Prologo :3

49.5K 911 144
                                    

(The setting of this story is Cebu City.)

"Yan! Pati yang mga piglet na pigurin dadalhin natin!" ani Mama habang naghahakot kami ng mga gamit. Nakasimangot na sumunod ako,hindi ko talaga gustong lumipat,kung bakit kasi lilipat pa eh! Nakaka imbyerna lang!

"Ma,huwag na kasi tayong lumipat?" pag kontra ko pa din habang palabas na kami ng bahay. Nasa may labasan na din ang truck kung saan nakalagay na ang mga gamit namin.

"Tigilan mo ako Koiji! Papa mo may magusto nito,saka na ako magpapaliwanag. Hala sige,sakay na sa taxi." sagot ni Mama.

Sumakay na kami sa Taxi,sumunod ang truck,si Papa kasi nasa ibang bansa,ito ikalawa niyang sweldo at pinalipat kami. From Minglanilla Cebu to Cebu City.

Ang haba ng byahe,tas bukas mag e-enroll na ako,kung kailan mag grade twelve na ako saka pa ako lilipat ng school,ka inis talaga,pero wala naman akong magagawa.

Juicecolored! Dito pala kami sa T.Padilla titira?

Pagbaba ng taxi ay tiningnan ko ang paligid,madaming tao at buhay na buhay ang lugar.

"Mga dong,palihog naman,tabange ko sa mga gamit,mag suhol na lang ako." ani Mama sa mga tambay na mukhang adik dito sa labasan. (Mga dong,makikisuyo naman,patulong sa pagdala ng mga gamit,mag bayad na lang ako.)

Nauna maglakad si Mama pagkatapos magbayad sa truck driver at taxi driver. Napatingin ako sa may gilid kung saan may tindahan ng burger.

May gwapong binata na nakatambay,naka cap pa at mukhang pareho lang namin ng antas sa buhay. Ngumisi ito sa akin,kumindat at dinilian pa ang lower lip niya na ikinanganga ko.

Luh? Ang bastos naman ng gagong yon?

Kaya ang ginawa ko ay tiningnan ko na lang ang mga tumutulong sa amin sa paghahakot ng gamit.

"Yads,libre lang,ano? Sagot mo lodge?" sabi ng isang boses na ikinalingon ko.

And to my surprise,yung binata pala!

"Sumbagon taka ron!" sabi ko pa na ikina ngisi ng gago. (Bugbugin kita!)

"Sus,sige nga?! Masarap ako,paniguradong babalik balikan mo!"

"Amaw!" sabi ko at tumakbo na,sinundan ko yung mga humakot sa gamit namin. Grabe,nakakatakot ang isang iyon? Sarap ilagay sa lutuan ng burger ang mukha!

"Hihintayin kita dito sa labas!" pahabol pang sigaw nito na ikinatakot ko.

Pagdating sa bago naming nilipatan ay hingal na hingal ako.

"Bakit ang tagal mo Koiji?" ani Mama na nagbabayad sa mga tumulong sa amin. Nilibot ko ang paningin ko,okay naman ang bahay.

"May nambastos eh!"

"Ha? Saan?" gulat na sabi ni Mama.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Sa may kanto. Binastos ako ng bastos sa kanto!"

Ang Bastos Sa Kanto III (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon