Tinanggal ko na ang tingin ko sa mukha niya. Humarap na lang ako at doon ko nakita si Blake na naglalakad habang nakapamulsa at nakaearphone. Huminto siya kaya huminto din ako.

"Aray," Reklamo ni Jules dahil hinatak ko siya.

Nakita kong napatingin si Blake sa kamay ko. Bumalot bigla ang maitim na aura niya. Naglakad siya paalis habang ako pinagmasdan lang siya bakit siya umalis?

"Looks like someone's jealous." Bulong sakin ni Jules.

Napatingin ako sakaniya at inangat niya ang kamay naming magkahawak. Namilog ang mata ko kaya binawi ko agad ang kamay ko.

Shit! Oo nga pala! Hinampas ko agad sa braso si Jules.

"Bwisit ka! Bakit hindi mo tinanggal?" Inis kong tanong sakaniya.

"Woah, woah. Easy!" Tumatawa niyang sabi.

Patuloy pa din ang paghampas ko sakaniya.

"Bwisit! Bwisit!" Sabi ko.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay, "Kalma! Eh ang higpit ng hawak mo sa kamay ko kaya hindi ko na tinanggal e."

Inirapan ko siya at susundan na sana si Blake ng hinila niya ako pabalik.

"Nah uh, Missy. You need to attend classes. Go go!" Sabay tulak niya saakin.

Tinignan ko siya ng masama. Nilagay niya ang kamay niya sa bulsa niya at sumandal sa locker pinagtitinginan na nga siya ng mga babae pero parang wala lang sakaniya.

Inirapan ko siya at tinignan ang pinto na pinaglabasan ni Blake.

San siya pupunta?

**

Lunch na. Hindi ko namalayan dahil buong period ay iniisip ko kung asan si Blake.

Nagtakbuhan na ang mga kaklase ko palabas. Pero ako nagaayos pa ng gamit. Sinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko at lumabas.

"Kain na tayo!" Aya ni Ericka.

"Una na kayo. Sunod ako." Sabi ko at tumakbo na sa room nila John.

Pagkadating ko doon ay saktong lumalabas sila. Nagtatawanan pa.

"Asan... asan si Blake?" Hinihingal kong tanong.

"Oh, hinga ka muna." Sabi sakin ni Ethan at tumawa.

"Tse! Asan nga? Pumasok ba? Eh si Liz?"

Nagkatinginan naman silang lima. Pagkatapos ay umiwas sila ng tingin saakin.

"Uhh, kasi ano Kylie..." Ian.

Nagets ko naman iyonkaya bumagsak ang balikat ko, "I get it." Matamlay kong sabi.

Tinignan naman nila ko. Hinawakan ni John ang kamay ko at ngumiti siya saakin.

"Don't worry, kinausap na namin siya."

"Thanks."

"Tara? Kain na tayo?" Yaya sakin ni Jhersel.

Umiling ako, "Una na kayo. Hinihintay na kayo nung mga 'yun." Ngiti ko sakanila at tumakbo na paalis.

Tinawag nila ako pero hindi ko sila nilingon. Ayokong ipakita sakanila na umiiyak nanaman ako. Andaming naglalahad sakin ng panyo o kaya tissue pero umiiling lang ako. Dere deretso ang takbo ko ng may nabunggo ako.

"Aww," Angal ko.

"Kylie?"

Napatingala ako at nakita ko si Kuya Kian.

"Kuya?" Pabalik kong sabi.

Nilahad niya ang kamay niya para makatayo ako. Pagkatayo ko ay agad ko siyang niyakap.

Campus QueenWhere stories live. Discover now