Prologue

22 1 0
                                    

"Excuse me?"

Marahas kong hinatak ang aking kanang kamay na hinalikan ng di ko nakikilalang lalake.

Who is this handsome guy? My gulay this is not the time to admire his looks.

Nagpasya akong maglakad-lakad muna sa labas habang busy pa ang prinsesa sa meeting niya with the council. Alam ko naman kasi na magtatagal iyon kaya naman narito ako sa garden para magpatay oras. Hindi ko akalaing maagang masisira ang araw ko.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang preskong, gwapo na lalakeng ito na bigla na lamang humalik sa aking kamay ng walang permiso. Presko kung manamit ang isang ito ha, maiksing kulay itim na vest ang pang itaas nito na talaga namang sinadya yata para ipagyabang ang naglalakihan nitong abs. Ni hindi man lang muna nagpakilala bago nagnakaw ng halik sa aking kamay.

Nakita ko ang piloposong ngiti sa mga labi nito, na talaga namang nakakainit ng ulo. Pero kinalma ko pa rin ang sarili ko bago pa ako makagawa ng eksena.

"Paumanhin, hindi ba dapat na ipakilala mo muna ang sarili mo at hingin ang aking permiso bago mo halikan ang aking kamay."

Magalang ang aking pagkakasabi na may dignidad ng isang maharlika subalit hindi ko itinago ang bahagyang inis sa aking tinig. Alam kong may mga Midier na bibisita sa palasyo ngayon upang pag usapan ang peace treaty. Bukod pa ron ay darating din ang prinsepe ng Vestur na siyang nakatakdang pakasalan ng prinsesa. Kaya naman abala ang mahal na prinsesa sa paghahanda. Pero sino naman ang isang ito na malakas ang loob na magpagala gala sa palasyo.

Nahigit ko ang aking paghinga ng lalong lumaki ang ngiti ng lalake sa aking harapan na animoy natutuwa pa sa aking inasal. Hindi ko mapigilang hindi hangaan ang napakalalim niyang dimples sa magkabilang pisngi. Nakakabighani ang ngiti nito na parang gusto ko na lamang siyang titigan na parang isang obra.

Sa kabila ng pagwawala ng puso ko ay pinanatili ko ang walang emosyon kong mukha sa harap niya. Halata na isa siyang Midier he's bigger than a normal human size. His handsomeness is out of this world and his black eyes are like magnets. I can't help but look and be drowned by it.

"Hindi ba uso ang etiquette sa mga Midier?" Itinaas ko ang aking kilay para sana mang-insulto pero napaatras ang aking mga paa ng mabilis niyang pinag isang dangkal ang pagitan naming dalawa na siyang dahil ng pagkawala ng aking balanse.

Napapikit ako at impit akong napasigaw habang hinihintay ang pagbagsak ng aking puwet sa semento. Pero imbes na matigas na sahig ay matitigas at mainit na bisig ang humapit sa aking bewang.

"Are you okay?"

Mabilis akong napamulat at napakurap kurap dahil sa lapit ng mukha ng gwapong Midier na nasa aking harapan. Hindi ko mapigil ang aking sarili na mapatitig sa kanyang itim na mga mata na para bagang isang magnet na hinihila ako kung saan.

"Please stop biting."

Seryoso ang paos nitong tinig. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, kaya naman para akong tanga na nakatingin lang sa kaniya. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko, ni hindi ko man lang napansin ang halos magkayakap na naming posisyon. Itinaas niya ang kaniyang daliri at inilapit sa aking labi. Bahagya niyang idinampi ang gilid ng kaniyang hintuturo sa nakakagat kong labi.

Napabalikwas ako, at bahagyang itinulak ang kaniyang dibdib, agad din naman niya ako inilalayan tumayo. Hindi ko alam kung paano ko pupulutin sa semenradong daan ang kumpyansa ko sa sarili dahil sa nagwawala kong puso. Wala sa loob na naipaypay ko ang ang aking kamay sa nag iinit kong mukha.

"Can you please stop touching me!"

Naiinis kong sabi habang hindi ko maintindihan kong paano kakalmahin ang sarili sa pinaghalong inis at hiya.

"That's harsh. After boldly kissing me twice?" Red." Proud nitong sabi habang pilyong nakangiti. Damn that dimples, it's distracting me! Teka, anu daw? Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"Excuse me, but I think you're mistaking me for someone else." Sa wakas ay nahamig ko rin ang aking sarili. Malamang ay malakas lang talaga ang tama ng isang ito at napagkamalan ako. But that's fine, para sa peace treaty I will forgive and forget.

"Of course not. You're my red, how can I mistake you for someone else." Kinilabutan ako sa mababa at pabulong nitong tinig. What is he talking about? What does he mean by red? Is it because of my red hair?

"I do not know you and you don't know me. So, please stop talking to me." Madiin kong inisa-isa sa kaniyang bigkasin ang mga salitang ito. Para tumatak sa isip niya na hindi ako katulad ng ibang nobles na madaling madala ng mga DIMPLES! Inayos ko ng bahagya ang aking damit saka humakbang para lampasan ang walang modong Midier sa aking harapan.


"But you're too late. I'm gonna take you away from here Red."


I shouldn't be affected by this pero sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay hindi ko malaman kung saan ko ibabaling ang aking tingin. Pakiramdam ko ay hinihigop ako ng mga nakakatunaw niyang titig. Is this the charisma of a Midier that they are talking about?


Umiling iling ako para itaboy ang mga kung anu anung bagay na naiisip ko. Nilakasan ko ang aking loob at pilit na tumindig sa aking kinatatayuan, kahit pa gusto kong umatras ng makita ang paghakbang niya palapit sa akin. Kaya naman kahit na nakakatunaw pa sya tumingin ngayon, kahit na ninenerbyos ako I will not back down. I crossed my arms and look at him with annoyed and bored eyes.


"I'm sorry but..hummmp!"


Nahigit ko ang ang paghinga ko ng bigla ko na lamang naramdaman na nakalapat na ang mga labi niya akin. Para siyang kidlat na mabilis ding humiwalay, umatras ng kaunti at nagbigay galang na para bang wala siyang ginawang malisyoso.

"I guess that's our third kiss now." I froze while my eyes dilated. I can't believe he did that! - Wait third?

"See you around, my Red."

At nawala siyang parang magnanakaw sa aking harapan. What the heck is happening!



A Sweet ChanceDär berättelser lever. Upptäck nu