Simula

8 1 2
                                    

Simula

"Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo..."

Tamad na lamang akong napairap nang marinig ang tugon ng mga kasama ko rito sa loob ng chapel. Iginala ko ang aking mata sa kanila at halos matawa na lamang ako habang pinagmamasdan ang mga mukha nila. Sa sobrang seryoso ng mga mukha nila, aakalain mo talagang wala silang ginagawang katarantaduhan sa buhay nila.

Mahigpit ang hawak nila sa rosaryo na akala mo wala pang pisngi ang dumampi sa kanilang mga palad. Marahan ang galaw ng kanilang ng kanilang mga labi na akala mo ay hindi pinagtawanan ang kamalasan ng iba at hindi nananakit gamit ang salita. Maging ang inosente nilang mata ngayon na akala mo hindi nanliliit ng mga tao.

How can people act like saint and innocent when in reality, they are the worst people that you can encounter?

"Ayos ka lang ba riyan, hija?"

Napalingon ako nang marinig ang isang matandang madre na nasa likod ko. Nang ngitian niya ako ay kaagad ko naman din 'yong sinuklian.

"Bakit nag-iisa ka riyan? Ayaw mo bang tumabi doon sa kanila?" tanong pa niya.  Napansin niya marahil na ako lang ang tao rito sa upuan sa may bandang likod.

Umiling ako. "Hindi na po. Mas kumportable po ako rito saka lalabas din naman po ako kaagad."

"Gano'n ba?"

"Opo, Madre. Halika po, tabiham niyo nalang ako." alok ko na hindi naman niya tinanggihan.

Nagsimula ang sermon ng padre sa mga tao na patungkol naman sa katatagan ng paniniwala sa Panginoon. Taimtim lang akong nakikinig, gano'n din naman ang madre na nasa tabi ko.

"Ang sino man na mananampalataya sa ating Diyos ay pagpapalain ng habambuhay na kaligayahan. Ang siya namang hindi sumasalampataya ay Kaniyang hahatulan."

Tahimik na lamang akong natawa at muling napairap sa pangaral ng pari. Doon na ba talaga nakabase ang lahat? People who have faith in Him deserve all the goodness in this life and those who do not like me deserve to experience all the suffering. Fuck that.

Hindi ko pa rin maintindihan ang mga tao na ang tingin sa aming mga hindi naniniwala sa kanilang pinapaniwalaan ay masamang tao o kami'y naliligaw ang landas. They think that we are also the fruit of evil, the bad ones, that we are against of their God.

We don't hate their God, we just don't believe in Him.

Sila nga itong mga alagad at mga anghel ng Diyos, pero sila pa itong may ugaling demonyo kadalasan.

Hindi ko na natapos pa ang misa at tuluyan ng naburyong kaya lumabas nalang ako't bumalik na sa tent kung nasaan ang boyfriend at kaibigan ko. When I came back, they are still preparing the paper plates and plastic utensils. Iyon ang gagamitin namin sa pagkain na ipamimigay sa mga tao.

"Love, kanina pa kita hinahanap. Sa'n ka galing? Bakit bigla ka nalang nawala?" tanong ni Luke na binabalutan ang kutsara't tinidor gamit ang tissue.

"Pumasok ako sa misa. Nakinig lang sandali," sagot ko.

Tumingin si Luke at  Trixie sa'kin na animo'y may ginawa akong nakakamangha. Unti-unti nangasim ang mga mukha nila bago sila humagalpak ng tawa.

"Ano'ng nakakatawa?" taas-kilay na tanong ko.

"Magugunaw na ba ang mundo kaya bigla ka nalang pumapasok sa simbahan ngayon. Hindi mo naman ginagawa dati 'yan, ah?" pang-aasar ni Trixie habang tinatanggal sa plastic ang mga paper plates.

"Love, balik-loob ka na ba?" gatong pa ni Luke.

Sabay ko silang inarapan. Ano bang masama sa pagpasok sa simbahan?  Kung makatawa naman sila ay para akong may ginawang nakakahiya.

Glorious MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon