SPECIAL PART: Chimis Time!

43 2 0
                                    

Hey, kamusta kayo? It's me, your the only one at pinaka-cute na author sa balat ng lupa. Hehe!

So 'ayun, may chika ako sa inyo. Well, kahit 'di n'yo tinatanong e, no choice kayo dahil sasabihin ko pa rin 'to. HAHAHAHAHAHA! Bale, tungkol 'to sa kung paano nga ba ako nag-come up sa akdang ito (Dark Hunter). Paano nga ba? Sabi ng ibang readers, sa dami ng ibang puwedeng isulat, bakit ito pa raw? Hindi raw ako sumasabay sa kung ano ang IN o trending.

Sagot ko diyan, "Nagsusulat ako hindi dahil sa ito ang uso kundi sa kung ano ang nasa puso at isip ko."

O, and drama diba? Pero, yas! Sinusulat ko ng MALAYA kung ano iyong papasok sa isip ko. Malawak ang imahinasyon, alam n'yo 'yan. Ano man ideyang paglaruan natin sa utak, puwedeng-puwede iyang maging isang kuwento. Hindi man perpekto, at least may konsepto, simula at wakas.

Heto, share ko lang sa inyo. Alam ko ang iba sa inyo, ganito rin 'yong experience. Nung bata pa kasi ako, mahilig ako sa mga powers-powers. Lalo na kapag nakapanood ako ng mga series o movies? Naku, ini-imagine ko na... Paano kung may gano'n din akong powers? What if, kaya kong maglaho? Lumikha ng apoy? O kaya naman, mag-teleport sa ibang dimension? At marami pang iba. Nung bata ako, ang hilig ko humawak ng stik tas makipag-espadahan sa ibang kapwa ko bata. Tas iyong tunog sa bibig? Iyon 'yong sound effects namin. Minsan pa nga sa sobrang pantasya, napapaniginipan ko na. Napunta raw ako sa ibang daigdig tas nakipaglaban sa mga halimaw. Syempre, ando'n na ako... aatras pa ba? Tas ang sarap sa pakiramdam na lumilipad ka, nasa ere o kaya naman ambilis ng kilos mo.

Kaso paggising mo, back to reality ka na. Wala e, panaginip lang iyon at dala ng mapaglarong imahinasyon. Minsan natatanong ko sa sarili ko, what if maging totoo? What if, makabuo ako ng mundo na ako ang boss? Na ako ang gagawa at mag-iisip ng mga mangyayari ro'n? Exciting kaya? Masa-satisfy kaya 'yong pag-aasam ko sa powers-powers?

Three years ago, I've started writing horror stories. That time, I've never come up to write something about fantasy- about worlds and universes. Kase, focus ako sa horror which no'ng mga panahong 'yon, IN na IN sa mga FB pages at groups. Dahil do'n, nasanay ako kaya instead na ma-try ang fantasy genre, mas nailalapat ko ang horror. Then iyong mga fantasy concept, sa isip ko nalang ito napaglalaruan. I mean, hanggang imahinasyon nalang.

One day, isa sa mga readers ko ang nag-ask at nag-suggest. Ba't 'di ko raw apply-an ng fantasy ang horror? Ba't 'di raw ako mag-try na magdadag ng kakaiba, natatangi at unexpected? Sa mga katanungang iyon, I decided to try this genre. Try to explore, to create unbelievable and not existed characters. I want to add something unique and fresh. Ba't 'di ko ilapat sa papel 'yong imahinasyon ko rati?

Kaya ngayon, andito ka! Andito ka sa pahinang bahagi ng nakaraan ko. Itong Dark Hunter, heto ay hindi basta-basta. Ito ay pinag-isipan, inabangan at sinubaybayan. Isinulat ko hindi dahil kailangan kundi GUSTO ko at galing sa puso at isip ko. Noong nasa group pa ito, inialay ko sa mga mahal kong readers dahil isa sila sa dahilan kung bakit ko ito binalak na isulat. Binalak na magsakripisyo at umusad.

Kaya ngayon, masasabi ko na'ng ako ang boss. Ako ang masusunod sa kung ano ang dapat na mangyayari. Ako ang direktor, ako ang artista dahil ako ang bumubuo ng kanilang personalidad. Ang saya diba? Bilang author, gano'n talaga. Kailangan mong bumuo ng isang mundo na paglalaruan mo sa imahinasyon. Ng isang mundo na kailangan mo manirahan. Bakit? Kapag iniwan mo 'to, for sure magtatampo 'yung mga fictional characters. Mamaya, dalawin ka nila sa panaginip at sabihing, "Hoy author! Baka naman, nabubulok na kami sa huling chapter o. Update-update din 'pag may time." Ewan, natatawa ako.

Masuwerte ka, nababasa mo ito ngayon. Magkakaroon ka ng ideya na ang mga author ay hindi lang nagsusulat to satisfy the readers kundi para ma-fulfill 'yong bagay na minsan na nilang pinangarap. 'Yung bagay na minsan na nilang naranasan at humubog sa kanila. So as a reader, please do appreciate the author's work/s. Pangit man ang pagkakasulat o grammar, marami mang errors at hindi na bago? Appreciate pa rin dahil hindi lang baterya ng selpon ang puhunan nila diyan. Pagtipa, puyat at higit sa lahat, IMAHINASYON.

Bukod sa chika na 'yan, gusto ko lang din ibahagi na hindi po ako sure kung kailan talaga matatapos ang nobelang ito. May mga pagkakataon po kasing kinakain tayo ng ka-busy-han. Kapag gano'n, nawawala na tayo sa kuwento. Pero syempre, try ko pa rin best ko to finish this one. Nasimulan na e, ititigil ko pa ba? Lol.

O siya! Nalaman n'yo na 'yung 0.3% ng buhay ko. Atin-atin lang 'to ha? Hehe! Godbless & Stay Safe, peps!

 Atin-atin lang 'to ha? Hehe! Godbless & Stay Safe, peps!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
SPECIAL CHAPTERS [Dark Hunter]Where stories live. Discover now