Chapter 1

0 0 0
                                    

Chapter 1

Akayla Natisha Sanaa

Holy shems, paano ba kasi makakita o makahanap ng lalaki na napaka-green flag? Ang hirap na rin kasing magtiwala sa mga lalaki today, eh kasi naman ang dami-dami ng cheater, pasintabi sa mga manlokoko 'dyan, pasmado lang ng kaunti ang bibig ko.

Mabuti pa kasi ang mga fictional men nagloloko man nagbabago pa rin naman sa huli, hay, sarap talagang mag-teleport tapos pumasok sa mundo ng wattpad.

"Ba't ba ang g'wapo g'wapo mo? May doppelganger ka ba sa real world? Baka naman p'wedeng akin na lang siya," pagkausap ko sa fictional men na pinagpapantasyahan ko sa librong binabasa ko, nalowbat 'yong phone ko eh kaya sa libro naman ako tumambay.

Pagkatapos kong magsalita parang nag-iba ang atmosphere ng buong k'warto ko, ewan ko ba pero parang lumamig ang buong area, wala naman akong aircon, hindi naman nakabukas ang electric fan at ang mga bintana naman ay nakasara rin maging ang pintuan.

Napatingin ako sa orasan na nasa side table ng kama ko, "Hala, mag ti-three AM na pala," pero sanay naman na akong matulog ng madaling araw kaya wala ng kaso sa 'kin 'yon, hindi naman ako natatakot kahit na sinasabi pa ng iba na ghost hours ang three AM.

Nang mapagpasyahan kong matulog na, sinara ko na ang libro at akmang ipapatong ito sa may side table nang biglang mahulog ito sa sahig dahilan para yumuko ako para damputin ito, sa hindi inaasahang pangyayari, napalinga ako sa may bintana na parang may nakatayo roon, naghugis tao kasi ang puting kurtina na nililipad ng hangin na hindi ko alam kung saan nanggagaling.

Kinusot kusot ko pa ang aking mga mata ngunit parang totoo talaga na parang may nakatayong tao roon, "Nananaginip lang ba ako?" tanong ko sa aking sarili habang nangangatog na sa takot.

Ilang sandali pa at mas lalong lumakas ang paglipad ng hangin sa kurtina kaya nasilayan ko ang mukha nito at ang kanyang kabuuan. Matangkad, maganda ang katawan, mapupungay ang mga mata, may idolohiyong mga labi, matangos ang ilong, moreno, maayos ang buhok at maging ang pananamit, at higit sa lahat lalaki.

"Huh? Lalaki? Wahh, paano ka nakapasok rito? Magnanakaw!" sunud-sunod na sigaw ko hanggang sa naglakad siya ng dahan-dahan para makalapit sa akin.

"Sshhh, don't shout lovey," lovey? Huh? Saan naman niya nakuha ang tawag niyang 'yon sa 'kin, the right pronunciation is Lavi.

"Sino ka? Paano ka nakapasok rito? Akyat bahay ka 'no?"

"Ang dami namang tanong, lower your voice baka may makarinig sa 'tin, hindi ako magnanakaw! Marami akong pera,"

"Wala akong pakialam sa explanation mo, basta gusto ko lang malaman kung bakit andito ka, at sino ka? Huh? Sagot kaagad!"

Bumuntong hininga muna siya bago magsalita, " I am Makhi Reyn Tancinco, isa akong bampira at p'wede ba kitang maging girlfriend? Do you want me to be your first boyfriend lovey?" namumungay pa ang kanyang mga mata habang nagsasalita na para bang inaamo niya ako na mapasunod at mapaniwala sa kanyang sinasabi.

"B-bampira? Huh? Sinong niloloko mo? Huh!" hindi ako naniniwala sa gano'n sa fantasy lang mayroong ganoon.

"You don't believe me?" tanong niya at laking gulat ko noong ipalabas niya ang kanyang pangil tsaka ako kinindatan.

Doon naman sa mga oras na ito nakaramdam na ako ng kakaibang takot kaya hindi ko na mapigilan pa na mapasigaw, "Bampira, mama, wahhh ayoko na!" sigaw ko ng paulit-ulit.

"Akayla ba't ka sumisigaw?" boses ni mama.

"Gising na ano ka bang bata ka, male-late ka na naman niyan,"

"Nagwattpad ka na naman siguro kagabi 'no,"

"Ikaw talaga! Hayts, babangon ka d'yan o babangon ka?"

Nang marinig ko ang boses ni mama kaagad na napabalikwas ako at binuksan ang mga mata, "Huh? Panaginip lang?" sinampal ko ang sarili ko para malaman kung panaginip lang ba o totoo, nang masaktan naman ako sa sarili kong sampal, doon ko lang narealize na panaginip lang pala 'yong bampira.

"Sinampal ba naman ang sarili hay baliw na, kakawattpad mo 'yan oy! Bangon ka na nga lang d'yan, ready na ang almusal!"

Grabe ba dinamay ang baby wattpad ko! Mama talaga!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

V Stands For VampireWhere stories live. Discover now