Chapter Twenty-two

Start from the beginning
                                    

May isang babaeng nagsasalita na naka upo na sa long table, mukhang kinakausp niya yung babaeng katulong naman ni Ryla sa pag aayos.

Nasa may bandang pool side rin sila Vini, kausap parin nila ni Chloe ang isang middle age na babae, side view lang kasi ang kita sa pwesto ko rito.

"Parating na ata sina Kuya Kitt," sabi ni Ethan.

"E si Wade? Si Louie? Si Sean? Si Sanz? Kailangan ko pa bang imention lahat ng mga kumag? Langya naman oh! Kailangan ko ng kainuman!"

"Kararating lang inom agad ang nasa isip" the girl, who was helping Ryla, rolled her eyes at what Quinton said.

"Pake mo ba Elaine?" bagot na tugon ni Quinton. Bigla naman siyang sinapok ni Ethan.

"Sino ang nagsabi na pwede mong pagsalitaan ng ganyan ang Ate ko?" may halong tawa ang pagkakasabi niya nito but I can sense the protectiveness in his voice.

"Oo nga Quinton Joshua, sino ang nagsabi na pwede kang sumagot sa akin ng ganyan?" taas kilay namang sambit ni Elain at lumpait sa amin.

"Porque mas matanda ka" ngumuso si Quinton na nagpatawa sa akin. Nag walk out siya, dumiretso siya duon sa lalaking nag iihaw.

Umiling iling lang si Elaine sa inasta ni Quinton, bago bumaling sa akin.

"Elaine Telulah Dela Cruz Castillo, I'm this dipshits older sister," tango niya kay Ethan. "I don't know kung binaggit niya ba ako sa'yo, he never calls me Ate. Wala siyang label sa akin"

"Lahat naman tayo walang label sa isa't isa" Ethan snorted, I think he's referring to his cousins.

He never mentioned na may older sister siya but I'm glad to meet her. Tinanggap ko ang kamay ni Elaine, parang ang awkward sa akin kung tawagin ko siyang Ate tapos si Ethan hindi.

"Kilala na kita," itinaas niya ang daliri niya sabay ngiti bago ko pa ipakilala ang sarili ko. "Maiwan ko muna kayo, mag aayos pa kami ng table. Mas maganda nang ayos na ang lahat bago pa dumating ang mga unggoy"

Napailing naman si Ethan sa sinabi ni Elaine bago ito umalis. Alam ko na ang tinutukoy niyang mga unggoy ay ang iba nilang pinsan, batid ko ring puro pang lalaking pangalan ang binaggit ni Quinton kanina kaya totoo ngang majority sa kanila ay lalaki.

Malaking pamilya nga ang mga Dela Cruz.

Bigla ko namang naramdaman ang pag kurot sa bewang ko kaya reflex na rin lang na tignan ko kung sino ang may pakana.

Nasa likod ko si Vini na tatawa tawa habang umiling naman si Chloe sa tabi niya.

"Ang nipis," puna niya sa sleeveless top ko, tinaasan niya ako ng kilay. "May tube ka sa loob nyan?"

"Wag ka nga!" bigla naman siyang hinampas ni Chloe. "I like it, ang comfy tignan"

Nginitian niya ako. Her blue eyes shining. Napansin kong naka dress na naman siya, maxi dress naman ngayon at gladiator sandals, nakita ko iyon nung humakbang ang isang paa niya. Naka kulot ang dulo ng buhok niya, hindi ko alam kung natural ba ito o hindi, but ang ganda.

"Chain's loose now dahil tapos na ang exam?" Vini smirked. Napa tango nalang ako, he knew the answer na agad e.

"How did you get here?" tanong ko sa kanya. He shrugged.

"Nag drive"

Pilosopo! Inirapan ko siya, he chuckled bago sundan ang kanyang walang kwentang sagot.

"Nagpasundo ako sa driver, para sunduin ko naman 'to," tinapik niya ang noo ni Chloe in a playful way, "sa Megamall dahil isasama nga raw niya ako dito"

The Gang's Prized PossessionWhere stories live. Discover now