Chapter 11

13 3 0
                                    

NAUNANG nagising si Lexi dahil bigla lang ito nakaramdam ng uhaw. Alas Singko ng umaga tulog pa ang mga kasama niya. Tulog mantika din si yumi.

Kumuha sya ng jacket sa closet at lumabas sya ng kwarto. Humikab sya naglalakad papunta sa kusina.

Pagdating niya don, napatigil sya dahil sa masamang amoy.

"Ang baho naman!"  inis niyang bulong, hinahanap niya kung saan nanggaling ang amoy nayon.  Nilibot niya ang buong kusina pero hindi pa din niya nahanap.

Kumuha sya ng tubig at uminom. Nilapag niya ang baso sa table at may napansin sya sa isang cabinet, napakunot ang noo niya sa nakita niyang dugo.

Kinakabahan niya tinungo ang cabinet na may dugo. Nanginginig niya binuksan ang cabinet at nagulat sya sa nakita niya.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaa Meagan!!!!!!!!!! "   malakas na sigaw ni Lexi na kinaalarma ng kasama niya.

Napaupo si Lexi sa nakita niyang nakadilat ang Mata ni Meagan, naliligo  sa sariling sugo at walang puso. 

Nagsidatingan ang mga kasama niya at pati sila nagulat sa nakita nila.

"M-meagan, a-anong "  dahan dahan lumakad si Matt sa kinaraunan ni Meagan . Niyakap niya ito ng mahigpit. Wala syang pakialam kung  puro dugo sya.  Hindi niya inaakala na mawala lang ng bigla ang kasintahan niya.



                  Eu point of View


"Lexi? Anong nangyari?"  Nag alalang tanong ni yumi sa kanya. Hinihintay lang namin ang sagot ni Lexi. Tulala pa din ito at namumutla. 

"Shed dead" walang gana niyang sagot, binalik ko ang tingin kay Matt. Inaalayan ito ni Jake, lourden at Mateo.  Umiiyak pa din si Matt habang  nakatingin sa bangkay ni Meagan.

"Lexi, we know na patay na si Meagan, pero."

"Lumabas ako ng kwarto, dahil nauhaw ako . Pagdating ko sa kusina may naamoy na akong kakaiba. Mabaho.  May napansin ako sa cabinet na may dugo kaya binuksan ko ito"  tumigil si Lexi at yumuko.  Nadinig namin ang paghikbi niya. "  hindi ko naman Alam na si Meagan pala ang na sa loob ng cabinet! "  niyakap ni yumi si Lexi para tumahan ito.

"Neil, diba magkasama kayo ni Meagan sa isang kwarto pero bakit mo hinahayaan lumabas?" Napatingin naman kami ni Neil.

"Tulog na ako that time. Magkasama nga kami sa isang kwarto pero hindi ko sya katabi matulog.  Sa sofa ako natulog dahil may respeto ako sa kanya. About that, hindi ko naramdaman na lumabas sya"  nakayukong sambit ni Neil.

"Magbabayad sya!" .madiin na malamig na pagkasabi ni Matt.

"Ang mabuti pa, iligpit na tin ang katawan ni Meagan" wika ni Zero na sinang ayonan ng lahat.

Minamasdan ko mabuti ang katawan ni Meagan at napakunot ang noo ko sa nakita ko. Ngayon kulang napansin may number sa noo ni Meagan. Gamit ng isang dugo.

"Number 1"  bulong ko sakto naman madinig nila yon. Ramdam ko ang pagtingin nila saakin.

"Lahat ba kayo may nakatanggap ba kayong number bago tayo umalis?"  Tanong ko pero kay Meagan pa din ang atensyon ko.

"May nakuha akong number sa locker, hindi ko naman yon pinansin kasi Alam ko prank yon" sambit ni Angie.

"Anong number?" Tanong ko habang seryuso pa din ang atensyon ko kay Meagan.

"Number 15, teka nga anong meron sa number sa pagkamatay ni Meagan?" Nagtatakang tanong ni angie saakin. Hinarap ko sya at napabuntong hininga muna ako bago sumagot.

"Unang  pinatay si Meagan dahil nakakuha sya ng number 1 sa locker, sino sainyo nakakuha ng number 2?"   Nilibot ko ang tingin sa kanila. Kita ko sa mukha nila ang takot.

"A-ako"   dahan dahan tinaas ang kamay ni Francine. Nagulat ako, hindi pwedi si Francine!! Kaibigan ko sya! Hindi ko hahayaan mawala si Francine.

"Omaygad! Dont tell me, ikaw na ang susunod patayin ng killer?!! Hindi!! Francine hindi!!"  Naiiyak na wika ni Chelsea.  Napayuko ako dahil ayaw ko makita nila na umiyak ako.

"Walang mamatay"  malamig na wika ni Matt. Tumayo sya at umupo.  " kung si Francine ang number 2, we need to protect her! Hindi ko man nagawang protektahan si Meagan. Pero kaya ko kayong protektahan. "  napangiti ang lahat sa sinabi ni Matt. I'm happy to him,   tinanggap na niya ang pagkamatay ni Meagan.

"Natatakot ako" naiiyak na wika ni Francine, niyakap naman Ito ni Chelsea.

"Huwag kang matakot, protektahan ka namin" niyakap niya ito muli. Walang mamatay saamin.

"Kailangan natin iligpit ang katawan ni Meagan, pagkatapos nito magplano tayo "  sinunod namin ang utos ni yumi. Nilibing namin  ang katawan ni Meagan. Niyakap ni yumi si Lexi na walang tigil sa pag iyak. Maldita si Lexi. Pero naawa ako sa kalagayan niya. Shes strong. Nawalan sya ng dalawang kaibigan, si Maxine at Meagan.

Pagkatapos namin nilibing ang katawan ni Meagan. Nawalan na din kami ng gana kumain dahil sa nakita namin.

Kasulukuyan kami nandito sa isang cottage.  Nagtipon tipon kami kung anong pweding gawin.

"First we need to is, Don't trust anyone "  napabuntong hininga ang lahat sa sinabi ni yumi. "Look, ito lang naman ang tanging paraan para maligtas tayo. We know na isa saatin ang killer. Kaya mas mabuti huwag muna magtiwala"    sang ayon ako kay yumi. Naalala ko naman ang sinabi ni Faye last week.  Dont trust anyone  .  Pakiramdam ko may Alam talaga si faye sa nangyari saamin ngayon. Tumingin ako kay faye sakto namin napatingin din sya saakin.






                   Faye Point of View


Tama ba ang ginawa ko na hindi ko muna sabihin sa kanila ang nalalaman ko? I know kung sino ang killer. At Alam ko may kasama sya.  Hindi lang nag iisa ang killer, dalawa sila.

Hindi ko pa gaano kakilala ang section X. Pero kita ko sa mukha nila ang disenido mahanap ang killer. Napatingin ako kay Eu , napatingin din pala sya saakin.

I know EU can do everything para lang matapos ito.

Napatingin din ako sa kanya. Ang galing niya talaga umakting.

Nong una masaya ako sa pagpatay niya sa mga kaklase niya. Pero ngayon involved na din ako kaya kailangan ko na gawin ang dapat kung gawin.

Disenido na ako para patayin sya. 

Kahit kaibigan ko pa sya.



CONTINUED

KILLER WHISPER (Completed)Where stories live. Discover now