SABK 1

13.9K 437 151
                                    

Belle POV

"Miray! Miray!"

Ay naku! Pumuputak na naman ang napakaganda kong ina. Kakapunta ko pa nga lang dito sa kapitbahay namin pinapauwi na agad ako?

Nagtataka kayo why she called me Miray? Dahil ang buong pangalan ko ay Mary Belle Ferrer. Ginawang Miray ang Mary. Ang panget nga eh.

Kaya naman umuwi nalang ako bago pa ako sigawan ulit.

"Bakit ma? Ano na naman ba ang iuutos niyo?" Ito ang mahirap kapag ikaw lang ang babae sa magkapatid. Lahat ng utos ay sa'yo.

"Wala naman. Huwag ka lang umalis para kapag may iuutos ako nandiyan ka lang."

"Ganun? Eh kakarating ko pa nga lang kina Shane tinatawag mo na ako? Dahil lang sa wala?" nagmamaktol na sagot ko.

"Sumasagot ka na sa akin ngayon?" oh ayan na, nagtransform na si mama. Lumalaki na ang butas ng ilong niya. Galit na ang mukha.

"Ay hindi ma. Sarili ko lang kinakausap ko." Sabay talikod ko. Manunuod nalang ako ng TV.

Pagpunta ko sa sala nanunuod pala ang lima kong kapatid ng NBA.

"Kuya, palitan niyo nga lang ang pinapanuod niyo. Hindi ako nakakarelate diyan eh," reklamo ko sa kanila.

"Ano ka hello? Eh nanunuod kami," sagot ng nakakatanda kong kapatid.

"Tao po! Tao po!" Bigla kaming napalingon sa may pintuan.

"Sino yan?" tanong ni Jeremy na pangatlo sa aming magkakapatid.

"Malay ko. Pareho tayong nandito ako tinatanong. Puntahan mo nga!" malakas na sabi ko sa kanya. Tumayo naman ito at nagsimulang maglakad pero napahinto rin ito at biglang bumaling sa akin.

"Teka nga lang, ako ba inuutusan mo?" Paktay! Akala ko nakalusot na ako.

"AH. haha. Hindi noh! Sinabi ko yun sa sarili ko. Sige kuya titingnan ko na kung sino." Aish! Buhay. Wala tayong laban sa lalaki.

Pinuntahan ko na kung sino ang tao sa labas.

Humay! Humay! Humaygad! Bakit siya nandito? Ano ang ginagawa niya dito?

"Patrick, what are you doing here?" yan ang agad na tanong ko sa kanya. Bakit kaya kinakabahan ako?

"Manliligaw sana," nakangiting sagot niya.

"Kanino?"

"May kapatid ka bang babae?"

"Wala."

"Eh yun naman pala eh, alangan naman sa kapatid mong lalaki," pilosopo niyang sagot.

"Aba loko ka ha. Tingnan natin kung may gana ka pang mamilosopo mamaya. Ngayon pa lang busted ka na."

"Miray! Sino yan?" sigaw ng kuya ko na hindi ko namalayan lumabas na rin pala.

"Sino 'tong lalaking ito?" tanong ni kuya Vince ang nakakatandang kapatid namin.

"Ah kuya si Patrick, kaklase ko."

Humarap si kuya Vince kay Patrick.

"Anong kailangan mo sa kapatid ko?"

"Manliligaw sana," medyo nahihiyang sagot ni Patrick.

"Manliligaw?!" napaatras ako sa pintuan dahil sa lakas ng sigaw ni kuya. Gusto ko ng matawa sa expression ng mukha ni Patrick.

"O-opo sana." nauutal na sagot niya.

"Sige, pasok ka." mahinahong sabi ng kuya ko. Ganun lang? Biglang change mood? Wooh! Akala ko ano na.

Pumasok naman si Patrick at akmang uupo na sana siya ng biglang lumabas ng kwarto ang aking papa bitbit ang baril niya.

"Sinong manliligaw?!" malakas na tanong nito at kinasa ang baril na bitbit niya.

Napalunok si Patrick at nagpalabas ng malalim na hininga.

"Waaahh! Ayoko na!" Biglang sigaw ni Patrick at kumaripas ng takbo.

"Ahahaha...ahahaha"

"Hahahaha....hahaha"

"Wahahaha...hahahaha"

"Pfftt...hahaha. Hindi mo man lang talaga pinaupo pa!hahaha!" Nakahawak pa ako sa tiyan ko na nananakit sa katatawa.

"Sa matatakutin talaga ang lalaking yun! Kumaripas ba naman ng takbo? Nagtatanong lang eh." seryosong sabi pa ng papa ko.

"Eh kasi naman pa, kinasa mo pa ang baril mo. Hindi tuloy natin nasasaksihan kung paano yun dumiskarte." saad ni Dave na pangalawa sa aming magkakapatid.

"Hay naku pa! Paano ako magkakaboyfriend niyan kung palagi niyo na lang tinatakot ang manliligaw ko?"

"Hoy Miray! Hindi ka pa pwedeng magkaboyfriend hanggat hindi ka pa tapos mag college. At kung seryoso talaga ang manliligaw mo hindi siya basta nalang tatakbo. Dapat matibay!"malakas na sabi ni papa.

Kasi naman eh, everytime na may manligaw sa akin tinatakot nila. Eh paano pa ako magkakalovelife niyan? Gusto ko pa naman sana maranasan magkaroon ng tagabitbit ng gamit ko kapag pumapasok sa school. Gusto ko pang maranasan malibre para makasave naman ako ng allowance. Oh diba bongga naman na mga reasons yun?

Pero palagay ko hindi talaga mangyayari yan. Pwera nalang siguro kung makikita ko na talaga yung love of my life ko. Kahit butas ng ilong ng papa ko papasukin ko makasama ko lang ang mahal ko. O siya, masyado ng exaggerated ang mga sinasabi ko.

"Dadaan muna sa akin kung sino man ang manliligaw sa'yo Miray!" si kuya Jeremy

"Walang problema kuya Jeremy, dadaan lang pala."

"Huwag kang pilosopa."

"Ano ba sinabi ko kuya?" pagmamaang maangan na sabi ko.

"Dadaan lang pala."

"Anong meron?"

"Dadaan siya sa akin literally. Yun ang ibig mo sabihin diba?"

"Kayo lang nag-iisip niyan kuya. Masyado kang advance." gusto ko ng matawa pero baka mabatukan ako ng wala sa oras.

"Huwag ka lang magkakamali na gumawa ng katarantadohan Miray, kundi malalagot ka talaga sa amin." biglang seryosong sabi ni kuya Johnny.

"Opo mga kuys."mahinang sagot ko nalang.

Alam ko naman kasi na para sa akin rin ang mga ginagawa nila. Pero minsan talaga parang gusto ko rin subukan ang ibang bagay na hindi ko nagawa. Halos wala nga akong kaibigan dito sa lugar namin eh dahil lalabas lang ako saglit ng bahay tinatawag na agad ako at pinapauwi.

Strict Ang Brothers KoWhere stories live. Discover now