chapter 32

5K 122 25
                                    

Aki

"Aki look who's here?"sambit ni Reese sabay nguso sa paparating na si Abby kaya napatigil kami sa pagsasaya

"What the hell she's doing here?!"inis kong sambit habang nakipagbeso naman to kay Mommy at Daddy na tila nagulat din

"Kami ng bahala sakanya,si Leeane asan na?"tanong niCathy.Nataranta namang tumakbo palabas si Ryan para hanapin si Leeane at iiwas na makita si Abby.

"Hey guys!"bati ni Abby na nakalapit na pala samin.Nagbeso naman ang lahat at yumakap sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?"matabang kong tanong dito

"I just want to see you and greet you personally!"sagot nito sabay aakmang lalapit at hahalik sakin pero mabilis akong nakaiwas

"Oh well thankyou,you may go!"sambit ko

"Aki!"tawag sakin ni Celine at binigyan ako ng "where's your manner look?"

"Oh im sorry Abby huh,medyo pagod na kasi tong si Aki baka di ka na nya maentertain."si Tin na umakbay pa sakin

"No its okay,i deserved that but i just only wanted to greet you a Happy Birthday Aki!"seryosong sambit nito.Di naman ako natinag sa kinatatayuan ko at di na sumagot sakanya.

"Kumain kana ba Abby?"tanong ni Celine

"Im okay Celine,i should be going now,"sambit nito

"Aalis kana agad?andito naman kami oh?"si Sandy

"Nextime guys,"malungkot na sagot nito.Di narin naman sya pinilit magstay ng lahat dahil alam nila ang pangyayari.

"Hatid ka na namin Abby,"si Cathy.Tumango nalang ito at tuluyan ng nagpaalam samin pati kina Mommy at Daddy.

---

"Hoy!!!"gulat sakin ni Tin kaya nawala ang pag-iisip ko

"Gago ka talaga!!"sambit ko

"Paano para kang tanga dyan kanina kapa tulala,"si Tin

"Hayaan mo muna yan Tin may aftershock pa yan dahil sa "Con Abby Earthquake" na nangyari kagabi!"sabat ni Cathy habang nagbabasa ng libro

"Bakit Aki nanginig ba ang buong kalamnan mo?akala ko makakasaksi na ako ng live na love triangle scene sayang,"sambit pa nito

"Kayo talagang magkapatid wala na kayo maitulong sakin ganyan pa kayo,alam nyo na ngang natatakot ang tao inaasar nyo pa!"sambit ko pero agad akong binatukan ni Cathy."Aray ko naman!"reklamo ko

"Gago ka pala e,ikaw ang gumagawa ng sarili mong gulo!"inis na sambit nito

"Bakit na naman?"

"E bakit kasi ayaw mo pa sabihin kay Leeane na si Abby na may-ari ng school na pinapasukan natin at Abby na ex mo ay iisa?gaano ba kahirap yun Aki?"si Cathy.Si Tin tahimik nalang na nakikinig samin.

"Cathy alam mo naman na natatakot ako sa magiging reaksyon ni Leeane,tapos kilala natin si Abby paano pag nalaman nya na si Leeane yung ipinalit ko sakanya?"

"Anong ginagawa namin?tsaka di naman masamang tao si Abby ah,kilala natin sya alam mo yun tsaka alam mo sa ginagawa mong yan parang ginagawa mong tanga si Leeane."paliwanag nito

"Alam nyong hindi yan totoo!"sagot ko

"Huwag sana dumating yung oras na si Leeane mismo ang makaalam dahil mas matatakot ka Aki pag sya ang nawala sayo."singit ni Tin.Bigla naman tumibok ng mabilis ang puso ko ng marinig ang mga salitang yun.Ayokong mawala si Leeane!

Change For Love (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon