[12] I will go with you

Start from the beginning
                                    

For a moment, I started questioning my own behavior. May nasabi ba akong mali? May nagawa ba akong hindi nya nagustuhan?

Umupo na ako sa pwesto ko. And as I start working, napatingin pa ako sa gawi nya.

He's sitting beside Jane and Jasper. At mukhang masaya silang naguusap-usap. 

Si Creed, he's smiling like he never did before. I never see him smile like that to me.

Umiwas na lang ako ng tingin at nagproceed na sa work. I hate to think of this pero parang naninikip na naman ang dibdib ko. Feeling ko, aatakihin na naman ako ng panic attack. 

"Omi, ok ka lang?" rinig kong tanong ni Nate sa tabi ko at bahagya pa syang lumapit sa akin.

I looked at him at ngumiti ako.

"Yep," sabi ko na lang.

Sinubukan ko nang tanggalin sa isip ko si Creed. It really sucks when you feel both pain and insecurity hitting you at once.

~*~

Sinubukan kong isingit 'yung apology letter na pinapagawa sa akin ni Liam during work. Sobrang hirap mag-isip ng dahilan tapos kailangan ko pang punuin back to back yung long bond paper. Kaya naman, I ended up telling the truth. Sabagay, ganito naman ako palagi. 

Bahala na si batman. 'Yun naman talaga ang nangyari. At least wala akong mararamdamang guilt na nagsinungaling ako sa TL ko. Hindi ko rin naman habit magsinungaling.

Napatingin ako sa orasan. It's already 2:30 PM. Kaninang lunch, nagpaalam ako kina Nate and Drew na hindi muna ako makakasabay sa kanila dahil parang ang sakit ng katawan ko. Which is totoo.

And alam kong presumptuous but I really thought pipilitin ako ni Creed. Pero ni hindi nya ako nilapitan sa table ko. Diretso labas sya ng office nung naglunch time, kasabay sina Jane.

And I know. Wala akong karapatang makaramdam ng kahit ano nung nakita ko silang magkasama. But I feel like I was stabbed in the chest ten times. Sobrang cliche pero totoo 'yung pain. Ramdam na ramdam ko.

At naiinis ako sa sarili ko dahil for fucking 1 month, I developed this feeling of desire for him. For goodness' sake. Hindi ko nga maamin-amin sa sarili ko na crush ko sya nung una. Pero eto ako ngayon at nagdadrama nang malaman kong gusto nya si Jane.

He's just kidding? Utot nya.

I sigh. Sabi ni TL, before lunch ko 'to ibigay sa kanya. Pero hinayaan nya ako magextend ng before dismissal dahil rush yung project na winowork namin. At kahit 4 pa ang out namin, I decided na ibigay na itong apology letter sa kanya para wala na akong iisipin.

Hay naku.

I folded the apology letter at naglakas na ako ng loob na lumapit kay Liam para ibigay ito sa kanya.

"Ito po, sir Liam." Sabi ko sa kanya with honorific.

I know. Kind of lame. Pero parang ayoko kasi syang tawagin sa first name nya ng hindi ko inaaddress ang pagiging team leader nya. I don't want to ask him on how should I address him either.

Since hindi pa naman nya ako binibigyan ng cue na bumalik na sa upuan ay nagstay muna ako sa harapan nya. He's now reading my apology letter.

Alam kong hindi nya 'yun tinapos basahin, at buti na lang. Kasi sa pagkakaalam ko may naulit akong dalawang paragraph. Sinadya ko talaga iyon dahil wala na akong maisip na isulat.

"Inatake po ako ng panic attack sa Ayala avenue at nasagasaan po ako. Naligaw po kasi ako, akala ko nasa Laguna pa ako. Nagdorm na nga pala ako dyan sa may J victor." Liam reads. 'Yung obvious na hindi sya naniniwala sa dahilan ko.

Come Inside of my Heart ▶️Where stories live. Discover now