CHAPTER 9:

46 4 0
                                    

Claire's POV

Its been 3 months simula nung araw na sinabi ni Kurt na liligawan nya ako and yes! Tatlong buwan nya na akong nililigawan,talong buwan nya na akong inihahatid at sinusundo at tatlong buwan na rin kaming palaging sabay naglu-lunch.

Minsan nga tinatakasan ko sya eh! Kaso eto namang si Lyka laging sinasabi kung nasaan ako kaya ayun! Nahahanap at nahahanap parin ako.

"Goodmorning Claire!" Bati ni Kurt, and take note ha! Nakangiti ng wagas yan na halos mawala na yung singkit nyang mata.

Hindi ko sya pinansin. Tsk! Kelan ba sya titigil sa panliligaw? Hindi nya ba napapansin na wala akong pakialam sakanya? Tss.

Umupo na sya sa likod namen ni Lyka pero himala hindi nya yata kasama si Aaron?.

"Kurt? Asan si Aaron? Ba't di mo ata kasama?." Tanong ni Lyka. Wow himala hinahanap nya si Aaron hmm...bakit kaya?

"Uuyy!! Bakit mo hinahanap si Aaron? Siguro may gusto kana sakanya nuh? Ayiiee!!." Asar ni Kurt kay Lyka.

"Tumigil ka nga dyan Kurt!! Paghinahanap may gusto agad? So kapag hinanap mo pala yung daddy mo ibigsabihin may gusto ka sakanya?" Iritang sabi ni Lyka..hahaha oo nga naman.

Umiling ng umiling si Kurt na akala mo mababali na yung leeg nya.

"Oh? Yun naman pala eh! So nasan nga si Aaron ba't di mo kasama?."-Lyka. Habang nakalagay ang dalawang kamay sa bewang nya.

"Wala! hindi sya papasok ngayon!" Sagot ni Kurt.

"Baket daw?" Tanong ulit ni Lyka. Baket parang naging concern si Lyka ngayon kay Aaron?.

"Tumawag sakin yung mommy nya kaninang madaling araw hindi daw makakapasok ngayon si Aaron kasi inaapoy daw ng lagnat." Paliwanag ni Kurt.

"A-ahh ok!" Sagot ni Lyka tapos naupo na sya sa tabi ko.

Natapos ang tatlong subject ng ni isa wala akong naintindihan sa mga tinuturo ng teacher. Pano ba naman etong Kurt na toh! kanina pa ako kinukulit..kung ano anong hinihiram nakakainis na pramis!!!

*flashback*

Nakasalukuyang nagdidiscuss si Mrs. Rodrigo sa Math hmp! Alam ko naman na yan eh. Maya maya may kumalabit sakin pagtingin ko si Kurt lang pala.

"What?" Inis kong tanong.

"Peram ng ballpen, wala na kasing tinta yung ballpen ko eh!!. Wala si Aaron wala akong mahiraman." Sabi nya pinahiram ko naman.

Maya maya binalik na nya yung ballpen. Tapos hiniram ulit,tapos binalik nanaman, tapos hiniram nanaman Ugghhh!!!

"PaHiram.."

Balik..

"PaHiram.."

Balik..

"PaHiram.."

Balik..

"PaHi--

"Sayo na!!..Sayo na yang ballpen ko wag mo nang ibabalik!! Please! Marami pa akong ballpen kaya wag mo nang ibalik sayo na yan!" Sigaw ko Ugghh! Inis na inis na talaga ako.

Nagulat yata sya sa pagsigaw ko lumaki ng konting konti lang yung mata nya..pero maya maya ngumiti nanaman tsk! Iniinis yata talaga ako ng lalakeng to eh! Pigilan nyo ako masasapak ko to!.

"Litsii ka!!" Inis kong sabi.

"I love you too." Sabi nya. Jusko lord Nababaliw na talaga sya.

*end of flaskback*

Oh? Diba? Sinong di maiinis? Ganyan lang ginagawa nya simula kanina nakakapag-init ng ulo.

Lunch na ngayon nagpaalam si Lyka na pupunta lang daw sya sa office ng ate Lizbeth nya. Oo may ate si Lyka tatlo silang magkakapatid dalawang babae at isang lalake.

"Let's go Claire!" Sabi ni Kurt sabay hawak sa kamay ko.

"Teka! San tayo pupunta?" Tanong ko. Syempre turo sakin ni mommy at daddy wag daw sasama kung saan saan noh!.

"Maglu-lunch malamang!" Sagot nya at hinila na ako palabas nang room.

Naglalakad na kami ngayon papuntang cafetiria. Pinagtitinginan kami ng mga students. HHWW kasi kami eh. Ang kulit ni Kurt! Pilit kong hinihila yung kamay ko pero ayaw nyang bitawan. Kainiss!!

[A/N: HHWW-Holding Hands While Walking. Para po sa mga hindi nakakaalam]

"Uy! Tingnan mo oh! Si Kurt tsaka si Claire magkaholding hands!"

"Oo nga nakakakilig!!

"Oo nga eh..perfect couple!"

Naririnig kong bulungan ng mga students na nadadaanan namen.

"Narinig mo yun?" Tanong ni Kurt.

"Huh? Ang alin?" Tanong ko rin.

"Tss...sabi nila bagay daw tayo!" Nakangiti nyang sabi.

"Huh? Hindi eh!" Pagdedeny ko.

"Sus! Nagbingi-bingihan pa." Bulong nya.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Wala! sabi ko mahal kita!" Nakangiti pa sya nung sinabi nya yan.

Hindi na ako nagsalita at naglakad na ulit kami papuntang cafetria ng magka-HOLDING HANDS.

"Ano ba! Bitawan mo na nga ako!" Sigaw ko pagdating namen sa tapat ng cafetiria. "Hindi naman ako mawawala eh! Tsaka isa pa hindi naman kita tatakbuhan noh!" Totoo naman eh hindi na ako tatakas dahil magpapagod lang ako kasi lagi naman nya akong nahahanap.

tinitigan nya muna ako tapos binitawan nya na yung kamay ko.

"tsaka kelan kba titigil dyan sa panliligaw mo?"

"Hindi ako titigil,bakit?" Mabilis nyang sagot.

"Tss...wala ka namang mapapala eh!, kasi hindi naman kita sasagutin!" Sabi ko.

Nakatitig lang sya sakin...Ughh!! Napaiwas tuloy ako ng tingin.

"Hmp! Dyan kana nga!" Sabi ko sabay takbo..tss bahala sya sa buhay nya.

Bumalik na ako sa classroom at hindi na ako bumili ng lunch di nmn ako gutom eh..

*krrrinnnggggkrrrinnnggg*

Bell na hanggang ngayon hindi parin bumabalik si Lyka..asan na kaya yung babaeng yun?

-----

A/N:Do vote and comment :)

The Spoiledbrat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon