Sa'yong sa'yo at laging ikaw

Start from the beginning
                                    

Hindi man mawari ni Fidel ang mga terminolohiya ni Klay pero mukhang pumapabor sa kanya ang mga winika nito.

"Magpapasama sana ako sayo."
"Saan naman Klay? Ngayon na ba? Saglit lamang at uubusin ko lamang ang aking salabat."

Humihigop siya ng kanyang inumin ng magpatuloy ito sa pagsasalita.

"Magpapasama sana ako sayo dun sa may batis para maligo-"

Nabuga ng hindi inaasahan ni Fidel ang kanyang salabat at naubo sa pagkasamid.

"Uy Fidel! ayos ka lang ba? Anyare??"

Pinunasan niya ang kanyang ilong at bibig. Pakiwari niya ay lumabas sa kanyang ilong ang iniinom na salabat.

"Paumanhin Klay, nabigla lang ako sa iyong winika."

"Ay sorry, wala kasi sila Lucia eh, sa kanila sa ako magpapasama. Ayoko namang magpasama kay Elias or Hernando."

"Doon sa dalawang iyon?"

"Ngi! Ekis no! Mas gusto ko naman sayo kesa sa iba pa no! Mas tiwala naman ako sayo."

Lihim na nagalak ang puso ni Fidel sa mga narinig.

"Isang linggo nakong pawiskwisik lang. Nangangati nako. Kailangan ko nadin maglaba ng mga undies ko, naubusan na ko ng pamalit."

"Un-dies?"

"Underwears."

Maigsing sagot ni Klay.

Bahagyang napaiwas ng tingin si Fidel nang mapagtanto ang tinutukoy ng dalaga.

"Ano? Sasamahan mo ba ako?"

Tumango na lang si Fidel senyales ng pagsang-ayon.




Fidel, Sasamahan mo lang si Klay. Hindi ibigsabihin ay kasama ka nyang maliligo.
Ani ni Fidel sa loob loob niya.

"Oh dito mo na lang ako hintayin Fidel."

May halos tatlong metro pa ang layo ng batis pero huminto na sila sa tapat ng isang malaking puno.

"Ha?"
"Dito mo na lang ako kako hintayin."

Napakamot ng ulo si Fidel.
Humarap sa kanyang ang dalaga at nagpamewang.
Ngumis ito at naningkit naman ang mga mata.

"Bakit Fidel? Ano bang akala mo nung sinabing kong magpapasama ako sayo dito? Hmmm?? Ikaw ahh!"

"Bakit Fidel? Ano bang akala mo nung sinabing kong magpapasama ako sayo dito? Hmmm?? Ikaw ahh!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Panunudyo nito sa kanya. Iniwas niya ang kanyang mga mata ngunit hindi naman niya napigilan ang pamumula ng pisngi.

"Walang katotohanan iyan Klay, wala akong ibang iniisip nang ayain mo ako dito. Dalisay ang aking isipan Binibini."
"Wala naman akong ibang sinabi ah, nagtanong lang ako. Bat ang defensive mo? Hahaha Napaghahalataan ka tuloy eh."

Kinuha nito ang kanyang buslo sa kanya at lumakad.

"Dyan ka lang ah! Tignan mo kung may biglang dadating."

Filay (one shots)On viuen les histories. Descobreix ara