"Okay na po ako. Basta makuha ko na lang po ang backpay ko, ayos na po ako." Pinalulubag ko ang loob nito dahil galit pa rin tungkol sa nangyari sa akin.


Sa sala ay nandoon si Isaiah. Madilim ang ekspresyon niya habang may tinitingnan sa phone. May tumawag sa kanya pero hindi niya sinagot. Akma siyang tatayo para lumabas ng pinto nang dumungaw mula roon ang nakasimangot na mukha ni Tita Roda. "Anya, may bisita ang BINATA mo!" 


"Anu pow iyon binata?!" sabat naman ni Vien na ngayon ay gumugulong sa sahig ng sala habang may yakap na matabang aso, si Balmond.


Nakita ako ang pamumutla ng mukha ni Isaiah habang nakatingin na ngayon sa akin. 


Ang mama at papa niya ay mga nakatingin din sa pinto, nang mula sa likod ni Tita Roda ay lumitaw ang isang babae. Sopistikada ang itsura, maganda, singkit ang mga mata. Ang damit ay bodycon na kulay maroon. Lalong lumitaw ang kaputian at ang hubog ng perpektong katawan. Subalit sino ito?


"Daddy mo iyong binata!" sagot naman ni Tita Roda sa tanong ni Vien. "Pakagaling e! Dang husay!" Pagkuwa'y padabog itong umalis nang makapasok na sa sala itong 'bisita' ni Isaiah.


"Good afternoon po," sabi ng babaeng sopistikada habang ang singkit nitong mga mata ay nakatutok kay Isaiah.


Si Isaiah ay umalon nang ilang ulit ang lalamunan habang ang mga ngipin ay nagtatagis. Nagtatanong naman ang mga mata ng mama at papa niya kung sino ang babae.


The woman was still smiling. She was really a beauty. Pati ang boses ay nakakabighani. Mukhang matalino, may mataas na pinag-aralan, at... tiyak na may magandang trabaho.


"Sino ka naman? Ano ka ni Isaiah?" tanong ng mama ni Isaiah nang mahimasmasan ang ginang sa gulat. "At bakit ka napadalaw?"


"Hello, ma'am. I am Isaiah's friend in Manila," magalang na sagot naman ng babae. "Naging client ng kompanya nila ang kompanya namin last year. May pinuntahan ako sa may Imus, naisipan ko na dumaan na rin dito sa General Trias."


"Ineng, napakalayo ng Imus dito sa GenTri para sabihin mong naisip mo lang dumaan."


"Anya, Anya," mahinang saway ni Papa Gideon, na napatayo na mula sa kinauupuan. Nilapitan nito ang asawa, saka hinarap ang bisita. "Maupo ka muna, hija. Kaibigan ka kamo ni Isaiah?"


"Yes po. I am his friend... I think?"


Napaubo si Isaiah. Binato ito ni Mama Anya ng lalagyan ng lumpia wrapper. Nasalo naman niya agad. "Ma, sayang ito."


"Ikaw, hindi ka sayang kapag inumpog kita sa hagdan," gigil na sagot ng mama niya sa kanya.


"Ma, kliyente lang namin siya sa kompanya. Hindi ko alam na pupunta talaga siya kasi hindi naman ako—" Nagpapaliwanag pa siya nang biglang magsalita ulit ang babaeng 'bisita'.


"My name is Patrice nga po pala," sabi nito sa pangalan na nagpadaloy ng lamig sa aking katawan. "Patrice Lim."

South Boys #3: Serial CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon