"Puwede naman," natigil ako sa pagpipindot ng orders sa huge screen TV ng McDo nang marinig ko na sumang-ayon si Graham.

Binilisan ko ang pag-order at hinarap ang dalawa. "Hindi puwede, Mari. Nagsayang na nga ng pamasahe si Graham dito, gagawin mo pa siyang judge."

"Precisely! Nandito na siya, why not use his time for something worthwhile?"

"Pa'no naging worthwhile ang pag-judge sa talent performance ko?"

"Dani, he already agreed. It means worthwhile rin 'to sa kaniya kahit papaano!" I took the receipt of my orders and went in line to pay. The two stood in an area where they won't hinder people from ordering.

"Nakakainis 'to," anas ko sa sarili habang tinititigan ang kaklase kong panay ang ngiti kay Graham.

Nang makapagbayad na ako at makuha ang plastic na puno ng pagkain at inumin, walang pasabing kinuha ni Graham ang mga dala ko. Hinintay ko na kumuha ng dadalhin si Mari, pero wala siyang ginawa. Nagbuga ako ng hininga at kumuha ng isang plastic mula kay Graham para tumulong.

"Girl, ang cute ng size ni Graham, parang ang sarap kagatin," bulong ni Mari sa akin nang makalabas na kami. I gave him a very irritated look.

"Sama naman ng tingin mo, 'te!" reklamo niya sabay ng panliliit ng ilong niya. "Ano na naman ginawa ko sa 'yo, huh?"

Umirap ako at iniwas na ang tingin.

Who the fuck says they want to bite someone?

It's so... weird!

"Tapos, archi major pala siya? Pumogi lalo sa eyes ko, Dani! Sayang, girls ang gusto niya," bulong muli ni Mari sa akin.

"Graham, are you sure, ayaw mo na umuwi na lang?" tawag ko sa katabi. "Ayos lang," aniya.

"Wala ka bang kailangan aralin o... i-drawing?" I said, hoping he'd say he forgot he does have something to do.

"Tapos ko na mga kailangan kong gawin, 'wag ka mag-alala. Nilalaan ko talaga 'tong Sabado at Biyernes para sa 'yo simula no'ng tinuruan kita."

I blinked a few times after hearing his smooth way of telling me his Saturdays and Fridays were meant for me. I tried to hide my smile but failed. Failed badly because Mari poked my waist because of my smile.

"Ngiti-ngiti ka riya'n, akala mo hindi mo ako inasar kanina!" anito. Pumalatak ako dahil napausog ako sa gulat; napalapit tuloy ang likod ko kay Graham.

"Kiliti mo ba 'yan? O nagulat ka lang?" tanong ni Mari. "Kiliti, kaya 'wag mo ako tusukin sa baywang ko, 'di na kita tatawaging monkey, sorry na."

Ngumisi ang kaklase ko, ngisi na tipong may masamang iniisip. Dapat pala hindi ko inamin na kiliti ko 'yon, baka gamitin niya lang laban sa akin.

"Okay, now, I have something to use," nagkunwaring villain si Mari at tumawa ng malakas habang papasok kami ng condo. I ignored the monkey.

We rode the elevator and Mari told me about the gown he borrowed for me. "I actually brought it na, Dani, para makita kung kasiya sa 'yo. Pero medyo confident ako. Pareho kayo no'ng hiniraman ko ng body size, e."

Tumango ako. "Thanks, by the way," he took out his phone and began using it while Graham and I stared at the lift's door. We saw our reflections there.

"Ay, 'yong sa heels mo pala, natanong mo si Lara?" umiling ako kay Mari. "I'll ask her later, if wala, I can buy na lang."

"Try mo na rin mamaya 'yong gown, before tayo mag-practice ng kanta mo," tumango ako at lumabas nang bumukas na ang elevator sa floor ng unit ko.

Tinulungan ako ni Graham na ihain ang mga pagkain na binili ko, Mari also helped. Hinintay namin saglit sina Gwen at Paula bago kumain.

Head in the Sand (Erudite Series #3)Where stories live. Discover now