Wakas: Hangganan ng Palugit

Magsimula sa umpisa
                                    

"Akala mo siya meron. Nakapag-abroad ka na lahat-lahat wala ka pa rin namang nobya," sabi ni Isabella.

"S'yempre hinihintay kita. Ready na 'ko, ikaw ba ready na?"

Nagkantyawan tuloy ang lahat dahil sa sinabi ni Anthony. Napatigil naman saglit si Isabella at umaktong naduduwal.

"Tama na nga 'yan, baka mamaya magkapikunan pa kayong dalawa. Imbis na sa simbahan na sana ang tuloy," pagsingit ni Renald bago tumayo at hinawakan ang wine glass na nasa harapan niya. Nilagyan na ito ng laman ng mga waiter na nagse-serve sa amin kanina gaya ng mga wine glass na nasa harapan ng bawat isa sa amin. "Para sa pagkakaibigang walang lamat!" Itinaas ni Renald ang wine glass niya kaya sumunod kami sa kaniya.

Tumayo rin kami at itinaas ang wine glass na nasa harapan namin.

"Hanggang kabilang buhay dapat!" sabay-sabay naming sagot sa kaniya bago pare-parehong ngumiti. Sabay-sabay naming ininom ang wine na laman ng mga baso namin, bago kami muling umupo at nagkainan habang nagku-kwentuhan.

Dahil nga matagal naming hindi nakita at nakausap si Anthony, halos lahat ng paksa ay tungkol sa kaniya. Lahat din halos ng tanong ay sa kaniya ibinabato kaya nagre-reklamo na siya dahil sa dami raw ng mga tanong namin. Pero kahit gano'n pa man, sinagot pa rin niya lahat ng mga tanong namin. Nang tuluyan na siyang mapagod sa pagsagot, napagkasunduan naming maglaro alinsunod sa suhestyon niya.

"Ang unfair naman kung ako lang ang hotseat dito 'di ba? Kaya maglalaro tayo," ani Anthony bago kuhain ang kaninang bote ng champagne na ngayon ay wala ng laman dahil nainom na namin. "Kung saan tatapat ang bunganga nito, siya ang sasagot sa tanong. Kung saan naman tatapat ang pwet nito, siya naman ang magtatanong. Gets?" paliwanag niya bago ihiga sa lamesa ang bote. Tinanggal niya ang lahat ng nakaharang dito.

Hindi kami umangal at bagkus ay natuwa pa.

"Ako muna ang mag-iikot nito. Tapos ang sunod naman na mag-iikot ay 'yong sasagot," dagdag pa ni Anthony bago niya tuluyang paikutin ang bote.

Habang umiinom at kumakain kami, nakatitig kaming lahat sa bote at inaabangan ang paghinto nito para malaman kung kanino ito tatapat.

Huminto ang nguso ng bote kay Marga at ang pwetan naman ng bote ay tumapat kay Felipe.

"Teka, truth or dare ba 'to o diretsong tanong agad?" tanong ni Felipe. Halatang tuwang-tuwa siya dahil siya ang magtatanong.

"Tanong agad. Mas madali mag-isip ng tanong kaysa gumawa ng dare," suhestyon ni Tyrese. Tumango naman kaming lahat.

"Okay, ito tanong ko," sabi ni Felipe bago siya umayos nang pagkakaupo. "Nagkaro'n ka na ba ng gusto sa akin? Kung oo, kailan at gaano katagal?"

Napasipol si Anthony sa tanong ni Felipe. Mahina namang natawa si Renald at Addy.

"Ang kapal naman ng tanong mo, kasing kapal ng libro ko sa anatomy," sagot ni Marga bago siya uminom sa baso niya.

"Sagutin mo na lang 'yong tanong para makaikot na ulit 'yong bote," saad ni Anthony.

Napakagat ng labi si Marga bago siya sumagot. "Siguro? Pero no'ng naging kayo na ni Maureen, nawala na rin agad. Infatuation lang siguro."

"Talaga?" gulat na tanong ni Tyrese. "Akala ko kay Addy ka may gusto dati?"

"Gaga!" mabilis na depensa ni Marga sa sinabi ni Tyrese bago napatingin sa akin. "Alam naman nating lahat na si Katrina lang ang tinitibok ng puso at itlog niyang si Addy ever since."

Nabuga ni Isabella ang iniinom niya dahil sa naging tugon ni Marga. Sabay-sabay kaming natawa, lalo na ako dahil sa walang prenong bibig ni Marga. Napatingin tuloy ako kay Addy at halatang na-embarass siya sa sinabi ni Marga.

Hiram na AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon