The Boss with Robert James

1.2K 66 32
                                    

Nadine's POV

Simula nung nangyari sa bahay nila James. Almost 3 days na kaming di nagkikita. Nakalipat na din ako sa bagong bahay na regalo ng Lolo. Akala ko nga nung maglilipat ako bigla syang susulpot at tutulungan ako e. Pero I was wrong.

Ikaw ba naman sabihan mo ng "We should end this." syempre masasaktan yon! Teka bakit sya masasaktan diba? Wala naman syang feelings sakin! Tsaka okay na to habang maaga pa tapusin na namin! Kasi marami nang nadadamay sa kalokohang ginawa ko.

Kamusta na kaya sya? Siguro may dinadate na syang ibang girls. Pero engaged pa kami diba? So imposibleng makipag-date sya? ANO BA NADINE! BAKIT MO BA SYA INIINTINDI! Tapos na kayo diba!? Wala namang "kami" ah? Deal lang yon!

I'm sure masayang masaya sya dahil hindi na kami magkikita at mas masayang masaya ako dahil wala ng manggugulo sakin! Masaya nga ba? Hays!

Nandito ako ngayon sa bahay. Mag-isa. Kahit naman lumipat ako di pa rin ako nagpasama ng katulong dito. Sabi ko kay Lolo kagaya lang ng set-up sa condo ko ang set-up dito sa bahay ko. Pupunta lang yung mga maids thrice a week para maglinis at kung ano pa. Marunong naman kasi akong magluto. Pwede na mag-asawa XD Heh! Isip mo Nadine!

Hays tatlong araw na walang Reid na nanggugulo sakin. Nagsasabi ng mga mushy lines nya. Nasanay na ba ko sa presence nya? Hindi ko sya namimiss no! Asa naman! -_- Yung sped na yon mamimiss ko? Never! Kahit kaming dalawa na lang dito sa mundo hinding hindi ako papatol sa kanya!

Oo nga pala! Hindi muna pinagwowork ni Lolo sa company. Di ko nga alam kung bakit basta ang sabi lang nya magenjoy daw ako sa single life ko. E single naman ako forever! So ibig sabihin ba nun di na ko magiging CEO sa company? Ah hindi! Baka naman isusurprise ako ni Lolo! Baka pagpinabalik na nya ko sa company, ibabalita na nya sa board at sa buong office na ako na ang bagong CEO! Tama! Yun siguro yon! Ang smart mo talaga Nadz!

Tumayo na lang ako ng kama ko at nag-ayos ng iba ko pang mga nakatambak na gamit. Habang binubuksan ko yung maleta na naglalaman ng mga damit ko napatingin ako sa bracelet na suot ko.

Bakit ba sa lahat na lang ng oras naalala ko sya?!

*Ding dong*

May nagdoorbell? Sino naman yon? Baka si Lolo! Tama!

Dali dali na kong bumaba ng hagdan at masayang masaya kong binuksan yung pinto. Sa sobrang excited kong makita si Lolo dahil puro phone calls na lang kami dahil nasa States sya napayakap ako.

Habang nakapikit ako biglang nagsalita si Lolo.

"You missed me a lot, right hon?" HON? Teka kelan ko pa naging hon si Lolo? Type nya ba ko? Di pwede!

So kinapa ko yung likod nya tapos naramdaman ko yung mga pandesal nya since sobrang higpit ng yakap ko. Kelan pa nagkaabs si Lolo!?

Shit!
Di kaya si James 'to?

Sa sobrang gulat ko natulak ko sya tapos napahawak sya sa pinto.Gulat na gulat ako kasi si JAMES REID nga! Fvck nakakahiya yung ginawa ko -_- Akala ko lang naman si Lolo sya e!

"Di mo man lang ba ko papapasukin?" sabi nya habang nilibot yung mata sa bahay.

"Di ka welcome dito. Alis!" sabi ko sabay sara nung pinto pero naharang nya yung paa nya dahilan para maipit sya ng bongga.

"Ouch! Shit!" napacuss pa sya sa sobrang sakit. Di na nya kinaya kaya napaupo sya sa labas ng pinto. Nagpanic naman ako kaya agad agad ko syang inalalayan sa sofa para iupo.

Napabulong naman ako.

"Parang kanina lang iniisip kita tapos ngayon nasa harap na kita! Mind reader ka ba?"

She's The BossWhere stories live. Discover now