Chapter 16

14 1 0
                                    

KYLIE'S POV

Tumayo ako para kumuha ng water dahil konting push nalang ay mabibilaukan na ako. Sobrang PG mode ako ngayon dahil gutom na gutom ako dahil pagod na pagod ang utak ko kakaisip sa mga bagay-bagay.

Kumuha ako ng isang tray at apat na baso tapos pumila na ako. Medyo mahaba ang pila sa pagkuha ng water. Parang may rasyon lang ng tubig eh! Charot hahahaha!

Habang naghihintay ako eh parang may weird akong nararamdaman.

Lumingon ako.

Huh?! Ano yun?! Pinaguusapan ba ako ng mga 'to?!! Ano? Trending na naman ako?!

Hindi ko nalang pinansin at kumuha nalang ako ng tubig. Naglakad na ako pabalik sa table namin nung biglang may humarang na limang babae sa harapan ko.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong. Lahat kasi sila nakapameywang tapos ang taas ng kilay nung babaeng nasa harapan ko. Ikaw ba yan Diamond Star Maricel Soriano?!

"Are you Kylie Hernandez?" Tanong niya na parang hinihingal tapos medyo lumalaki pa yung butas ng ilong niya. Hahahahaha.

Tinaas ko chin ko, "The one and only. Bakit ba?" Tanong ko.

Tiningnan niya ako from head to toe, "I hate you!" Feel na feel niyang sabi tapos isa-isa silang naglakad palayo.

Nilingon ko sila habang naglalakad sila. Luh. What was that?! Weird nung mga yun. Oh well.

"Hi Kylie!" May isang babaeng bumati sa akin na hindi ko kilala.

"Uh... Hi?" Nagaalangan ko pang sagot.

Ngumiti lang siya ang nagbabye tapos umalis na. Hala! Ano yun??

May iba pang nag-hi sa akin at napansin ko na karamihan sa kanila ay tinitingnan ako. Yung iba nakangiti, yung iba nilalait ako sa isip nila.

Seriously!!! Napapansin na yata nila ang beauty ko!!!!

Nagmadali ako pabalik ng table at nagulat ako sa itsura nila dahil parang nagmemeeting sila sa table. At nung nakita nila ako bigla silang naghiwahiwalay.

Umupo ako, "Hoy. Anyare? Ano pinaguusapan niyo?" Tanong ko.

"Ha? Wala yun bakla! Echos lang yun hihi." Sagot ni Lyle.

Hinayaan ko nalang, "Friends, may dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko at sabay sabay naman silang napatingin sa mukha ko.

"None. " sagot ni Ria na nagtataka.

"Mukha ba akong bruha?"

"Hindi kaya!" Si Lyle naman ang sumagot. "Bakit ba?!" Dagdag nya.

Tsk. "Eh kasi naman kung makatingin mfa tao dito sa cafeteria parang mga ewan. Tapos may limang babae pa na tinanong ako kung ako daw ba ako tapos hate daw niya ako. Seryoso, sobrang ganda ko na ba at equal na ang number ng admirers at haters ko?" Sabi ko sa kanila.

Natawa sila, "Siguro nga." Sabi lang ni Lyle at nagtawanan pa sila ni Ria.

Salbahi 'tong mga 'to! Kung makatawa naman!!!

"Hoy ikaw Jeremy. Wapakels lang ang peg? Di ka maistorbo sa pagkain? Gutom na gutom lang?" Sabi ko.

Nginitian lang niya ako at nagtuloy siya sa pagkain niya. Ang weeeeeeird much!!!!

Bakit ang lakas ng feeling ko na hindi normal ang mga tao ngayong araw na to? Para silang mga napraning eh! Weird so weird.

Tsk. Bahala na nga sila basta kakain nalang ako.

Natapos na kaming kumain ay ramdam ko pa din na may mga taong nakatingin sa akin. Lumingon ako sa paligid at confirmed!

PINAGTITINGINAN NILA AKO!!! ¯°_o)/¯

Yung totoo. Bakit ba? Nakakaconscious na yung ginagawa nila eh!

"Mauna na kayo sa room, CR lang ako. Bye na din sayo Jeremy." Paalam ko sa kanila.

Lumabas ako agad ng cafeteria at dumerecho sa CR na nakayuko. Magsasalamin ako! >________

Laking pasasalamat ko naman na wala masyadong tao sa CR. Agad ako humarap sa salamin.

Hmm. "Wala namang iba sa akin ha. Malinis naman mukha ko. Hmm, medyo oily." Naglagay ako ng powder.

Pero bakit kaya nila ako pinagtitinginan?

Ay! Shet baka naman naman bukas ang zipper ko!!!

Kinapa ko pero sarado naman. Wala namang mali sa akin ah. Maayos namam ang hair ko. Tsk. Baka naman pinagttripan ako ng mga tao. Lakas pa naman mangtrip ng mga tao dito!!

"Girl grabe nawiwiwi na ako talaga."

Narinig ko na may papasok ng CR kaya napatakbo ako papasok sa isang cubicle.

"Nakita mo na ba yung Kylie Hernandez? New student pala yun!" Ako yun ah! Sino kaya tong mga to?!

"Hindi pa nga eh! Pero naririnig ko na nasa cafeteria daw siya ngayon! I wanted to see what she looks like." Sabi nung babae.

At bakit naman nila gustong malaman ang itsura ko?!

"Duh. Pwede mo naman siya isearch sa facebook." Maarteng sabi nung isang babae.

Nyehehehe. I don't have a facebook account!!

"That girl doesn't know how lucky she is."

LUCKY??! AKO?!!

"I know right! Para na siyang tumama sa lotto pag nagkataon!"

TATAMA AKO SA LOTTO?!!

"I wonder how they met. Kasi di ba he is very cold sa girls. "

HE???? SINO???

"Kaya nga eh. And hindi rin sila classmates in any subjects so nakakapagtaka talaga na magkagusto siya sa kanya."

ANO DAW?! TEKA LOADING...

MAY NAGKAKAGUSTO SA AKIN?!!

"Well, well, well. We must find out who Kylie Hernandez is."

Wag nyo nang alamin. Mas maganda ako sa inyo kung sinuman kayo =_____=

Nung narinig ko na nakalabas na sila ng CR, lumabas na din ako ng cubicle dahil bukod sa mainit at pawisan na ako, lalo akong nacurious.

Sigurado naman na ako ang tinutukoy nila. Ang tanong, sino yung lalaking tinutukoy nila? Hindi ko classmate so ibang course? Sino naman kaya?!

****

He's a LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon