Ang sarap ng pakiramdam. Sa pagpikit ko ay saka ko lang din naramdaman ang aking sariling pagod. Kung kailan ako nakatulog ay hindi ko na matandaan.



HINDI KO NA ALAM ANG ORAS. How many hours had I been sleeping? I just felt like someone was watching me. But, I didn't want to open my eyes yet.


I wanted to sleep some more. I was very comfortable in my position. Kahit malamig ang paligid at hindi ako makatuwid nang higa, ayos lang. Masasabi ko na napakasarap ng naging tulog ko.


Kung hindi pa may kumatok sa labas ng bintana ng van ay hindi pa ako mapipilatan na magmulat ng mga mata. Pagdilat ko ay ang una kong nasilayan ay ang nakapikit na guwapong mukha ni Isaiah.


Nagulat ako dahil nakatulog pala kami na magkayakap na dalawa. Nakapagtataka dahil ang huli kong natatandaan kagabi ay natulog siyang nakatalikod sa akin. Pero ngayon ay magkayakap na kami?


Nakaunan ako sa matigas na braso niya, ang aking mukha ay nakaharap sa banda leeg niya, at nakayuko siya sa akin. Ang isang braso naman niya ay nakayakap sa aking bewang at ganoon din ang braso ko na nakayakap din sa kanya.


Siguro nilamig siya kaya naisipan niya na yakapin na lang ako. Kahit ayaw niya, wala siyang choice kundi pagtiyagaan ako.


Marahan kong inalis ang pagkakayakap namin sa isa't isa. Tumingin ako sa oras na nasa harapan ng van. 7:00 a.m. na pala. Ganoon katagal napahaba ang tulog ko?


Bumangon ako. Hindi pa rin nagigising si Isaiah. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na pagmasdan siya. Noon ay gawain ko rin ito sa tuwing nauuna akong magising sa kanya, palagi ko siyang pinakatititigan.


Palagi kong tinatanong noon sa sarili ko kung ano ba ang nagawa kong mabuti sa mundo? Bakit ako biniyayaan ng isang Isaiah? Bakit sa dami-dami ng babae, ako ang maswerteng nagkaroon ng katulad niya?


Hindi pa ako titigil sa pagtitig sa kanya kung di pa naulit ang katok mula sa bintana ng van. Oo nga pala, may tao sa labas. Pagtingin ko ay si Tito Kiel ang naroon. Pilit kaming sinisilip nito sa tinted na bintana.


Inayos ko muna ang aking sarili bago siya pinagbuksan ng pinto ng van. "Good morning po, Tito Kiel."


"Good morning din, Vi." Nakangiti sa akin ang papa ni Arkanghel. "Gising na ba kayo ni Isaiah?" Sumilip ito sa loob ng van. "Aba'y tulog pa rin iyan?"


Nang makita na tulog pa si Isaiah ay ako ang muling hinarap nito. May inabot ito sa aking paper bag. Mga damit ni Isaiah ang nasa loob.


"Nagdala ako ng nilutong lugaw ni Roda kina Anya, isinabay ko nang kunan ng damit si Isaiah sa kanila."


"Salamat po, Tito."


"Hindi ko na kayo dinalhan ng almusal, ha? Kumain na lang kayo sa fastfood diyan sa kanto." Inabutan din ako nito ng pera. Five hundred pesos na buo saka isang daan na tagbebente para may barya kami.

South Boys #3: Serial CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon