"Ah!" Naputol lamang ang kanyang pakikipagtitigan sa estranghero ng may makabanggaan Sya.

"P-Pasensya na..."

"Sorry. Sorry Lady..."

      At ng araw ding iyun ay doon nya nakilala ang isa pang kaibigan. Si Tiron na anak ng duke.

"Ahh! Napaka-gwapo talaga nya feather! Ackkkk!"
Kinabukasan ay pantay tili si Liariza habang ikinikuwento ang tungkol sa kanyang napupusuang prinsepe.

Nakangiting nakikinig lamang si Feather ngunit ang isip Naman ay naglalakbay.

Bumabagabag pa rin sa kanya ang estrangherong iyun.

At ang isa pa ay ang makilala ang anak ng duke. Mabait Naman ito at palagay nya ay makakagaan loob Naman nya. Niyaya pa nga Sya nito ngunit tumanggi Sya lalo na't mataas ang antas nito sa lipunan. Sapat ng si liariza lang ang kaibigan nyang may mataas na antas sa lipunan.

Ayaw nya kasing mapag-diskitahan ng mga noble.

At isa pa ay ayaw nyang kainggitan ng mga tulad nyang mahihirap dahil lang may kaibigan syang noble.

   Ngunit kahit anong pilit nyang pag iwas ay muling nagtagpo ang landas nila ni Tiron na anak ng Duke.

Nakilala rin ito ni Liariza kaya't wala syang nagawa ang yayain Sya nito bilang isang kaibigan.

Simula ng araw na iyun ay naging matalik na magka-ibigan ang tatlo.

"Ahhhh! Arghh! Nakakainis! Hindi ko matanggap bakit ganoon!?"
Galit na biglang sigaw ni Liariza ng makarating ito ng tambayan nila.

Masama ang timpla ng mukha nito at tila naiiyak.

"Ano ba ang nangyari Ariza?" Kalmadobg tanong Naman ni Tiron.

Maya maya pa ay biglang pumalahaw ng iyak si Liariza na ikinataranta ni Feather.

Agad nyang niyakap ang kaibigan at pilit na ipinapatahan.

"Anong nangyari liariza?" Nag aalalang tanong ni Feather.

"M-May babae nga Sya! Walang hiya!! A-Akin lamang dapat ang prinsepe!"
Umiiyak na palahaw nito.

Natigilan Naman ang dalawa bago napailing iling na lamang.

Tungkol na Naman ito sa prinsepeng napupusuan nito.

Binalaan na nila itong itigil na ang pagtingin sa prinsepe pagkat may nakatakda na rito ngunit makulit ang kaibigan nila kaya't ngayon tumakbo pa itong luhaan sa kanila.

    Sa mga sumunod na linggo ay isang masamang balita ang narinig nila.

Namatay ang unang prinsepe ng kahariang Veileigh kasama ang asawa nito. Namatay sila sa araw pa mismo ng kanilang kasal.

Hindi malaman kung Anong totoong nangyari ngunit may hinala ang iilan na  ginamitan ng itim na mahika ang karwaheng sinasakyan ng dalawa.

Kaya't tinaasan ang sigurdad sa buong imperyo dahil dito. Mukhang may naliga na mangkukulam o baka Naman ay naghahanda na ang nga ito upang sugurin sila. Hindi lamang sila sigurado sapagkat wala silang karampatang ibidensya.

  "Ayus ka lang ba liariza?" Puno ng sinseredad na tanong ni Feather sa kaibigan matapos marinig ang masamang balita.

Lumingon Naman sa kanya si liariza na may malungkot na mga mata. Namumula ang ilong nito at pisngi at maya maya pa ay sunod sunod na luha ang lumandas sa pisngi nito.

"W-Wala na sya Feather..." Iyaw nito bagi yumakap kay feather.

Malungkot Naman na dinaluhan ng dalaga ang kaibigan.

"Shhh" Sumali na rin si Tiron na agad na niyakap ang dalawang kaibigang babae.

   Lumipas ang isang linggo para sa burol ng prinsepe at ng asawa nito.

Imbitado ang lahat para dumalo at makiramay.

Mas maaga pa Sana ang burol ngunit tumanggi ang reyna na ina ng yumaong prinsepe kaya't pinalipas muna ang isnag linggo para iburol ito.

  Dumalo sina feather sa burol. Sumama na ang dalaga upang may kasama Naman ang kaibigan nya.

Tahimik lamang sya habang katabi ang dalawang kaibigan.

Nilingon Niya si liariza na blanko lamang ang mukha habang nakatitig sa himlayan ng yumaong prinsepe.

Napatingin rin sya sa harapan ngunit agad na natigilan ng may makasalubong syang mga mata.

Mariin itong nakatitig sa kanya.

Kayumangging mga mata galing sa isang binatang nakatayo kasama ang hari't reyna ng kahariang Veileigh.

Napalunok Sya ng mapagtantong kamukha ito ng yumaong prinsepe.

Ang bunsong prinsepe...

Nakarinig rin Sya ng mga bulungan galing sa ibang mamamayan tungkol rito. Dahil karamihan sa kanila ay ngayon lamang nasilayan ang mailap na prinsepe at isa na sya roon.
.
.
.
To be continued...

Hinihimay himay ko pa po ang mga impormasyon sa utak ko HAHAHA.

And yessss tungkol po ito sa parents ni knifekill at sa parents ni lairlyn para Naman malaman nyo kung bakit may alitan sa pagitan nila.

Reincarnate To Be Her (REVISING)Where stories live. Discover now