[12] I will go with you

Start from the beginning
                                    

"I'm supposed to believe this?" Sabi nya, at tumingin sya sa akin nang nakataas ang kilay.

He started folding my apology paper for a number of folds I can't count.

"I know life can be difficult lalo na kung kakalipat mo pa lang ng apartment dito sa Makati. But I don't think you will be lost all of a sudden pagkagising mo if the reason you're waking up in the morning is going to work. It's hard to believe that you forgot the reason why you even moved here." Sabi ni Liam while looking at me directly.

Napatungo ako. I know hindi sya maniniwala sa dahilan ko. I'm telling him the truth, but I also know mahirap paniwalaan ang nangyari.

Gusto ko sanang makipagtalo sa kanya kung may energy ako. Gusto kong ipaglaban na totoo ang sinasabi ko. But I think mas ok na na ibang reason ang alam nila para hindi na sila magdig. Pati na si Creed.

I heaved a sigh, at tumingin ako sa kanya.

"Sorry po. Tinamad lang po bumangon kaya nakailang snooze sa alarm. Di ko po namalayan na tanghali na kaya isang oras po akong nalate." Sabi ko na lang.

Saglit na natahimik si Liam, at maya-maya ay napabuntong-hininga rin sya.

"Just promise me na hindi na ito mauulit. You have a good record so take this as a warning. Una, don't try snoozing your alarm. It's a bad habit. Second, don't lie to me. Ever again. And while lying about your panic attack is not a good alibi, being lost in Ayala Avenue is a badass excuse -- but also pretty unrealistic." Sabi nya.

Punyeta. Unrealistic? Ipakilala nyo sa akin ang taong nakasaulo na ng mga underpass dito, kakausapin ko lang.

And for goodness' sake. He can take all the things that I wrote in my apology letter as an alibi, but not my panic attack. It's true, it's real and it's not imaginary. It's not a joke. It's not an alibi.

"Write another one. One that I can give to sir Jacob."

Napapikit ako nang bahagya, at saka ako ngumiti sa kanya.

"Ok po." Mahina kong sabi.

Saglit nya akong tiningnan sa mata, then he went back to work.

"You can go." Sabi nya.

Tumango ako bilang paalam, at napahawak pa ako sa braso ko dahil bigla akong nakaramdam ng kirot dito. 

Sa halip na bumalik sa upuan ko ay lumabas ako ng opisina. Pagkalabas ko ng opisina ay binilisan ko ang lakad ko at naghanap ng pinakamalapit na restroom. When I found one, pumasok ako sa loob at isinara ko ang pinto. Kaagad akong dumiretso sa sink.

Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin.

My lips are trembling, and I don't know why. Siguro hindi lang ako sanay makarinig ng mga salitang narinig ko kanina. Hindi ako sanay mapagalitan o mapagkamalang nagsisinungaling.

I am thought to do good things. I always do the right thing. Hindi ako nagpapabaya. Hindi ako gumagawa ng mga bagay na alam kong mali at higit sa lahat, hindi ako nagsisinungaling. I mean I do lie for the smallest deals but for this, hindi ko kayang i-take 'yung consequences pag nalaman ng mga taong pinagkakatiwalaan ko na nagsisinungaling ako. I sometimes joke about lying but I don't actually lie in moments like these.

Usually nakikipag-argue ako kapag alam kong ako ang tama. Kapag sinasabi nilang nagsisinungaling ako, hindi ako titigil sa page-explain hanggang sa maniwala sila sa akin. I want to see their faces when I prove them wrong. I want them to regret for doubting me, for wronging me.

Pero kanina, hindi ko alam. Nahihirapan lang siguro akong magpaliwanag kay Liam.

Ewan. Siguro dahil hindi na worth it makipagtalo sa kanya? I mean, he's aware of what he did yesterday, right? Who the fuck in their right mind will kiss their colleague for some reason and then not explain after, or rather pretend nothing happened? Tapos hindi sya naniniwala sa dahilan ko kanina? Inisip nya ba talagang makakatulog ako nang maayos pagkatapos ng ginawa nya? To the point that I snooze my alarm several times?

Come Inside of my Heart ▶️Where stories live. Discover now