Chapter 1

0 0 0
                                    

"Teh? Teh gising"
Agad akong napabangon ng may tumawag sakin lalo na ng maalala ko si mama

"S-si mama po?"
Tanong ko sa isang babaeng gumising sakin

"Naku teh wala akong nakita na kasama mo, nga pala okay ka lang? Nakakagulat ka, bigla bigla ka nalang lumabas diyan sa puno, san ka ba galing?"
Daldal nya pa

"A-asan ako?"
Nanlalaki ang matang sabi ko ng makita ko ang isang parang kastilyo(castle) sa harapan ko

"Castle ba yan?" Tanong ko sabay tagilid ng ulo ko na para bang sinusuri ito

"Haha nakakatawa ka, school yan uy"
Hindi naniniwalang napatingin naman ako sakanya

"Ako nga pala si Zerena Alora ikaw ba?"

"Xhantheia Alcaro, pangalan mo rin ba yung alora?"

"Ganda ng name mo"
Nagnining ning ang mata na saad nya

"Haha di naman"

"Anyways yung Alora ko is apelyido haha, ano nga palang ginagawa mo dito?"
Doon ko naman naalala ang sinabi ni mama

"Nak? Hanapin mo si lola sa lugar na ito ah? Sabihin mo lang ang pangalan mo sakanya at wag mong sasabihin na buhay pa ako okay? Wag ng maraming tanong, sumunod ka nalang kay mama"

"Uhm may kilala ka bang Xandrea Liharo?"
Kinakabahang sabi ko, sana kilala niya si lola huhu

"Syempre naman"
Nagliwanag naman ang mata ko dun

"Talaga?!"
Tuwang saad ko

"Sya kaya dean dito dzuh"
Nagulat naman ako dun

"Lika na dali, mamaya ay magsisimula na ang klase namin kaya sa tapat lang ng office nya kita masasamahan"
Hila niya saakin

*tok tok*(sounds po yan ng pag katok sa pinto)

"Pasok"

"Pasok ka na"
Bulong sakin ni zerena

Kaya namam kahit kinakabahan ako ay pumasok ako.
Doon ko nakita si lola na may pinipermahan

"Yes? What can i do for you?"

"Lola"
Mahinang tawag ko dito na ikinalingon niya

"Oh my ghod xhang!"
Sigaw nya sa pangalang ibinigay niya saakin na ikina pout ko

"Lola namann, sinabi ng xhan nalang itawag mo sakin ehh"
Nakapout at nagrereklamong sagot ko hmp

"Haha namiss kitang bata ka"
Yakap nya sakin na itinugunan ko naman

"Lola si mamaa"

"Oo nga asan mama mo?"

"Wala na po siya"
Naka pout parin na sabi ko

"Yung mama mo talaga eh noh, tsk tsk"
Kilala na ni lola si mama, mabilis agad niyang nalalaman kung anong dahilan ni mama which is weird since i'm not saying anything naman

"Anyways lika, dito ka na magaaral kaya umayos ka okay? Wag puro tanong"

"Opo"

"Wait"
Sabi niya sabay alis at kinuha ang kanyang telepono, syempre para may tawagan

FAST FORWARD

"Xhan, this is Azero Montero ang vice president ng school and Azero, meet my grand daughter Xhantheia Laharo Alarcon"

"Hello Ms. Alarcon"
Ngiting sabi niya
Ackk gwapoo, meron syang brown eyes, makapal na kilay, manipis na labi na kulay pula owemji

"Uhm helllo po"

"Ehem bawal pa magjowa apo ko, anyways Mr. Azero, pinatawag kita dito upang atasan ka na i-tour mo si xhan dito sa Alaro(pangalan ng school)"

Fast forward(again)

(Tinatamad ako mag kwento eh hehe)

Anyways andito na ako ngayon sa kwarto ko at napagalaman ko na kasama ko dito sa bahay(yez bahay) ay si zerena at may isa pa kaso hindi ko kilala hahays.
Astig noh? Yung buong school kasi, may hiwalay pang lugar para sa mga students tapos may sari sarili silang bahay na tinutuluyan na libre pati pagkain ng students.
Yaman siguro ng may ari nito hahs

Tulog muna ako guys babush

The Black AngelsWhere stories live. Discover now