CHAPTER 2

5.1K 59 4
                                    

"Dito kayo magtatrabaho. Ito ang bahay ng boss nyo. Dito narin kayo titira. Nasa second floor ang kwarto nyo, sa pinaka dulo." sambit ni Miss Lee. Sya yung babaeng kumausap samin kahapon.

"Teka Miss Lee, di ba po sabi nyo assistant ang trabaho namin? Bakit kailangan naming tumira dito?" tanong ni Chohee.

"Ah, di ko pala nasabi sa inyo kahapon. Gusto ng boss nyo na dito na kayo tumira. Assistant slash maid nila kayo. Hindi naman kayo aangal diba?" wait-- Maid? Ah, maid lang pala e.

"Ah-- Hindi po. Okay lang po samin. Diba, Ri?" tumango lang ako.

"Oh sige na. Maiwan ko na kayo. Marami pa akong aasikasuhin." nagbow lang kami sa kanya.

"Ang ganda dito. Ang linis at ang bango." sambit ni Chohee. Binatukan ko nga.

"Ouch! Ri naman eh!" nag-pout pa.

"Tara na nga. Ayusin na natin gamit natin dun sa kwarto."

Nagtungo kami dun sa sinabi ni Miss Lee. Nasa pinaka dulo ito at hindi masyadong makikita kapag malayo ka. Dalawa ang kama at may sariling banyo. Inayos na namin ang mga gamit namin. Konti lang ang dinala namin, marunong naman kami maglaba eh.

"Labas lang ako." paalam ko kay Chohee na kasalukuyang nakahiga at dinadama ang malambot na kama. Akala mo naman sa probinsya galing eh malambot rin naman ang kama sa condo namin. Tsk tsk.

Naglibot-libot lang ako sa buong bahay. Papasok ako sa isang hallway ng biglang tumawag si Miss Lee.

"Hello?" panimula ko.

[Mag-ingat kayo dyan.]

Bigla akong kinabahan.

"P-po?"

[Mag-ingat kayo. Hindi ko katulad ang mga boss nyo.]

Wait-- MGA?

"Mga? What do you mean? H-hello? Miss Lee? Hello?" binaba na.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako makahinga. Agad akong tumakbo pabalik ng kwarto pero bago pa man ako tuluyang makapunta sa kwarto, natigil ako sa narinig ko.

"Nandito na sila? Okay. Thanks, Miss Lee." sambit ng isang lalaki.

Na-curious ako kaya sumilip ako sa naka-awang na pinto.

Napasinghap ako nang may makita akong anim na lalaki sa kwarto. I think mini arcade 'to. May mga video games at kung ano ano pang makikita sa arcade.

Nilibot ko pa ang mata ko. Sandali, parang kilala ko yung isang lalaki. Wait... Si--

"Sino ka?" tanong nung lalaking sumulpot bigla sa likuran ko.

Mas lalong kumabog ang dibdib ko nung narinig at nakilala ko ang boses nya. Hindi ako nagkakamali. Sya 'to.

Agad akong umiwas at patakbo na sana pero hinigit nya ang braso ko.

"I'm asking you, who are you? Anong ginagawa mo dito?" tanong nya ulit. Di nako nakagalaw at sumagot nalang sa tanong nya.

"A-Arisa Son." sagot ko habang nakayuko.

"Ow, so you're our new slave. Nasan yung kasama mo? Dalawa daw kayo ah." sambit nya habang naka-smirk. My ghad bakit ako kinakabahan.

"N-nandun sa kwarto. T-teka-- SLAVE?!" pasigaw kong tanong.

"Uhm, yeah? Hindi ba sinabi sa inyo?" napa-iling ako.

"S-sabi samin ni Miss Lee assistant daw ang trabaho namin h-hindi slave." naiiyak kong sagot.

Tumawa sya ng bahagya. Shet. Ang cute nyang tumawa.

"No. Slave na namin kayo simula ngayon. Mind to introduce yourself to the others?" tanong nya pagkatapos ay hinawakan ako sa hips ko kaya napa-kislop ako.

"T-tawagin ko lang si Chohee." inalis ko ang kamay nya pagkatapos ay agad na tumakbo sa kwarto namin.

"CHOHEE!!" sigaw ko sa kanya.

"Ano ba yun bakit?!" inis nyang tanong.

"Hindi lang isa ang boss natin!"

"Huh?" pagtataka nya.

"Anim-- ay hindi-- pito sila!" sambit ko pagkatapos ay niyugyog sya.

"A-ano?!" nauutal nyang tanong. "Panong--"

"Chohee! Bangtan ang boss natin!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pangit ulit. Ehehe. Sorreh.

BANGTAN'S SLAVE [Discontinued]Where stories live. Discover now