"Hahahahaha."

Mga bwst.

...


Kinabukasan

Nandito na ako sa skwelahan, malapit na ako sa classroom namin kaya naman patuloy lang ako sa paglalakad nang mapansin kong tumitingin lahat ng mga estudyante saakin. Nagtaka naman ako pero binalewala ko lang iyon.

Pagpasok ko palang dito sa classroom ay nakita kona na wala na yung upuan ko. Gulat na gulat pa si bea nang makita ako. Mukha ba akong multo?Nagtaka ako kung bakit wala yung upuan ko kaya tinanong ko si bea.

"Nasaan ang upuan ko?"tanong ko kay bea.

"Pika yung upuan mo nasa section D."

"Bakit nadoon ang upuan ko, tara na kunin natin."lalabas na sana ako para pumunta sa section D pero tinigilan ako ni bea.

"Pika wag."taka ko syang tinignan.

"Sorry pero hindi kana section A. S-section D kana."

Natulala ako sa sinabi niya.

"Bakit naman ako section D?"

"Kase naman pika palagi ka kaseng tulog, kagaya kahapon kaya ka pinagalitan ni Sir."

Eto naba yung sinasabi ni Sir Melvin? Ano bayan ayoko doon puro mga lalaki ang nandoon.

"Miss Serrano?"nagulat ako sa biglang pagtawag saakin ni Sir Melvin.

"S-sir?"sabi ko sabay talikod at nakita ko si Sir Melvin na nakatayo sa tapat ng pinto.

"Halika ihahatid na kita sa section D."

"Sir Melvin wag naman po ayoko don puro mga lalaki ang nandoon."pagmamakaawa ko kay Sir Melvin.

"Miss Serrano, susundin moba ako oh tatawagin ko ang kuya mo."

"W-wag sir papatayin ako non."

"Edi sumunod ka sa'kin."

Wala na akong magawa kundi ang sundin nalang si Sir Melvin. Hindi pa ako nakapag paalam kay bea si Sir Melvin naman kase pinipilit akong sundin siya eh ayoko nga doon.

Hinawakan ko ang dibdib ko nang maramdaman kong malakas ang tibok nito.

Sabi niya david,david,david chrr.

Ninenerbyos talaga ako. Kasalanan to ni kuya.

Malayo palang kami ni Sir Melvin sa section D, naririnig na namin ang ingay nila. Kaya nung nakarating na kami doon ay bigla nalang silang tumahimik at gulat na gulat nang makita kami. Para bang naka kita ng multo. Pumasok na kami ni Sir Melvin at nagsiupuan naman ang mga ito.

Mga tukmol.

"Good morning please seat down and seat properly." sabi ni Sir Melvin at sumunod naman ang mga ito.

Woahh good boys, masunurin din pala ang mga ito kala ko mga g'go.

"This is your new classmate."

Nang masabi yun ni Sir Melvin ay biglang umingay dito sa loob at kanya kanya din sila ng sabi.

"Totoo ba yung narinig ko? Bago nating classmate tapos babae pa?"

"Parang kilala ko yan."

"Ganda niya pre."

"Astig pre may bago na tayong classmate tapos babae pa."

The Only Girl In Section D (On Going)Where stories live. Discover now