#BGFAG ALTERNATE ENDING (PART ONE) #TheOneThatGotAway

Magsimula sa umpisa
                                    

Akala ko ba, ako lang?

"Belle? Ano...ano ang ibig mong sabihin?"

"I am going to Ma-marry Nico...Kendrick...i-ilang beses ko sa'to to sinubukan sa-sabihin kagabi!"

Napasinghap ako. Sa sinabi niyang 'yun ay ako na mismo ang kusang bumitaw sa pagkakahawak ko sa kanya.

No

Hindi 'to pwede

Hindi niya pwedeng gawin sa akin 'to

Mahal niya ako hindi ba?

"Belle, tinanong kita kung mahal mo ako kagabi. Sinabi mong oo! Tinanong kita kung payag kang pakasalanan kita, sinabi mo Oo! Um-oo ka sa akin! You said yes, to me. Why are you denying me now?"

Humarap na akong tuluyan sa kanya. Hindi to pwede. Fcuk! Bakit ang sakit! Fck! Bakit? Anong ginawa kong kasalanan sa mundo at bakit pa 'to nangyari?

"Ken, stop. Naka plano na'to wala nang magagawa ang mga sinasabi mo."

"Tang inang plano 'yan! Nagplano din tayo kagabi, ano nang gagawin natin doon?! Itatapon mo? Belle, please, come with me. Kakalimutan kong nangyari ito. Belle, parang awa mo na. Mahal kita..."Nanginginig na ako sa galit at sa pagkadimaya. Unti-unti na ding pumatak ang mga luha ko pero pinilit kong kim-kimin ito. Hindi. Hindi maaari. Ayokong maniwala. Panaginip lang 'to. Masamang panaginip lang 'to. Hindi 'to pwedeng gawin sa akin ni Belle. Hindi pwede...mahal niya ako

"Wala lang ba yung nangyari kagabi sa'yo?"

"Sorry..."

"Hindi mo pa ako sinasagot! Wala lang ba ako sa'yo? Isang malaking biro lang ba ako talaga sa'yo Belle? Hindi pa ba sapat na mahal natin ang isa't isa?"

Iyak siya ng iyak at hindi niya ako magawang tingnan habang galit na galit na akong sumisigaw sa harapan niya.

"Sorry...sorry..."

Napasipa ako sa upuang kahoy na malapit sa akin. Sa sobrang lakas ng pagkakasipa ko ay natumba ito at nasira. Nilapitan ulit ako nila Justin para hilahin ako papalayo kay Belle. Hindi ko na makontrol ang pag-iyak ko. Tang ina. Tang ina. Minahal ko siya. Tang ina.

Rinig na rinig ko ang pagkawasak ng boses ko. Tang ina! Putang luha! Putang pagmamahal!

"Anong sorry? You said that you love me back! Belle! Lahat ng tao alam na kapag nag sabi ka ng mahal mo ang isang tao ay kinabukasan hindi makikita sa isang simbahan at ikakasal sa ibang lalaki!"

Umiiyak lang siya at tinakpang ang bibig niya. Bukod kila Justin ay wala ng gustong lumapit sa aming dalawa. Mabuti na din siguro yun dahil wala na ako sa katinuan ko ngayon. "Hindi mo man lang sinabi na ikakasal ka na!"

"Pre, tigil na. Lumabas muna tayo at--"

Sinuntok ko si Justin. Bwisit! Putang ina! Ang sakit! Ang sakit-sakit ng ginawa niya sa akin!

Putang inang luha ko ayaw mag patigil!

"Bitawan mo ako!"Kumawala ako sa pagkakayapos ng mga lalaking nagpipigil sa akin. Nagwawala na ako. Oo , alam ko. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Bakit? Bakit Belle?

Bakit?

"Ano na Belle? Hindi man lang sumagi sayo na sabihin sa akin ang tungkol dito?!"

"Si-sinusubukan kong sabihin sa'yo. P-pero ayaw mong makinig!"

Lumapit ulit ako sa kanya at hinawakan siya sa braso para pilitin siyang tingnan ako. Pero may isang kamay ang pumigil sa akin at itinulak akong papalayo kay Belle.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | To be SELF PUBLISH ON FEBRUARY 2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon