"Mabango ka pa rin, Candida, kahit na nga ba sa bangketa mo lang binili ang pabango mo," wika ng sanggano.

"Laman-tiyan ka rin," wika naman ng isa.

Nilinga ni Prince ang ilang mga kapitbahay na
nakamasid lang. Ang iba'y nakangiti pa nga at nag-e-enjoy sa nakikita. Gusto niyang maghimagsik. Ni walang gustong umawat sa grupo ni Martin.

Alam niya kung bakit. Bukod sa takot ang mga ito kay Martin ay kilala ng lahat si Candida bilang masamang babae. Nagtatrabaho ito sa isang mumurahing club sa Avenida.

Humugot ng malalim na hininga si Prince at mabilis na humakbang palapit sa grupo. Hindi niya gustong magpakabayani, at hindi niya kaya ang tatlo kung basagan ng mukha ang pag-uusapan, pero lalo namang hindi niya gustong tularan ang mga kapitbahay niya.

Anuman ang trabaho ng isang babae, babae pa rin ito at nararapat sa kahit na katiting na paggalang.

"Kung... kung laman lang ng tiyan ang gusto ninyo," ani Prince sa malakas na tinig, "ako na lang ang magbibigay..."

Napalingon ang tatlong lalaki sa kanya. Si Candida ay napalingon din.

Si Martin na nahinto sa pagdala ng bote ng beer sa bibig ay bahagya lang ang pagkagulat pagkakita kay Prince. Isang kakaibang ngiti ang sumilay sa makapal nitong mga labi.

Hinagod ng tingin si Prince mula ulo hanggang paa. "Pretty Boy..." usal nito. "Ibig bang sabihin niyan ay hahalinhan mo si Candida sa mga bisig ng mga bata ko?" tuya nito.

"Boss, naman," wika ng isa sa pakunwaring
pagkadismaya. Pagkuwa'y hinagod din ng tingin si Prince.

"Kung sa bagay, laman-tiyan din iyang si Pretty Boy mo. 'Kakagigil nga, eh! At baka mas masarap pa iyan kaysa rito kay Candida..."

Dumukot sa bulsa ng pantalon niya si Prince. Beinte pesos. Inilapag iyon sa mesang nasa tabi ng tatlo. "Iyan lang ang pera ko. Puwede na sigurong pambili ng pulutan..."

Binitiwang bigla ng dalawa si Candida at nag-
agawang sinunggaban ang pera sa mesa subalit bago may nakadampot niyon ay bumagsak sa kamay ng mga ito ang bote ng beer ni Martin, na ang mga mata'y nakatitig pa rin kay Prince.

Nilingon si Candida at ngumisi, showing bad teeth. "Tsupi! Uwi na. Pasalamat ka't tinubos ka ni Pretty Boy..."

Nagkasalubong ang mga mata nina Prince at
Candida. Ang sa huli'y pasasalamat at sandaling nag-atubili bago mabilis na lumayo sa lugar na iyon.

Si Prince ay ipinagpatuloy ang paglakad patungo sa bahay nina Nona. Inaasahan niyang pipigilan siya ni Martin anumang sandali sa kung ano mang kadahilanan.

Subalit malayo na ang nalalakad niya'y ni wala siyang narinig kahit tawanan mula sa mga ito. Nagpakawala siya ng maluwag na hininga.

At kung lumingon siya ay nakita niya sana ang ngiting nanilay sa mga labi ni Martin at makahulugang palitan nito ng tingin at ng mga kasama.

ALAS-dies pasado na ng gabi. Nasa poso si Prince at isinasahod ang dalawang timbang dala. Iyon lagi ang oras na nag-iigib siya ng gagamitin sa bahay nila para sa kinabukasan dahil alas-nueve y media ang uwi niya mula
sa gasolinahan.

At pabor sa kanya iyon dahil hindi niya kailangang pumila sa maraming nag-iigib sa nag-iisang poso sa lugar na iyon. Lahat ng tao sa paligid ay nasa kani-kanilang bahay na... kung hindi man maagang natutulog ang iba'y
nasa harapan naman ng television.

Nagngangalit ang mga muscles sa braso niya nang buhatin ang dalawang timbang puno ng tubig sa tig-isang kamay. Nakakailang hakbang na siya nang may sumutsot. Natitiyak niyang siya ang sinusutsutan dahil wala namang ibang tao sa paligid.

SWEETHEART 13: Someday My PrinceWhere stories live. Discover now