Ginawa nya lamang kami upang maging sakripisyo?

"  Hindi kaba nagalit sakanya? hindi mo manlang tinanong sakanya kung bakit nagawa nyang isakripisyo ang sarili nyang anak? " puno ng emosyon na sabi ko tumingin lang ito sa kawalan bago muli na namang ngumiti.

"  dahil iyon ang tadhana ko, arcadia. isa akong sakripisyo sa umpisa palang. " 

"  Pero sana nilabanan mo ang tadhanang iyon hindi ba?— "

" Sinubukan kong kalabanin ang tadhana hanggang sa dumating sa punto na.... alam kong hindi ko iyon magagawa. " 

Napayuko ako sa sinabi nya sa totoo humahanga ako sakanya dahil naging isa syang punong dyos'ng tatlong palasyo pero napakalaki ng mga isinakripisyo nya para lang protektahan ang pinamumunuan nya.

Paano naman ang sa akin? anong magiging tadhana ko?

" ngunit... hindi ko parin maintindihan susunod ba ako sa yapak mo dahil kapatid kita? " 

Ka-kailanganin ko rin bang mamatay para protektahan ang lahat?

"  patawad, alam kong masyado kapang bata para dumating ang araw na matatanggap mo ang kapangyarihan mo. pero sana... mas maging matatag ka kesa sakin huwag' kang sumuko at kalabanin mo ang tadhana "   ngumiti ito sakin nakaramdam ako ng kung anong humaplos sa puso ko.

Ang tanging' paraan para mabuhay ay kalabanin ang sariling tadhana?.

Tumingin ito sakin at muling ngumiti hinawakan nya ang kamay ko nakaramdam ako ng init mula doon.

" palagi kitang babantayan, nais kong maging masaya ka at tuparin mo ang lahat ng gusto mo. patawarin moko kung hindi ako naging ate sayo "

Idinilat ko ang mga mata ko at ramdam ko ang pamamasa nito nagsimula na akong humikbi, iniwan na naman ako ng isang mahalaga sakin, nabubuhay lang ba ako para dito? bakit kinukuha mo ang lahat ng mahal ko? bakit?

" arcadia? "  umangat ang tingin ko ng tawagin ako ni yair nag-aalala ang mukha nito pinunasan kona ang luhang tumulo sa mga mata ko ulang hindi na sya magtanong.

" pasensya na nawalan ako ng malay aalis narin ako.   "  mabilis nyang pinigilan ang pulso ko ng akma akong kikilos

"  mamumutla pa ang mukha mo  mag-pagaling ka muna dito sa palasyo ko  "   umiling ako

" makaka-abala lang ako—”

" kung ganon saan ka pupunta? pinagtaksilan ka ng lalaking mahal mo sa tingin moba kakayanin mo ng mag isa? "  

" ano naman? iiwan nyo rin naman ako diba? mas magandang maging mag isa nalang ako—”

PAKK*

" yan ba talaga ang iniisip mo ngayon? "

Karin.

" Bakit mas iniisip mopa ang mawala kesa pag tuunan ng pansin ang paglabas ng tunay mong kapangyarihan. "   naalala ko nasabi narin iyon ni zaniya sakin

"  mas magiging mainam kung magpapahinga muna sya "  awat naman ni yair mukhang kilala nya si karin dahil sa paraan ng pananalita nya

"  Yair, kukunin ko sya mula sayo kailangan na nyang paghandaan ang pwesto ng punong dyos' "   umangat ang tingin ko ng sabihin nya iyon

pwesto ng punong dyos'?

"  anong sinasabi mo karin? meron pa tayong punong dyos'at bakit nadamay si arcadia sa usapin na ito?.  "   naguguluhan na ang itsura ni yair gusto ko ring malaman dahil hindi naman lahat sinabi sakin ni zaniya ang lahat ng detalye  tungkol sa pagkakakilanlan ko.

Biglang sumeryoso ang mukha ni karin na ngayon ko lang nakita simula ng makilala ko sya.

"  gusto mo ba talagang makilala kung ano ang pakakakilanlan ni arcadia?  "  

" ano bang sinasabi mo—

" kakambal sya ni zaniya sya ang kakambal ng babaeng pinakamamahal mo. " 

Nanlaki ang mga mata ko, hindi iyon nabanggit sakin ni zaniya

" sya ang nilalang na matagal na nyang pasikretong pinoprotektahan, at sya rin ang nakatakdang maging unang punong dyos' ngunit dahil  kay zaniya napunta ang kapangyarihan ay sya ang naupo sa pwesto ng punong dyos' si zaniya ay isang kagamitan upang isakripisyo lang, yair. " 

kita ko ang paninigas ni yaor sa kinatatayuan yumuko ito at napahilamos sa mukha nya.

" kaya niya ba isinakripisyo ang buhay nya dahil.? "

" dahil wala na syang' pagpipilian para isakripisyo ang sarili nya, mabibigyan ng buhay ang kakambal nya na syang susunod na uupo sa pwesto, at si indra katulad din sya ni zaniya kagamitan lang din sya'.  " 

Ako naman ang nanigas dahil sa sinabi nya napayukom ang kamao, kung ganon' ay mamatay din si indra?

" pero mukhang may pagbabago sa tadhana ni indra. pipiliin nya ang kadiliman upang kalabanin ka, arcadia "  

















Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now