Simula

0 2 1
                                    

Simula


The air of North Luzon breezed through and lightly swept my hair to the left, kasabay rin nito ang manipis na bugso ng alon na dumampi sa aking mga paa. I am here in this very shoreline, where everything started, where everything came together but today, this is where I end everything that started, what everything came together. Napagtanto kong ang mga nangyari sa akin na singganda man ng tanawin, ang kalmadong bughaw na dagat sa harap ko at sinasalamin ang klarong langit, ay sing-alat naman.

"Lumayas ka dito! Napakawalang kwenta mong anak talaga!" Sigaw ng sarili kong ama sa akin isang araw ang napanganak.

"Pabigat!"

"Salot!"

The truth is, I have been so immune to this that I don't feel hurt anymore. I have begun to eat insults for breakfast, I am surely numbed to the core. And because I didn't really grow up with his company, I will never understand where he got the term "walang kwenta," kung hindi niya naman ako nakasama sa buong oras na nabuhay sa mundong ito.

"Tala!" Tawag ng kaibigan ko sa akin, tunog nagsusumamo.

Hindi ako lumingon dahil alam ko, pag nakita ko siya, malulungkot akong aalis sa lugar na ito. Naramdaman ko ang mga palapit na yapak niya patungo sa akin, hindi pa rin ako lumilingon.

"Aalis ka na ba talaga? Nasigawan pa ako ng tatay mo kakukulit kung asan ka," Si Kryz, ang bestfriend ko.

My heart ached for her. It ached because I know how she got shouted at just for asking for my whereabouts, I ached because I know she's never used to getting shouted at because she has a very wholesome household. Well, I guess she just assumed that I went back to our house when I never did. Hindi lang talaga ako nagpaalam sa kanya dahil pipigilan niya lang ako.

Nilingon ko ito, at binigyan ng malungkot na mata, hoping she'll get that I am sorry for getting shouted at by my father.

"Alam ko 'yang matang 'yan. Ano ka ba! Parang hindi ko naman kilala si tito," suminghap siya, may bugso ng luha sa kanyang mga mata. I smiled a bit for the tiny respect he's still able to give to that person. "Nag-aalala ako sayo, Tala." Inabot niya ang aking mga kamay.

Sinundan ko ito ng tingin at ginawaran rin ng marahang hawak gamit ang kaliwang kamay ko, I saw her smile, and finally, a tear came running down to her cheek.

"Hindi ko na kaya Kryz, mababaliw ako rito. Nakausap ko na si mommy at nagpadala na rin ng sapat na pera para sa panggastos ko pa-Maynila." I paused—my breath was becoming short because of the tears I'm so trying to hold back. "May cellphone naman, Kryz... Hindi tayo mawawalan ng koneksyon." I smiled, forcefully.

"Wala kang phone, Tals..." Reminding me, she chuckled a bit.

"Oh, yeah, that," I chuckled too. "I'll find a way." I assured her.

Tumango naman ito at sandaling natahimik habang nililingon ang dagat. Masakit man sa balat ang sikat ng araw dahil katirikan ito ngayong oras, pero, sanay na kami ni Kryz dito. Iniinda na lang at sabay kaming naupo sa buhangin.

Hindi ko man siya nilingon ay nakita ko pa rin ang pagbaling ng ulo niya sa akin, pakiwari ko ay tinatantya ako.

"Pano si Tantan?"

Ayun. Ang pinakakinatatakutan kong tanong. Paano nga ba? Hindi ko rin kasi alam, sa totoo lang.

Buntong hininga lang ang tanging naging tugon ko sa kanya. Mas lalo naman siyang lumapit sa akin at tinanday ang ulo sa aking kaliwang balikat.

"Nag-aalala rin 'yon sa'yo. Ginambala pa ako kaninang madaling araw, nagdadabog, galit na galit!" Rant niya.

I ached once more while glancing at my toes curling.

What Once LostWhere stories live. Discover now