bigla naman nakaramdam ng kaba at takot ang lahat ng igala nila ang kanilang paningin at mas lalo pa silang kinilabutan nang mapagtanto nilang nasa isang liblib na lugar sila, walang signal at maraming mga puno ang nasa paligid ng kaharap nilang sa tingin nila ay lumang chapel

"a-anong ginagawa natin dito" tanong ng isa sakanila na bakas ang takot sa mukha "wag nila sabihin na balak nila tayong paglinisin dito" yun kaagad ang naiisip niya nang maalala na, more on helping others ang tema ng activities nila

dahil sa Idea niyang yun ay nagsimula silang lahat na magreklamo, ang iba ay nagsisisi sa desisyon nila na sumama, ang iba naman ay nanahimik nalang kahit sa totoo lang ay takot na takot sila ngayon, habang ang iba naman na mahilg sa mga horror at adventure ay nakaramdam ng excitement, pero nawala lahat ng mga takot at kaba nila nang makita nila na lumabas ang mga officers kasama ang isang madre

"everyone this is Mother Sophie, siya ang namamahala sa orphanage na to" paliwanag ni Zavy sa lahat "kaya ko nasabing it's your own decision kung sino ang gustong sumama rito dahil...alam ko naman na ang iba sa inyo ay aayaw sa susunod natin activity wich is...tulungan sila Mother Sophie na mag-alaga ng mga orphan children" nagsimulang magbulungan ang lahat at nakaramdam ng hiya sa mga iniisip nila kanina "kaya ngayon uulitin ko... nasa sainyo kung sasamahan niyo kaming pumasok sa loob at tutulongan sila... o babalik nalang kayo sa camp site, tutal hindi pa naman masyadong madilim kaya pwede pa kayong bumalik"

lahat sila ay napagdesisyunan na sumama kaya pumasok na sila sa loob, at lahat sila ay napanganga nang makita kung gaano kalinis at kaganda sa loob nang kaninang kaharap nilang lumang chapel

"akalain mo yun? don't judge the book by its cover nga naman" manghang sabi ni Christopher habang nililibot ang tingin sa palagid "damn, para tayong nasa palasyo" dagdag pa niya

"bunganga mo Chris" sita naman sakanya ni Reign

"ay sorry"

napailing nalang si Reign ng ulo saka humarap ulit kay Mother Sophie na nagsimulang magkwento tungkol sa orphanage nila at kung gaano na sila katagal na tumutulong sa mga batang wala nang kinikilala o kinagisnang mga magulang. hindi naman nila maipaliwanag ang mga nararamdaman nila ngayon nang marinig ang bawat masasakit na kwento tungkol sa mga batang kinupkop ng orphanage

naikwento rin ni Mother Sophie ang tungkol sa mga istudyante noon na nagbalak na bumisita sakanila, ngunit ang ilan sakanila ay napilitan lang kaya mag-mula noon ay hindi na sila ulit tumanggap nang mga bisita na galing sa iba't-ibang mga University, ngayon nalang ulit dahil nakiusap si Zavy ng maayos kay Mother Sophie nang nag-abot sila ni Ms.Nam nang tulong rito bago ang araw ng camping nila

"kaya nakiusap ako kay Zavy na, kung pwede sana ay yung mga willing lang na bisitahin ang mga bata ang isama niya rito...ayaw ko na kasi na maramdaman ulit ng mga bata na parang namamalimos sila ng pagmamahal at atensyon" paliwanag pa ni Mother Sophie

lahat sila ay halos mangiyak sa mga narinig at biglang na-excite sa gagawin nila ngayong mission, kaya hindi na nila pinatagal pa at tinawag na ang mga batang kanina pa naghihintay sa pagdating nila, mga nahihiya pa ang iba sakanila

"h-hello po" nahihiyang bati ng mga bata at isa-isa silang nagpakilala, mediyo natagalan pa sila dahil ang iba saknila ay hindi makapagsalita ng maayos dahil sa sobrang hiya

"hello! I'm Jasmine and I'm five yearls old" masiglang pagpapakilala ng huling bata at kaagad na tumakbo papunta kay Zavy "ate ganda!"

pinantayan naman ni Zavy ang height nito at niyakap "hi princess kamusta ka naman?"

hindi nila alam ngayon ang mararamdaman kung matutuwa o maawa sila, dahil naiiba si Jasmine sa mga batang naunang nagpakilala kanina, may kapansanan ito, ang iba ay tuluyan nang umiyak nang makita kung paano nito haplusin ang mukha ni Zavy habang nakangiti

"such a cute angel" nasabi bigla ni Maxine at dahan-dahan na lumapit sa bata "h-hi" bati niya sa bata habang nagpupunas ng luha

nilingon naman siya ng bata at kinapa ang pwesto niya "h-hello po" sagot ng bata at dahan-dahan na hinawakan ang mukha niya "hala....angela ka po ba?" masayang tanong ng bata habang nakatakip pa ang mga kamay sa bibig. napangiti naman silang lahat dahil sa sinabi nito

"yes princess, im your ate angel"

biglang tayo ni Zavy nang maramdaman niya nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso niya habang pinagmamasdan si Maxine at Jasmine. may kung ano siyang naisip habang pinagmamasdan ang dalawa "so...shall we start?" pagkuha niya ng atensyon ng lahat

bawat officers ay napagdesisyonan na hatiin sa lima ang mga bata at kada grupo ng bata ay dalawa ang nakatokang magbabantay sa mga ito, ang iba ay nagprisinta at namili ng mga bantang gusto nilang alagaan hanggang tatlong bata nalang ang natira at sila Zavy at Maxine nalang ang wala pang kagrupo

"so pano ba yan? kayong dalawa na lang ang wala pang anak" biro ni Yeri na isa rin sa mga officers. natawa naman silang lahat

nahihiyang lumapit naman ang dalawang bata kela Zavy at Maxine dahil si Jasmine ay nakakandong na kanina pa sa tinatawag niyang ate angel na ngayon na si Maxine

"oooooi bagay na bagay oh, parang happy family" pang-aasar ni Christopher sa dalawa. nakatanggap naman siya ng nakakamatay na tingin kay Zavy "n-nagbibiro lang naman ako e" sabay kamot niya ng batok na ikinatawa ng mga bata. napansin niya naman na tumatawa rin si Reign "oi isa ka pa Rei! tawa tawa ka diyan e para rin kayong family ayiiiie" pang-aasar ulit nito kay Reign naman

balak sana na murahin ni Reign si Christopher pero kaagad siyang pinigilan ni Dale at sinenyasan na may mga bata. para silang mag-asawa ngayon na nagsesenyasan, kaya lalo pa silang inasar ni Christopher at nakuha pang kuhaan ng litrato gamit ang phone niya

napailing nalang si Zavy sa kalokohan ng mga kaibigan niya, saka nilingon si Maxine na busy ngayon sa pakikipag-usap sa tatlong bata, pinag-uusapan nila kung anong gagawin nila bukas pagkagising nila, hindi naman mapigilan na ngumiti ni Zavy habang pinanunuod sila at biglang pula ng mukha niya ng maalala ang sinabi ni Christopher kanina na para silang isang pamilya

napansin naman siya ni Maxine "napano ka diyan?" tanong nito nang iangat ang tingin kay Zavy

"ah...w-wala tara na sa loob" pag-iba ni Zavy ng usapan at kaagad na inalalayan ang dalawang bata, binuhat naman ni Maxine si Jasmine dahil hindi niya namalayan na nakatulog na pala ito

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now