnan lang namin sila habang papaalis pero kami nag-stay pa kami.


Hinanap namin si Sir Ken, kasama ko si Joshua, Jelai at Harmony sa paghahanap. Pumunta kami sa pangalawang palapag at doon hinanap si Sir. Inisa-isa namin ang kwarto. Sh-t lang sobrang daming kwarto. May mga number pa nga na naukit sa bawat pinto. 


"Hanep naman itong si Sir! Gusto yata talagang hanapin natin siya ano kaya dito pa tayo sa bahay nila pinapunta?" kumento ni Harmony. Natawa ako panandalian.


Nagpatuloy kami sa paghahanap hanggang sa may sumigaw.  Sinundan namin ang sigaw ng isang lalaki at nakita namin si Daisy na tumatakbo papalapit sa amin. Itinuturo niya sa amin ang isang kwarto.. ang room 30.


Dali-dali kaming tumakbo papunta sa kwartong iyon para tingnan kung ano nangyari ngunit pagtingin namin. Ang propesor na aming hinahanap ay nakahilata sa sahig at puno ng dugo ang katawan. 




Who's X? [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon