We’re going to do DIY book marks putting our finger prints on it. I’m standing beside a table where the paints are, abala ako sa ginagawa nang biglang lumapit si Yijin. Our eyes met each other like it’s a magic. He smiled at me and I swear! My heart felt warmth.

“Yijin. . .” I said his name like it’s the very first time.

“Patingin nang sa ’yo,” aniya. Ang tinutukoy niya ay ang book mark na pinagkakaabalahan ko ngayon. I showed him mine and he also showed his to me.

“Mabuti pa sa ’yo ang linis ng gawa mo,” ani ko. Napailing naman siya.

“Yours looked nice too. Pwede ba ’kong maglagay ng finger print marks ko rito? You can put yours on my book mark as well.” Napaawang ang labi ko sa sinabi niya, shock was very evident on my face. Kung hindi niya pa ’ko tiningnan ay hindi ako agad na makakabawi.

“Oh, s-sure! Ano bang color ang gusto mo? Red!” natataranta kong ani. Madali kong nilublob ang thumb ko sa paint, he did the same kaya aksidente kong nahawakan ang kamay niya. Sa gulat ko ay madali kong binawi ang kamay, kaya lang ay biglang may tumalsik na paint sa mukha ko.

“Oh, gosh!” Nakakahiya! Agad akong napaatras kay Yijin, muntik na siyang matalsikan ng paint dahil sa ginawa ko! “I’m sorry Yijin,” natataranta kong ani. Hahawakan ko sana ang mukha ko para kunin ang tumalsik na paint kaya lang mabilis na hinawakan ni Yijin ang kamay ko para pigilan ako.

“Huwag, kakalat ang paint. Saka may paint din ang kamay mo.”

“Okay. . .” I sighed heavily. Sinubukan kong kumalma pero natataranta na ’ko kay Yijin!

Yijin smiled at me and tap my shoulder, “Chill. Kukuha lang ako ng tissue,” aniya. He jogged outside the hall to get some tissue, madali lang siyang nakabalik.

He’s still jogging nang makabalik, bitbit na niya ang tissue. Sinalubong ko siya para kunin ang tissue sa kamay niya, inabot ko na ang kamay para sa tissue pero nagulat ako nang dumeritso siya sa mukha ko. He didn’t lend me the tissue.

I swear! My heart doubled in beat when Yijin suddenly wiped the paint on my face. Sobrang lapit niya sa ’kin! Ito na yata ang pinakamalapit naming distansya sa isa’t isa!

Sobra akong kinakabahan na pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa dibdib. I stared at Yijin’s face, ang matangos niyang ilong, maamong mga mata at namumulang mga labi, mas gwapo siya sa malapitan. He has that little scare beside his eyebrows but that doesn't lessen his handsomeness. Para talaga siyang anghel na hinulog sa langit.

Seryoso si Yijin sa ginagawa kaya nagka-oras ako na titigan siya. Nagulat nga lang ako nang bigla niyang sinalubong ang tingin ko. We stared at each other’s eyes and I felt like the time stopped for me. His eyes were so pure and genuine, habang tinititigan ko iyon. . . pakiramdam ko ay nalulunod ako.

“Uy ano ’yan!” Seri suddenly arrived on the scene. Nagulat ako roon at madaling napaatras kay Yijin. Pagtingin ko sa kanila ay nakatutok na ang cellphone sa ’min, napatingin ako sa kasama ni Seri.

Madaling umiwas si Vion nang tingnan ko siya. “Kayong dalawa, ah! May milagro kayong ginagawa rito!”

“Seriah naman!” angil ko. Napailing lang ako at natawa sa kanya. “Okay na ba? Thank you ah,” ani ko nang balingan si Yijin. I printed my finger print on his book mark and he also did the same to mine. Inasar pa kami nina Seriah st Chloe, wala lang naman akong ibang ginawa kun’di tumawa.


Umaga pa lang ay nasa simbahan na ’ko. I told Seri and Chloe to be early as well pero alam ko namang maaga talaga si Chloe. As for Seri, mahirap gisingin ’yon.

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon