hinayaan ko nalang siya at naglakad na kami papunta don sa area kung saan kami mag-luluto

shocks ang init!

dapat pala nag-dala kami ng payong, sobrang init ngayon my gosh

when we reach the location, nag-simula na kaming ayusin yung mga gagamitin namin pang-siga

meron nang naka prepare na putol na mga kahoy rito, pina ready ko na kela Bam, I even ask him na kung pwedeng isama niya narin yung gagamitin ng mga students

after the chaos para mapaapoy yung siga namin, we started cooking, habang si Maxine nanonood lang samin

mas ok nang nanonood lang siya samin, kesa makielam pa siya, baka magkanda letche-letche pa yung luto. hindi pa naman siya marunong

after ilang minutes napagod rin siya kakanuod samin, at naghanap ng pwesto niya. nakahanap siya sa ilalim ng malaking puno malapit lang din dito

"tamo si Max, iniip na inip na" sabay tawa ni Reign habang nakaturo sa direksyon kung nasan si Maxine

lumingon rin ako don at natawa bigla, paano ba naman kasi naglalaro na siya ng lupa sa sobrang bored niya. sasama sama pa kasi e

"bigay mo muna kaya yung phone niya? kawawa naman oh" pang-aasar ni Riegn. pinsan niya yan ha, pero grabe niya kung asarin

I didn't complain to her suggestion, tama naman kasi siya sobrang inip na si Maxine

I went to where she is, at halos hindi ako makalapit nung nakita ko yung ginagawa niya

she's not playing with soil, may sinusulat siya gamit yung hawak niyang stick

but she quickly wipes it using her shoes. hindi ko tuloy nabasa yung iba, basta may nakita akong confuse, mahal, and Kevin na words don

"how long have you been there?"

"ngayon lang"

she sigh in relief, nakapikit siya at halata sakanya na talagang kinabahan siya kanina. natatakot yata siya na mabasa yung sinusulat niya

"what are you doing here pala?" sabay tingin niya sa pwesto namin kung saan kami. nagluluto "are you done cooking?"

"not yet... gutom kana ba?" I asked her habang inaabot ko yung phone niya "balik mo sakin after namin magluto" she was hesitate to take it, pero biglang umilaw yung phone niya, and the wallpaper shows "you really love him do you?" I didn't see any reaction from her

pero legit yung sakit na nararamdaman ko sa tanong na galing mismo sakin

she looks away pero wala akong narinig na salita sakanya. that's enough for me to say na mahal nga niya si Kevin

tang ina it hurts

hindi ko na kinaya, nilapag ko nalang yung phone sa tabi niya tapos tumalikod na ako

"if you really love him...just choose him, hindi mo kailangan magpanggap na gusto mo talagang ituloy yung kasal...alam ko rin naman yung totoong dahilan kung bakit na-uwi tayo sa ganitong sitwasyon"

yes I happened to know na hindi talaga about sa merging yung kasal namin, it's because she wants to take the responsibility to what she did to me

"y-you know?"

I slowly nodded my head "mmm....nito ko lang din nalaman, and it was accidentally when Ms.Nam talking to Archie on the phone"

"Zavy I'm sorry"

"you don't have to...don't worry, kakausapin ko si tito na i-cancel yung wedding"

mas gugustuhin kong hindi matuloy yung kasal namin, kesa makakasama ko siyang pilit palagi yung gestures niya towards me

mas masakit yon

"thanks"

doon na tumulo yung luhang pinipigilan kong lumabas, so tama ako. mahal niya pa talaga si Kevin

mas masakit pala kapag na confirm mo na

"it's nothing, sige na puntahan mo muna siya"

rinig na rinig ko yung pagtayo niya. pupuntahan nga talaga niya si Kevin, but then she suddenly hug me from behind na ikinabigla ko

buti nalang nakatalikod ako sakanya, hindi niya makikita na umiiyak ako

"thankyou and I'm sorry"

"wala yon...and by the way I forgive you na"

humigpit yung pagkakayakap niya sakin, then ilang thank you pa yung narinig ko sakanya bago siya tumakbo palayo

masakit sobra

pero mas ok na rin siguro to? buti nalang hindi pa ako nakakapag confess sakanya

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now