Chapter Two - Death

16 0 0
                                    

"Time of Death, 3 am."

Para akong nanonood ng TV pero sarili ko ang bida. Nakahiga ako sa kama.

"Jazzy! Jazzy!"

Pilit akong ginigising ng bestfriend ko. Inaalog niyang mabuti ang aking walang buhay na katawan.

"Rem"

Tawag ko rito. Pero walang tinig na lumabas sa aking bibig. Pakiramdam ko ay nasa kabilang dimensyon ako. Para akong nasa loob ng isang malaking salamin. Hindi ko na mapigilan ang aking paghagulgol. Patay na pala ako, kung ganun nananaginip pala ako kanina.

Huminto si Rem sa pag-alog sa aking katawan saka nagpalahaw muli ng iyak, hindi ko alam kung gaano katagal kaming umiyak pareho. Hanggang sa tila pareho na kaming naubusan ng luha.

"Pahinga ka na Jassy, it hurts to let you go but I think you deserve to rest. Don't worry about your family, they're gonna be alright. Rest in peace Jazzy."

She kissed my forehead and hugged me like she doesn't want to let me go. Hanggang sa unti-unti ng nagdilim muli ang aking paligid.

Ang tahimik.

Ang sarap sa pakiramdam ng katahimikan. Para lang akong nakalutang sa kawalan. Walang inaalala na mga problema. Walang hinahabol na bills every month. Hindi stress sa work and hindi stress sa buhay.

I am the breadwinner of our family. Mahirap lang ang buhay namin umaasa lamang sa pagtitindahan si Mama habang si Papa ay nakikisaka sa maliit na lupa sa aming probinsya sa Quezon.

Kahit mahirap ang buhay ay pinilit kong mag aral habang nagta trabaho ng part time. Nakipagsapalaran sa Manila at doon nag umpisa ang walang hanggan kong pagtatrabaho habang sinusuportahan ang aking pamilya at dalawa pang kapatid.

I have a lot of friends but most of the time hindi ako makasama sa mga gimik dahil sa imbes na igagala ko eh, mas gugustuhin ko pa ang umuwi at matulog.

Boyfriend? Yes, I did try having a relationship but it doesn't last long. Naka lima yata akong boyfriends pero walang tumagal ng 6 months.

Ang hirap kasi magbigay ng time at ang hirap din na nagde-demand sila ng time from me. Time na hindi ko kayang ibigay palagi dahil sa madami akong hinahabol na bayarin at mas priority ko ang pamilya ko.

I am not super smart, onti lang, I'm not observer and sabi ng bestfriend ko dense daw ako. What I am proud to say about myself is I love my family. They are my weakness and my strength. My all.

Well at least now, hindi ko na kailangan pang i- deprive ang sarili ko sa mga kung anu-anong bagay para lang makapag ipon para sa pangarap kong vacation abroad. Yun sana kaisa isang achievement ko para sa sarili ko. Regalo para sa mahaba kong pagtitiis. But that's fine too, I'm alright now. I can sleep and rest.

"Hmmmm."

Ang sarap ng kakaibang kapayapaang dala ng kapaligiran. I should sleep now.

I closed my eyes again and I don't know how long I slept and let myself drown in peacefulness.

Then I opened my eyes again. Everything was blurry at first, kaya naman muli kong kinusot ang aking mga mata. Kumurap pa ako ng ilang beses bago ako nagpasyang umupo sa kama. Muli kong nakita ang sarili ko na nakasuot ng nightgown.

Am I still dreaming? Why am I back here? Continuation ba to? I am so confused.

I can see the girl in the mirror wearing a loose white nightgown with red hair and almost golden eyes staring back at me with a confused look.

"Ako ba to?" Para akong tangang kausap ang sarili ko. Mas bata rin ang tunog ng boses ko. Ang weird na nagsasalita ang sarili ko na para bang hindi ako dahil sa ibang mukha ang nasa harap ko.

A Sweet ChanceWhere stories live. Discover now