"GINNNOOOO!!!" Sigaw ni Mel tapos binuksan niya yung room 107. Hindi pa naman kami nakakalabas ng clinic eh.
"Yes?" Halatang kabado si Ginno sa sasabihin ni Mel. Pinag-papawisan eh naka-aircon kami?
"Samahan mo kami." Tapos nun, tumango lang si Ginno.
Nag-lakad lang kami papuntang mall since medyo malapit-lapit lang naman sya. Kami lang ni Mel ang nag-dadaldalan. Hindi namin pina-pansin si Ginno kasi nga diba may away kanina? Friend ako ni Leah kaya may karapatan din akong ingatan sya. Baka nga mas malala pa ang nangyari pag nahulog na naman sya.
"Sana okay na si Leah." Narinig naming bulong ni Ginno. I am not sure kung ako lang ang nakarinig or pati rin si Mel.
"Sana nga eh." Sambit ni Mel. Siguro wala namang feelings si Ginno kay Leah. Playboy yan eh! Tsaka friends turing nya sa kanya. I guess?
"Alam mo, si Leah lang ang hyper sa atin. Parang kahit optimistic ang paligid pero wala ng gana ang iba, sya yung tumutulong!" Napa-tango kami ni Mel sa sinabi ni Ginno.
"Miss ko na agad yung kapag nag-aalala tayo, sasabihin niyang okay lang ang lahat and everything will soon turn out well."
"Oo nga! Parang nung nag-gymnastic ako kahapon!" Napa-ngiti naman sila. Nag-daldalan lang kami ng nag-daldalan hanggang sa ma-padpad na kami sa mall. Pag-dating namin sa mall, hindi kami natagalan sa pag-bili ng sushi dahil mabilis ang service.
Nag-lakad na lang ulit kami pabalik ng school.
"Galit pa rin ba si Hayley sa akin?" Pag-sisimula ni Ginno.
Tumango kaming dalawa ni Mel." Sorry Ginno ah. Wala talaga kaming magagawa ni Sapph. Pinaka iingat-ingatan namin siyang kaibigan. Maselan kasi sya lalo na't may asthma sya. Ayaw rin naman namin na ma-ulit yung nangyari noon eh." Buti mahinhin ang pagkaka-sabi ni Mel. Ayaw rin siguro nya mag-simula ng away.
"Guys, este gals, sorry na..."
"You're forgiven Ginno! Matagal na kaya noh! Basta wag mo na ulit tatratuhin si Leah ng ganun ah. Kinakabahan kami eh. Sorry din at napa-away kayo ni Hayley. Protective masyado eh! Hahaha!" At dahil dun, nag-simula na rin kaming mag-tawanan tapos nag-jokes (Kahit Corny! Ugghhh) hanggang sa makabalik kami sa school.
"Hi everyone!" Masiglang bati ko nang makapasok na kami sa room 107 ng clinic.
"Hi!-- bakit kasama ka Ginno?!"
"Sinama ako ni Mel." Sabay turo ni Ginno kay Mel. Napa-ohhhh naman si Hayley tapos nun, nagsimula na kaming kumain since gutom na talaga kami and naubos na namin yung sushi habang nanonood ng t.v. (May T.V. sa room ni Leah. BONGGA!).
"Ang-- sha-wra-wrap... WHAAAA!!!" Bigla akong napa-sigaw nang malaglag yung sushi na kinakain ko sa sahig. Marunong naman ako mag-chopsticks kaso biglang na-twist ko kaya tumalsik yung sushi. Sayang, mahal pa naman yun. Huhubells.
"AHHHHH!" Napa-sigaw din si Mel sa hindi malaman na dahilan.
"AHHHH!!!! Tigil na! TIGIL NA!!!" Nagulat naman si Hayley kaya bigla syang napa-sigaw din. Haysst.
"Sorry ah. Nalaglag kasi yung sushi. Eh ang mahal nun eh! Huhuhu." Mukha akong timang sa ka-iiyak ko.
"Ano ka ba! May pizza pa naman eh!" Oo nga. Kaya dapat itigil ko na tong walang kwentang pag-eemote ko sa sushi. If ever may teleserye, ang title nun ay "ANG SUSHING LUMIPAD". Hindi ko rin alam kung bakit yun yung title ko. Parang wala ngang connect eh! Hahaha! #ANGKORNYYY
"Oo nga naman. Sushi lang yan! Hahaha! Poor kid kasi." Aba't sasabat pa tong ice cream murderer/mokong/feeler ha?!
"Ikaw ba kausap ko? Ang feeler mo kasi eh! And FYI mr.feeler, hindi ako poor kid! Kaya nga buhay pa ako ngayon, ligtas at nakakapag-aral sa isang pribadang eskuwelahan eh dahil mayroon kaming pera. Palibhasa kasi, hindi ka naturuan ng GMRC ng magulang mo. Sana naman, tignan mo ang ugali ng tao, hindi ang pysikal at kaanyuan niya sa panlabas! Kaya walang nagkaka-gusto sayo!" Emergesh!!! Ang haba ng speech ko ah? Nangangampanya kasi akong president eh. Joke lang!
"Sa gwapo kong to? Walang nagkaka-gusto? Kilala mo ba ang kausap mo? Sa tingin mo hindi ako masasama sa popular seven kung hindi ako gwapo at matalino? Ikaw kasi, panget. Dinaig mo pa si betty la fea and yung mga bakla eh. Mukha ka kasing lola! Para kang manang tapos ang haba ng buhok mo. Pwede ka na nga sa horror movies eh!" Aba lang talaga ha! Sumosobra na tong impakto na to ah! Akala kung sino sya. Palibhasa mayaman. Psh!
"Grabe ka naman! Kung makapang-lait ka akala mo kung sino ka! Ikaw ba ang Diyos upang mang-husga sa mali naming gawa at sa kaanyuan namin?"Ngayon ko lang na-realize, parang rap battle na pala ginagawa namin. Whehehe.
"Basta ang panget mo! Akala mo kung sino ka."
"Mas panget ugali mo! Oo na! Lahat ng gawa ng Diyos na lalaki ay gwapo at ang babae ay maganda. Pero yang ugali mo, mas panget pa doon sa mga babae sa horror movies!" Hahaha! Natawa ako sa sinabi ko like seriously? Mas nakakatakot sya sa horror movies na babae. Yung mga nananakot kumbaga.
"Hoy! Okay na yun. At least hindi-"
"Tumigil na kayo. Maganda si Sapph at gwapo ka Drew pero panget ugali mo kaya please baguhin mo. Yan tapos na. Happy?" Buti nga! Sabi na nga ba eh! Panget talaga ugali niya! MWAHAHAHA!
"Pero-"
"Tigil na sabi! Baka magising si Leah eh!"
"Wag ka na nga sumali Ginno." Oh noseee! Baka eto namang dalawa ang mag-away?
"Tumutulong lang naman ako ah? Anong masama dun Hayley?"
"Just...... Shut up please." Kumukunot na noo ni Hayley! Huhuhu!
"Eh bakit naman?" Argghhh! Alam
mo yung naiinis na gustong kumalma yung feeling? Lalo lang iniirita ni Ginno si Hayley eh!
"GUYS! Kain tayo ice cream! Almond pistachio yung flavor oh!" Buti na lang at marunong makiramdam si Mel. Lagi syang andiyan pag simula na ng world war 3.
"Oo nga. I want sweets!" Yes naman! Marunong din sumakay si Zac!
"Okay sige!" Whu? Kay, sumakay na lang din si Hayley.
❤️**❤️
Makalipas ang ilang baso ng ice cream...
"Ano na gagawin natin?" Bored na ako.
Yung tiyan ko lang hindi. Hays.
"Kain ulit?"
"Ayoko na Melll! Cheerleader ako remember?"
"Nga noh. Sorry! Ahehehe"
"Charades tayuuuu!" Fave game ko to eh!
"Sige, go ako diyan." See! Maganda ang plano ko!
"Ako din! Dapat malalim yung mga words ah, o kaya naman, may relate sa pag-aaral natin." Si Zac pa? Eh lagi naman aral nasa isip nyan.
"Ayoko sumali sa inyo. Masyadong pang-immature yung laro. Yung nag-initiate immature din. Pfffftttt."
"Bakit? Niyaya ka ba namin ha?" Bwisit din tong Drew eh nuh?
"Oy tigil na nga, magigising si Leah eh. Ayoko naman syang ma-stress." Pag-pigil sa amin ni Ginno.
"Ikaw lang ba may ayaw ha Ginno?"
"Hayley, ayaw ko ng gulo. Please lang."
"Sino ba nag-simula ng gulo sa buhay ni Leah? Yung kisamd ba ha?"
"TIGIL NA HAYLEY! Di ko naman yun sinasadya ah!" Bakit ba laging awayan tong dalawa? Wala bang time out guys?
"Di mo sinasadya na saktan si Leah? Paano yun nangyari, may kakambal ka
ba ha?"
"EH HINDI-"
"STAPPPP ITTT!!!!"Naku! Nagising na si Leah!
YOU ARE READING
When The Nerd and The Jock Fell
Teen FictionWhat would happen if an extraordinary kind of nerd meets the popular kind of jock? Meet Sapphire. A nerd that's well, smart enough to study abroad. Her looks are just like the ones you see in t.v. that wears glasses and has a braided hair. You may t...
Chapter 6: STAPPPP ITTT!!!!!
Start from the beginning
