I couldn't help but smile while giving him a back massage. Hindi ko akalain na mahahawakan ko ulit siya nang ganito. Kumpara noon ay talagang lumaki at nabanat na ang katawan niya. He became slightly muscular, just right for his towering height. 


Maganda naman ang katawan niya dati pa. Kahit kulang sa tulog ay nag-e-exercise siya tuwing bagong gising. Pampawala niya ng antok ang one hundred push ups a day. Minsan kapag tinatamad ay fifty push ups.


Magaling din siyang sumayaw. Minsan kahit nagsasampay lang ay sumasayaw pa siya. May pagkakataon din na para may pang-Jollibee ako noon, ay umi-extra siyang zumba instructor sa zumba sa baranggay.


I slowly made a circular motion as I moved my hands upward Isaiah's back. Wala naman siyang kakilos-kilos sa pagkakadapa. "Uhm, Isaiah..." tawag ko sa kanya.


"O?" tamad na tanong niya.


"Wala ka bang lotion? Para sana madulas."


"Wag ka nang maghanap ng wala."


"Okay..." Ayos lang naman magmasahe kahit walang pampadulas, kaya lang gusto ko sana na meron. Para lang masahe talaga.


Mga sampung minuto siguro nang marinig ko siyang magsalita. "Tama na."


Ha? Ayaw na ba niya? Hindi ba siya nasarapan sa masahe ko? Ibinuhos ko naman ang best ko, ah?


Tumihaya siya. Napaawang ang mga labi ko nang masalo ang nakakatupok na tingin ng mga mata niya. Parang hindi na masahe ang gusto niya. 


Hinuli ng kamay ni Isaiah ang aking kanang pulso, at sa aking pagkurap ay ako na ang nakahiga sa kama at siya na ang nasa ibabaw ko. "Isaiah..." gulat na sambit ko.


Nakanganga lang ako sa pagkagulat nang yumukod siya at siniil ng mainit na halik ang aking mga labi. Nanlaki ang mga mata ko. 


Ang utak ko ay windang. Totoo bang hinahalikan talaga ako ngayon ni Isaiah? Totoo bang nararamdaman ko muli ngayon ang mga labi niya? Nalalasap ko muli ngayon kung gaano kasarap ang halik niya? 


Nang gumalaw ang malambot niyang mga labi sa ibabaw ng mga labi ko ay para akong nalunod. It was as if the air suddenly ran out of my chest, and the only way to breathe was to kiss him back.


And then I found myself closing my eyes and accepting his kisses. Ginaganti ang mga halik niya. Niyayakap siya.


Napaungol si Isaiah sa loob ng bibig ko nang salubungin ko ng aking dila ang pagpasok ng dila niya. Para kaming mga uhaw na ayaw mag-aksaya ng sandali. Maririnig ang tunog ng halikan namin sa loob ng tahimik ng kuwarto.


Isaiah's wet and warm lips slowly moved down my neck. I could only hold on when he started kissing, licking, and tasting me there. Naalis niya na rin pala ang tuwalya sa katawan ko. Wala nang takip ang aking magkabilang dibdib na ngayon ay nakakulong na sa mainit na mga palad niya. Ang mahahaba niyang daliri ay nilalaro ang dulo ng mga ito.

South Boys #3: Serial CharmerWhere stories live. Discover now