Naiirita na si kuya dahil sa kakulitan ko kaya tinabi na niya muna ang kotse at bumili ng ice cream. Halatang napilitan talaga si kuya, kala mo naman hindi nagpabili ng ice cream nong bata siya.

Naalala ko tuloy noon ang sinabi sakin ni mama. Kumukuha daw ng limang ice cream sa isang araw si kuya at kinakain, simula kase nung namatay si papa dahil sa aksidente walang na silang makain ni kuya kaya napag-isipan nila na magtinda ng ice cream. At para nadin yun sa pagpapanganak sakin ni mama.

Nakakalungkot naman, lumaki ako ng walang ama. Nakakamiss si papa tanging ang litrato nalang niya ang nakikita ko, gusto ko siyang makita ng personal pero huli na ang lahat.

Iiyak na sana ako kaso may epal na dumating, ang pinakamalaking dragon sa buong mundo.

Oo tama ka, si kuya.

Mmmmm natakam tuloy ako sa hawak niyang ice cream. Excited tuloy akong kainin.

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at kinuha kona yung ice cream at kinain. Nakita kodin na may ice cream din si kuya.

Gusto din pala eh oa pa kanina, wala daw pera pero meron naman pala. Hayst sinungaling.

"Gusto pala ng ice cream ang dragon."bulong ko sabay kain ng ice cream.

Tinignan niya lang ako ng masama.

Mukhang narinig niya ang sinabi ko.

Sungit mo naman.

Hindi nalang ako nagsalita at kinain nalang ulit ang ice cream. Nang naubos ito ay nilagay ko muna sa plastic bag ang tissue, at sinandal ang ulo ko sa bintana.

Hindi naman malayo ang bahay namin kaya nakarating kami agad. Pinark muna ni kuya ang kotse bago ako bumaba. Dumiretso nako sa salas kase nandon si mama.

"Ma nandito na'ko." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Oh nak, kumusta ang klase?"tanong ni mama.

"Okay naman po ma."

"Ahh buti naman."

"...nasan pala ang kuya mo?"

Patay na ma.

"Nasa labas ma."nagbibigti.

Hindi kona hinintay ang sasabihin ni mama, pumunta na ako sa taas at dumiretso sa kwarto ko.

Tinanggal ko ang sapatos ko at dimiretso sa kama at humiga. Pinagmasdan ko ang kisame at iniisip kung paaano aasawahin sa david.

Chrr.

Kinuha ko ang selpon ko sa study table at bumalik sa kama. Binuksan ko ang instagram ko at bumungad sakin ang pinaka gwapong mukha ni david.

Wag kanang mag post david flss nahuhulog ang puso ko sayo chrr.

Kung ako si savana hindi kita lolokohin. Bakit kasi si savana pa, eh andito naman ako,marami pa kaming pagkaim dito na pwede mong pagpipilian pero pwede namang ako nalang ang piliin mo chr. Meron pala kaming adobo, sinigang, letchon, tortang talong, at ako. Ay sorry nadulas.

I-ooff kona sana ang cellphone ko pero naisipan kong mag picture.

Pinindot ko ang camera app at nag selfie selfie.

Ohh pak pak pak.

Nung tapos na akong mag selfie, pinindot ko naman ang instagram para ipost ang picture ko.

Ano kaya ang pwede kong icaption?
Pwede kaya yung, mahal ang sibuyas ngayon pero mas mahal kita david.

Ayy wag na pala ang corny.

Pinost ko nalang ang picture ko sa instagram na ang caption ay "🤍."parang cold person na medjo inlove chrr.

Nung napost kona,nagulat ako kase nag heart si david sa post ko.

Mukhang mawawalan ako ng malay ngayun ah wait lang magbibilang lang ako isa, dalawa, tatlo, Boom.

Syempre joke lang yun no, oa ko naman masyado kung mawawalan ako ng malay nang dahil lang don pweee.

Hindi ko alam kung makakatulog pa'ko ng maayos ngayun, dahil lang sa pag heart ni david sa post ko. Siguro wag nalang ako matulog gigising lang din naman ako, sayang lang yung pag pikit ko chr.

Anong oras na kaya?

Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa taas ng pinto para tignan kung anong oras na.

Whooooooot? Alas dose na pala putcha.

Hindi ko namamalayan na ilang oras na pala akong nag-iisip at nagseselfie. Ang bilis ng takbo ng oras, parang mga lalaki lang mabilis magpakilig tapos bandang huli hindi ka pala jojowain charot lang.

Ano bayan male-late na naman ako nito bukas.

...








Engjoy reading!
The Only Girl In Section D.

The Only Girl In Section D (On Going)Where stories live. Discover now