CHAPTER 8

363 15 5
                                    

CHAPTER 08: TROUBLE
#SPO:VDF

SHANAIA'S POV

HINDI ko alam kung sino ang mga taong na nasa harapan ko na ngayon. Masasama ang mga tingin at parang papatay ng tao ang mga mukha nila, nakakapangilabot dahil mukha silang mga adik. Wala naman akong ginawang masama sa kanila pero ito sila ngayon... Galit na galit sa 'kin.

Sino ba ang mga 'to?

"Alam mo Miss, sumama ka na lang sa 'min para matapos na 'to." sabi no'ng leader nila. Puro tattoo ang katawan nito pati leeg may tattoo din, iba't iba ang pagkaguhit.

"Ayaw!" tanging sagot ko habang naka-cross arm.

"Kingina pre! Ang tigas ng bungo ng babaeng 'to!"

"Mabuti pa pagtulong-tulongan na lang natin! Tutal marami naman tayo at iisa lang siya at walang makakakita satin kahit ano ang gawin natin sa kanya." dagdag ng isa.

Sumangayon naman sa kanya ang mga kasama niya.

"Sino ba kayo? Ano ang kailangan ninyo sa 'kin?" inis kong tanong.

Sinasayang lang nila ang oras ko! Hindi ko nga sila kilala at wala akong natatandaan na naka-away ko dahil hindi ako takaw gulo. At saka... Baka panis na 'tong dala kong pansit na order ni Aling Mona.

Pera na nga naging bato pa! Kakagalitan naman ako nito ni Mama dahil hindi ko na deliver ang order na pansit ni Aling Mona, sayang din ang pera.

"Pwede ba? Pa-uwiin ninyo na po ako mga Kuya," sambit ko at nagpa-awa effect sa kanila, baka sakali na madadaan sila sa pa-awa effect ko.

"Hindi pwede! Kailangan mong pagbayaran ang ginawa ng kaibigan mo sa mga kasamahan ko!"

Sino si Toks?

"Sinong kaibigan?" tanong ko.

"‘Yong mayabang na tomboy mong kaibigan na si Toks!" sigaw niya sa 'kin.

Sabi ko na nga ba eh!

"Siya ang may kasalanan tapos ako ang magbabayad? Wow." sarlastikong saad ko.

Una sa lahat hindi ko sila kilala. Pangalawa wala akong ni isang atraso sa kanila, pangatlo... Lagot na ako kay Mama dahil panis na ang pansit na ede-deliver ko sana kay Aling Mona.

"Bakit naman hindi? Tropa mo naman 'yon!"

"Siya ang may atraso sa inyo hindi ako! Kaya kung—"

"Kung gusto mong maghiganti sa 'kin huwag mong idamay ang kaibigan ko!" dugtong ng isang pamilyar na boses sa sasabihin ko.

Agad ko itong nilingo at—'yong lima kong kaibigan! Mukang si Toks ang nagdugtong sa sasabihin ko sana.

"Awayin mo na ang lahat 'wag lang ang prinsesa namin!" si Toks. "Ako ang kailangan ninyo diba? O, nandito na ako. Lumabayan ninyo si Shanaia kung ayaw ninyong bali-baliin ko ang mga buto ninyo!" sigaw ni Toks.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SSG PRESIDENT OBSESSION: Vincent Dela Fuente (Obsession Series #1)Where stories live. Discover now