Ilang oras pa ang nagdaan at dumidilim na sa labas ng bintana, pero nandito pa rin ako. Nakatayo pa rin ako sa puwesto ko, blangko ang mga mata, at walang kakurap-kurap na tulala sa kawalan.


Napakurap lang ako nang marinig ang boses ng anak ko, gising na pala ito kanina pa. Saka lang bumalik ang buhay sa mga mata ko, saka lang ako kumilos, at saka lang din bumalik ang maliit na ngiti sa mga labi ko. Inayos ko ang aking sarili saka ako masiglang lumabas ng kuwarto. 



"ISAIAH, NANDITO PINSAN MONG HILAW!"


Nasa hagdan ako nang hagdan nang marinig ang sigaw ni Mama Anya. Pagbaba ko ay hinanap ng aking mga mata ang anak ko. Nasaan si Vien?


Si Vien at ngumangabngab ng icecream. Nakakalong ito sa guwapong lalaki na nakasuot ng polo na puti at jeans, ang mga mata sa likod ng suot na specs ay kulay abo. Seryoso ang itsura kaya muntik ko pang hindi makilala.


Nang ngumiti ito ay saka lang lumiwanag ang mukha at umamo ang mga mata. "Hello, Vivi."


"H-hello." Nagulat ako na si Arkanghel ito. Mukhang nahiyang ito sa ibang bansa at sa pagiging mayaman. Lalo itong gumuwapo, kaya lang ay nawala na ang pagiging pilyo. Seryoso na ang dating nito. 


Parang nagmukha prinsipe bigla si Arkanghel sa paningin ko. Gayunpaman, papalag pa rin si Isaiah sa kaguwapuhan ng pinsan. Isaiah might not pass as a royal prince, but he could effortlessly pass as the empire's charming knight.


Dumating din si Asher mayamaya. Katulad ng magpinsang hilaw ay ang laki na rin ng ipinagbago nito. Ang tangkad din, lumaki ang katawan, pumusyaw ang balat, at gumuwapo lalo. Wala na ring bakas ng pagiging pilyo.


If Arkanghel was the crown prince and Isaiah was the empire's charming knight, then Asher was the warmonger duke, the hero of the battlefield.


Mga seryoso ang mga ekspresyon nila habang magkakasama sa sala. Ano bang nangyari? Bakit parang mga nag-ibang tao bigla sila?


Hindi rin nagtagal si Asher dahil may pupuntahan daw ito. Tinanguan lang ako nito bago umalis. Hindi ginanti ang ngiti ko o kahit ang pagbati.


Tumayo rin sina Isaiah at Arkanghel. Narinig ko na bibili sila ng alak. Mag-iinuman. Duet na sa pagtatatalak sina Mama Anya at Tita Roda hindi pa man nagsisimula ang magpinsan.


Pagbalik nina Isaiah at Arkanghel ay may mga dala na ngang bote ng Red Horse. May juice sa pack at mga junkfood. Si Vien ay kumuha agad ng dalawang Piattos at Nova.


"Hoy, pulutan 'yan!" tawag ni Isaiah pero nanakbo na ang bata paakyat sa itaas.


Si Arkanghel ay lumabas saglit para bumili sa kanto ng barbecue. Si Isaiah naman hinahanda ang mesita kung saan sila mag-iinom.


"Vi, penge ngang yelo," utos niya sa akin. Saka niya lang parang naalala na nag-e-exist ako.


Walang reklamo na sumunod naman ako. Kumuha ako sa ref ng yelo na binili nila kanina, at nilagay sa bandehado bago ibinigay sa kanya. Tinanggap naman niya iyon at hindi niya na ulit ako kinausap.

South Boys #3: Serial CharmerWhere stories live. Discover now