Nang matapos na namin itong pulutin ay pinakain na namin ito sa aso.

"Ayan kumain kalang ah wag kang kakagat dapat behave lang di gaya ng amo mong masungit na feeling principal."sabi ko sa aso.

Tumawa naman si max.

Ang hilig niya talagang tumawa, dapat magpatingin na siya sa doktor para malaman niya kung ano ang sakit niya jwk.

Hindi naman ata siya baliw no, sa gwapo niyang yan mababaliw siya.

Siya nga pala yung pinakatahimik at pinakamabait sa kanilang lahat.

Oh diba mabait na tahimik pa at isa pa, gwapo din.

Oy baka iniisip niyo na inlove ako kay eren ah hindi no kay david my bebekez lang ako.

Bumili ulit kami ni eren ng pagkain.
Pagkatapos naming bumili ng pagkain ay bumalik na kami sa classroom para doon kainin.

Pero pagpasok palang namin sa classroom ay nanghihingi na si xian saakin ng pagkain.

"Hi amethyst penge kahit isa lang."ayoko kaya, ano ka gold?

"Ayoko."

"Ang damot mo."sabi niya habang nakanguso.

"Ang pangit mo pre"sabi ni gavin na kakapasok lang dito sa classroom galing sa cafeteria.

Isa siya sa mga Mokong.

Tumawa naman ang iba naming kaklase. Mukhang narinig nilang lahat ang sinabi ni gavin.

"Maka pangit ka naman eh pareho lang tayo"sabi ni xian.

Halatang napikon sa sinabi ni gavin hahaha.

"Hayaan mona pre samahan mo nalang ako bumili ng makakain ni boss."sabi ni jayvie na dumaan sa harapan namin ni xian.

"May libre pre?"tanong niya.

"Basta"sabi naman nung isa.

Sumunod naman si xian kay jayvie. Buti nalang wala na si xian dito, wala ng hihingi ng pagkain ko.

Pumunta na ako sa upuan ko para doon ko kakainin ang pagkain ko. Binuksan kona din ang paborito kong meryenda.

Spaghetti.

Habang kumakain ako ay may biglang umupo sa upuan ni xian. Hindi naman pwedeng si xian yun eh pumunta sa cefeteria yun kasama ang katulad niyang mokong.

Kung hindi si xian eh sino?

Tinignan ko kung sino ang naka upo sa upuan ni xian. Nang makita ko kung sino ito ay bigla nalang akong nabulunan, buti nalang may tubig ako.

Nakakagulat ka Mr. Balmond.

Oo siya yung naka upo sa upuan ni xian. Ano naman ang ginagawa niya dito?

"Hinay hinay lang kase, ang takaw takaw mo."sabi niya.

"Ano bang pakielam mo Mr. Balmond?"mataray kong sabi.

"What? Can you say it again? Mr?"

"Ang! Sabi! Ko! Mr.! Balmond! Oh ayan nilakasan kona nahiya naman ako sa tenga mong hindi nakakarinig."sabi ko at tumango lang ito. Kukuha na sana ulit ako ng pagkain sa lamesa ko pero bigla nalang itong nawala.

Tinignan ko si Mr. Balmond ng masama habang naglalakad siya papunta sa basurahan na hawak ang pagkain ko.

Yung pagkain ko.

Bumalik ito sa upuan ni xian habang naka ngiti ng malapad.

"Anong ginawa mo, pagkain ko yun."sabi ko sa kanya.

"I don't care."aba ang bastos neto ah.

"I don't care mo mukha mo. Bayaran moyon."

"No."sabi niya at tumayo ito at bumalik sa upuan niya.

Ginagalit talaga ako neto.

Ano siya hari? Na pwede niyang gawin lahat ng gusto niyang gawin? Eh kung yun ang gusto niyang gawin edi gawin niya sa iba hindi sakin.

Kung kaya niya ako pwes kaya ko din siya, hindi ako papatalo.

Ipaglalaban ko ang pagkain ko. Sayang kase kung itatapon lang niya, pwede namang ipakain nalang sa mga taong nagugutom, kagaya ko.

Nakakabwisit kana Mr. Balmond. Ginagalit mo talaga ako.

Tumayo akong nakakunot ang noo at humarap sa kanya. Naka ngisi itong nakatingin saakin habang pinaikot ikot ang ballpen sa daliri niya. Hintayin mo gagalitin din kita bwisit kang Balmond ka.

Binalibag ko ang upuan na malapit saakin at lumapit sa kanya. Kinuha ko ang ballpen na pinaikot ikot niya kanina at pinutol iyon gamit ang mga kamay ko.Nagulat naman ang mga Mokong na kaklase namin.

"Woahhh."

"Astig men naputol niya yung ballpen."

"Potek nayan upuan koyun."

"Pre awatin niyo."

"Tsk. Malaking problema to."

"Ano! Bayaran moyon!"sigaw ko sa kanya na may halong galit.

Pero wala parin siyang imik. Nakatitig lang ito saakin at nakangisi na parang nang iinsulto.

Umatras ako nang tumayo siya habang nakapamulsa. Unti unti itong lumalapit saakin habang ako naman ay umaatras. May nabangga pa akong upuan pero patuloy parin ako sa pag atras hanggang sa nacorner niya ako.

Unti unti din niyang inilapit ang mukha niya sakin.

Tng inuhh.

"G'go spg."

"Huy wag."

"Napapanood kolang to dati eh ngayon nangyare na sa harapan ko tsk landi."

"Ayan na hahalikan na."

Rinig kong sabi ng mga mokong. Ano ako t'nga? Na magpahalik sa kanya?

Mga ulwl.

Nilalapit padin niya ang mukha niya sa mukha ko kaya sinampal ko na siya ng malakas na siyang kinagulat ng mga kaklase namin.

"Woahhhhhhhhh."

"Huy awatin niyo na."

"Grabe hindi ko akalain na kayang gawin ni amethyst to kay boss."

"Mga g'go awatin niyo na."

"Hindi mo maawat yan b'bo."

Susuntukin na sana niya ako pero natigilan siya dahil sa lakas ng boses ni Sir Melvin.

"Lucas Jake Sanchez!!"sabi ni Sir Melvin pero nakatitig parin si lucas saakin ng masama, pero lumayo na siya at tinignan si Sir.

"What the hell is happening here!"sigaw ni Sir Melvin pero walang nagsalita.

"Wala talagang sasagot!"sabi ni Sir pero wala parin talagang sumagot saamin kahit isa.

"Okay. All of you go to the guidance now!."

Whhhhhhhhhhhaaaaaaaatttttt?






























Enjoy reading!
The Only Girl In Section D.

The Only Girl In Section D (On Going)Where stories live. Discover now