"Okay na po ako," nahihiyang sagot ko sa mama ni Isaiah. "Nataon din po na leave ang kapitbahay ko na kinakapatid ko rin, si Eli po. Sila ng mama niya ang nag-alaga sa akin."


Nang mag-angat ulit ako ng paningin ay sa ibang direksyon na nakatingin si Isaiah.


Tumikhim naman ang papa niya. "E anak, ang mga galos at pasa mo, saan mo nakuha?"


Hindi na ako nagsinungaling. Ayaw ko rin silang mag-alala at mag-isip pa nang mag-isip kaya sinabi ko na ang totoo. Sinabi ko na pinagkamalan akong other woman ng isa sa mga katrabaho ko. Pero sinabi ko rin na okay na at wala nang gulo para hindi na sila mag-alala pa.


Ang kaso, galit na galit ang mama ni Isaiah. "Aba'y ang kapal ng mukha ng kung sino mang tolongges na iyan, ah!" 


Ang tagal pa na kumalma ng mama ni Isaiah. Pati si Tita Roda na nakailang balik dito para makiusyoso ay galit din. Parang gusto nang sumugod ng maghipag sa Epza kung hindi lang sila piniglan ng kani-kanilang mga asawa.


Sa lahat ng iyon ay tahimik lang si Isaiah. Nakayuko siya sa cellphone niya habang seryoso ang kanyang mukha. Walang makapagsasabi kung ano nasa isip niya.


Bandang hapon nang may dumating owner sa tapat ng gate ng compound. Ang kaibigan niya na bagong baba sa barko, si Asher. He was wearing jeans and a gray shirt. He was wearing specs this time and that made him looked so sexy.


Sinalubong agad ito ni Vien. "Idol!"


Kinarga naman agad ni Asher ang bata. Ang seryosong mukha ni Asher ay umamo. Nawala ang angas nito at mas lalo yata itong gumuwapo. Bumalik ang pilyong kislap sa mga mata. "Kumusta ang apprentice ko?"


Nag-fist bump ang mga ito. Nakakaaliw tingnan, close na close si Vien sa mga kaibigan ng daddy nito.


Nang bumaba sa hagdan ang mama ni Isaiah ay nagmano rito si Asher. "O Asher, andito ka pala. Kumusta ka na? Ang guwapo mo na lalo, ah? Balita ko wala ka pa ring girlfriend."


Magalang na ngumiti si Asher. "Wala nga, Ma. Ipon po muna."


Bago umalis ang ginang ay may pahabol pa ito, "Ay, Asher. Nakita ko pala last week iyong ex mo na taga Sunterra. Si Laila. Ay, ang ganda na ngayon."


"Matagal naman nang maganda iyon," bubulong-bulong si Asher.


Nagpaalam si Isaiah na aalis na. Sabado bukas kaya siguro hindi siya sa Manila pupunta. Baka kina Asher siya o sa Kiss Bar sila. Naka-tshirt lang siya, sweat pants, at sa ulo ay ng sombrelo na kulay itim. Nag-suot din siya ng face mask na itim din.


Mga 6:00 p.m. ay nagpaalam na rin ako. Kahit kagagaling ko lang ay kailangan ko nang magtrabaho. Kailangan ko ng pera para sa mga gastusin. Lalo pa at nag-iipon ako dahil parating na ang birthday ni Vien.



SA TRABAHO. Sa locker room na ako nakapagbukas ng phone. Naki-charge ako sa isang katrabaho. May mga chat pala sa akin si Johny. Isa ay aksidenteng nabasa ko pa.

South Boys #3: Serial CharmerWhere stories live. Discover now