Anghel

21 0 0
                                    

Ran's POV

1 Message Received

From:Dove

Ran!!!! Alam mo ba kung anong oras na? May photoshoot kaya tayo ngayon. Andito na ako kanina pa. Baka TUMAKBO ka na? TAKBO, RAN. Hahahaha.

Gago to a. Mareplayan nga.

To:Dove

Hoy Matt, para sabihin ko sayo, andito na ako isang taon na!! Ikaw ang nasaan! Baka inilipad ka na ng dove!

From:Dove

Ahh. Hehehe. Ganun ba. OTW na Love. :)

Syempre di ko na nireplayan. Hahaha.

Boyfriend ko si Matt. 2 years na. Nagkakilala kami sa kasal. Ang kapal kasi ng mukha niya. Hahaha

FLASHBACK

"Hi Miss. Ako nga pala si Matt. Ahm. Napansin mo ba kung saan lumipad yung mga kalapati kanina?"

"Ah. Lumipad yata pakanan."

"Diba kahit anong mangyare bumabalik ang dove sa tunay na nag mamay-ari sakanya? Alam mo bang dove ako at eto o, umuuwi na ako sa nag mamay-ari saakin. Ikaw, anong pangalan mo?"

"Ran. Sige alis na ako."

"Porke Ran pangalan mo tatakbuhan mo na ako? Wag ka. Dove ata to at ikaw ang nag mamay-ari saakin at susundan kita."

END OF FLASHBACK

At ayun na nga ang nangyare.

Andito na pala siya. Ang suot niya e pang angel. Ang cute niyaa!! Hahaha.

"Ah, Love."

"O?"

"Kasi ano e. Wala naman talagang photoshoot ngayon."

"E bakit ganyan suot mo?"

"Gusto ko e! Mas magiging mataas lipad nito kaysa kalapati. Dali. Halika." Mukha siyang excited a. Kaya syempre na excite din ako!

"Magpaparty tayo!"

Di ko na tinanong kung para saan. Kasi party nga daw diba? Hahaha.

Wow. Andito halos lahat ng importanteng tao saakin. Pati mga kaibigan ko noong elementary. Lahat din ng pagkaing nakaserve ay mga paborito ko!

Di kaya may kasalanan tong si Dove saakin?

"Hoy Matt, nambabae ka no? Bakit lahat ng gusto ko nandito?"

"Ran, kelan pa ako nambabae? Tignan mo tong suot ko, pang angel. Ngayon, ako na ang anghel mo."

Keleggg ~~~~

"Makipag-usap ka muna sakanila ha? Tapos kumain ka na rin ng madami. Di kita pagbabawalan. May gagawin lang ako saglit."

At sinunod ko nga siya. Sobrang saya! Sobrang nakakamiss mga kaibigan ko. Namiss ko rin kumain ng marami, pinagbabawalan kasi ako ni Matt e. Huhu.

Biglang may yumapos sa bewang ko.

"Hi Love."

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Masaya ka ba?"

"Sobra. Sobra sobra! Andito rin pala sila Cheska, KC at Ria! Tapos waaahhhh. Ang sarap ng mga pagkaen Dove. Salamat!!!"

"Buti naman masaya ka."

Ngumiti siya pero parang may mali.

"Diba sobrang saya mo kanina?"

"Oo nga. Sobra sob--"

"Shhhhh. Naging sobrang saya mo kanina kahit wala ako sa tabi mo diba?"

"Ano to Matt?"

"Kaya mo paring maging masaya kahit wala ako. Andiyan mga kaibigan mo tsaka pwede mo na kainin lahat ng mga gusto mong kainin. Di ba sobra sobrang saya mo kasi andito sila? Naging sobrang saya mo kanina kahit wala ako."

"Kaya?"

"Aalis na ako Ran."

"Pero babalik ka diba? Diba? O kaya nagjojoke ka nanaman diba? Diba? Hahaha."

"Ran.. Seryoso ako."

"Diba sabi mo noon ang dove kahit anong mangyare bumabalik parin sa nag mamay-ari sakanya? Diba?"

"Oo."

"Babalik ka ha? Babalik ka!"

"Ran.. Bumabalik talaga ang kalapati sa nag mamay-ari sa kanya. Pero.."

"Oo na! Umalis ka na! Iwan mo na ako!"

Ayoko nang malaman rason niya. Mukha akong tanga. Tumatakbo habang umiiyak.

Ang kalapati bumabalik sa tunay na nag mamay-ari sakanya kahit anong mangyare. Pero hindi ko agad naalala. Second choice niya lang ang kalapati, mas gusto niya maging anghel. At tuluyan na siyang naging anghel. Anghel na lumilipad, lumilipad palayo, palayo saakin.

10-04-14

AnghelWhere stories live. Discover now