SEENZONED

37 0 0
                                    

Gabi na,

Tapos na ako sa mga schoolworks,

Kaya pede na akong mag facebook! Yehey!

Pagkaopen ng fb ay tiningnan ko agad ang mga online at nakita kong online si crush! Double yehey! Ano pangalan niya?Daniel Padilla! Este Daniel Bartolome pala! Hehe... Kamukha niya kasi yun eh!

Agad agad ko siyang chinat. Everyday routine ko na yan! Chinachat ko siya, kwinekwento ng mga kung anu ano... Haha. Actually naamin ko na sa kanya na crush ko siya sa introduction ko. Tanda ko pa ang sabi ko sa kanya:

"Hello! Ako si Katherine! Schoolmate mo ako! Araw araw nga kita nakikita eh. May sasabihin ako sayo ha! Sa ating dalawa lng toh. Crush kita! Hihi.. Pede bang makipagfriends?"

Tas alam mo bang ginawa niya?

Seen 8:23 pm

Saklap diba? Pero atleast nakita niya diba? Masaya na ako dun na atleast binibigyan niya ako ng kahit konting pagtingin. Haha!

At eto nga naga-type na ako ng ikwekwento ko sa kanya.

"Hello ulit! Haha. Alam mo ba na nakita kita sa music room kanina! Hehe sorry kung mejo stalker na ako. Magaling ka pala kumanta? Pati rin mag gitara! Grabe! Nakakabilib ka talaga! Kaya lalo akong nagfa-fall sa yo eh! Bakit ayaw mo ishare sa iba yang talent mo?"

Ganyan lagi ang mga sinesend ko sa kanya. Yung mga nakikita ko sa pagiging stalker niya. Minsan nagkwekwento din ako tungkol sa akin.

Maya-maya....

Seen 9:31 pm

Hay.. SEENZONED nanaman.. Ano ba problema nito? Isang buwan na akong nagachat sa kanya na puro SEEN nalang ang sinusukli niya. Nakakasawa na!

Chinat ko ulit siya..

"Huy. Bat ba ang hilig mong magpangseenzoned? Ginagawa mo din ba yan sa iba? O sa akin lang. Masyado na ba akong makulit? Masyado na ba akong feeling close? Sorry ha? Pero sana naman wag mo akong pagmukaing tanga dito! Ni isa man lng reply wala! Lagi nlng SEEN! Hindi mo ba alam kung gaano kasakit na ma SEENZONED? Ang sakit! Nung una okay lang eh pero sumosobra na eh! Isang buwan na akong nasa SEENZONE! Sorry ah? Sorry talaga! Hayaan mo! Hindi na lang ako magachat para hindi ka na magpangSEENZONED!"

Tas alam mo ba ginawa niya?

Seen 9:35 pm

Then naglog-out na siya..

PUCHA NAMAN YAN! SEENZONED PARIN! HANEP!!!

Umiyak nlng ako ng umiyak sa unan ko...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Maya maya narinig kong may kumatok sa pinto ko.. Baka si mama yun.. Tiningnan ko orasan, 10:10 pm na.. Bakit gising pa kaya si mama?

Dahan dahan akong tumayo dahil medyo masakit ulo ko sa pagiyak.

Pagbukas ko ng pinto ay hindi ko inaasahang makita ang isang lalaking may dalang gitara. Ang lalaking laging nagapangseenzoned sa akin, ang taong gusto ko. Si Daniel.

From the moment I saw you

OMG FAVORITE SONG KO!

From the moment I looked into your eyes

There was something about you, I knew, I knew

That you were once in a lifetime

A treasure near impossible to find

You know how lucky I am, to have you

Coz I've seen the rainbows that could take your breathe away

The beauty of the setting sun which ends a perfect day

And when it comes to shooting stars I have seen a few

But I've never seen, anything, as beutiful as you

Nakatitig lang siya sa aking mga mata habang kinakanta yan.. Feeling ko matutunaw na ako! Dahil shocked pa ako at sobrang speechless sa ginawa niya ay nagsalita na siya.

"Katherine, Sorry kung lagi kitang nasi-SEENZONED. Sorry talaga. Ang totoo kasi niyan nahihiya lang ako."

"Huh? B-bakit ka naman m-mahihiya?"

"Eh kasi......

....

....

...Gusto din kita"

O M G! Gusto din niya ako! Bigla nalang ako kinilig at bumilis ang tibok ng puso ko.

"T-talaga?" Nauutal ko paring sabi.

"Oo. Ang totoo niyan bago mo pa ako ichat sa fb ay gusto na kita. Pero dahil sa katorpehan ko, hindi ko manlang magawang ipagtapat ang nararamdaman ko. Alam mo bang lagi akong natutuwa sa mga kwento mo, at dahil sa mga kwentong mong yan ay tuluyan na akong nahulog sa yo? Kaya lagi kitang nasi-SEENZONE kasi baka maamin ko ng wala sa oras ang nararamdaman ko. Eh kasi nga nahihiya ako. Pero nung nagalit ka sa chat mo kanina, hindi na ako nagdalawang isip ay pumunta dito sa inyo para ipaalam sayo na gusto kita. GUSTONG GUSTO KITA."

Dahil sa mga sinabi niya ay parang sasabog na ang puso ko sa sobrang saya.

"Diba tanong mo sa chat kung bakit ayoko ishare yung talent ko sa pagkanta sa iba?"

Tumango lang ako.

"Kasi gusto ko ikaw lang ang makarinig nito. Sa pagkanta ko kasi lumalabas yung nararamdaman ko para sayo."

Kanina pa ako sobrang kinikilig sa mga sinasabi niya. Grabe ang saya!

"Uhmm Kath.. P-pede bang.. Pede uhmmm... Pede bang.."

"Pede bang ano?"

"P-pede ba akong manligaw?"

"Manligaw?" Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayare.

"Oo. Kung pwede lang boyfriend na eh.. Pero gusto ko munang patunayan pa ang sarili ko sayo.. Gusto kong patunayan na seryoso ako sa yo.. Na deserve ng isang tulad ko ang isang tulad mo.. Pati nirerespeto kita.."

Sobra akong natouch sa sinabi na lalo na yung part na, "nirerespeto kita.."

"Hmmmm..." Kunware nagisip muna ako.

"Kath, ano na sagot mo?"

"Magreply ka muna sa chat ko." Sabi ko sa kanya.

Nilabas niya ang iPhone niya. WOW yaman! Haha! Tas nagtype ng kung ano.

Bigalng tumunog yung computer ko. Hindi ko pa pala nalolog out fb ko. Lumapit ako at tiningnan yung message. Alam niyo kung ano ang nireply niya?

"O binibining maganda,
Ang aking puso, sayo nahulog na.
Maaari mo ba akong pagbigyan,
Na ika'y aking maligawan?"

Napangiti ako sa sinend niya. Effort magtagalog! Pero hindi muna ako nagreply. NagpangSEEN ako sa kanya! Haha!

Mga 5 minutes na ganun. Nakatitig lng ako sa monitor. Siya nakatayo at nakatitig sa phone niya. LOL. Tas maya maya ay nagsalita siya "Uy magreply ka naman oh!"

"Ganti lang toh! Lagi mo akong sini-SEENZONE eh!" Parehas kaming napatawa sa sinabi ko.

Tas nagchat ako.

"kung makatagalog ka naman wagas! Pero simple lang naman sagot ko jan eh..

... OO."

At pagkatapos nun ay naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod. Sino pa ba? Eh di si Daniel!

"Salamat Kath. Salamat sa pagkakataon." Bulong niya sa tenga ko.

"Walang anuman Daniel." Bulong ko din sa kanya.

The End ~

At jan po nagtatapos ang kwento ko! :) feel free to leave a comment, vote and share with your friends. Hope you enjoyed the story and thanks for reading it!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SEENZONEDWhere stories live. Discover now