Chapter 19

17 5 0
                                    

Kabanata 19: Jealousy

“Papasok ka talaga?”

Napanguso ako dahil ikalimang tanong na ni nanay sa akin 'yon.

“Oo nga po nay, lalala lang naman ang sakit ko kapag dito lang ako sa bahay” ani ko at tumayo na para hugasan ang pinggan na pinagkainan.

“Naku jae, kapag ikaw mapano sa paaralan mo..” she trailed off kaya nakangisi ko siyang binalingan.

“Ano nay?” pang-aasar ko, “Hindi kita papapasukin sa mga susunod na araw” ani nito at inilagay ang pagkain na inihanda niya sa bag ko.

“Ay may tanong pala ako” biglang ani nito habang sinusuot ko ang uniporme ko, “Ano po iyon?” I asked at binatones ang batones sa blouse ko.

“Anong mayroon sa inyo ni Xander?” She suddenly asked na nagpatigil sa akin. “P-po?” nauutal na tanong ko dahil sa pagkagulat.

“Gulat ka ah? Kayo na?” nakangising tanong ni nanay na mas ikinahiya ko. “H-hindi po nay! Wala pong kami” pagd-deny ko pa but her smirk didn't vanished.

“Huwag ka nang magsinungaling jae, nagpaalam sa akin ang binata na liligawan ka niya” ani nito na nagpagulat sa akin, “Po nay? Sinabi niya sa inyo iyon?” gulat na tanong ko at tumango naman si nanay at inabot ang bag ko sa akin.

“Oh siya, palate kana oh. Inilagay ko na rin pala ang gamot mo sa loob, inumin mo ha?” paalala ni nanay and I just nodded before I kiss her cheeks.

Nagpaalam na ako at umalis.

Lagot sa akin ang Xander na iyon!

Hindi pa rin maganda ang panahon at malamig ang simoy ng hangin kaya mabuti nga at nag hoodie ako.

I arrived at school 10 minutes late and as expected, wala nang masyadong studyante sa daan.

I wonder if they talked about what happened last night with me and Xan.

Pumasok ako sa room and as expected, may teacher na pero nakatakas ako sa punishment dahil sa lagnat ko.

Habang nagsasalita ang guro ay hindi nakatakas sa tenga ko ang mga bulung-bulungan sa paligid ko.

I listen to them intently pero hindi ko pinahalata masyado.

“Diba sinundo siya ni papa Xan kagabi?” ani ng kaklase ko. Obviously, they're talking about me.

Napangiwi ako nang narinig ko ang tawag niya kay xan, gago ginawa ba namang tatay.

“Beh tumahimik ka! Baka ikaw isunod kay Megan” ani ng isa pa.

Megan? The bitch who spread those fake nudes of mine? Bakit? Anong nangyari sa kanya?

“Ayy oo nga pala, hindi sinabi kung sinong nagsumbong?” tanong ng kung sino.

As much as I want to look at them ay hindi ko ginawa dahil tatahimik lang sila panigurado.

“Hindi naman sinabi” sagot nung isa.

My morning just went like that, na ko eenjoy ang page-eavesdropping sa kanila kahit na hindi ko na alam ang pinag-uusapan nila.

Nakakasakit kasi sa ulo kapag kay ma'am ako makinig.

Nang magtanghalian na ay kanya-kanya nang lumabas ang mga kaklase ko but I don't have the same energy as them kaya imbis na lumabas katulad nang nakasanayan ay nanatili lang ako sa classroom.

I can't bear the pain in my head and the numbness that my body felt.

Sana pala talaga hindi na ako pumasok.

I Have Found the Almond Eyes Where stories live. Discover now