SPECIAL PART: Vince & Zen (1)

29 1 0
                                    

[A/N: Since nire-request n'yo na more exposure pa raw for Vince and Zen, heto't pagbibigyan ko na kayo. Mababasa n'yo rito kung paano nga ba nagkakilala ang dalawa. Ready?]

SA SIMPLENG paaralan na iyon, makikita ang pagdagsa ng tao dahil sa isang event. Karamihan ay istudyante ngunit may mangila-ngilan ding mga bisita mula sa labas. Sa 'di kalayuan, makikita ang tumpok ng kabataan na medyo may pag-aalinlangan pang pumasok at um-attend sa event.

"Hoy, 'wag kayo choosy. Wala tayong plus 5 sa exam kapag 'di tayo makikita ni Sir Villafuerte sa loob. Damay n'yo pa ako. Grrr..." naiiritang wika ni Van.

"O? Sinabi ko bang sundan n'yo ako? Pumasok kayo sa loob kung aral na aral kayo." Inayos ni Zen ang buhok, nag-ponytail at nag-apply ng kaunting liptint. "O, ba't andito pa kayo?" pagtutukoy sa mga kasama nang hindi sila umalis.

"Gaga ka ba? Classmate tayo, malamang hahapin ka sa amim ni Sir. Gano'n din, damay pa rin kami sa minus kaya arats na..." Kinuha ni Toby ang kanang kamay ng dalaga.

"E? Ang init kaya sa loob, mamaya na!" napasigaw ito na siya namang dahilan upang magtinginan ang mga naroon.

Nasa isang park sila, bandang likod ng court kung saan gaganapin ang event. Mayamaya, biglang nagtayuan ang mga naro'n at diretsong pumasok sa loob. Nagtaka sila at tila may kinatatakutan ang mga ito.

"Huh? Anyare?" Si Aj, panay naman ang linga nila sa paligid kung bakit.

Ilang sandali, maririnig ang papalapit na yapak mula sa kanilang likuran. Halos sabay-sabay na napatingin do'n ang lima at nabigla sa taong napagmasdan.

"Ayaw n'yo bang suportahan ang event ng Special Force Student Team? Nakakalungkot naman..." Si Vince, nakapasok sa itim nitong pantalon ang parehong mga kamay. Pinagmasdan isa-isa ang lima at ang ngiting bungad ay agad niyang pinalitan ng kunwaring nagtatampo.

"Wait..." Nakataas ang hintuturo ni Eleine.

"Well, if you think that event is a boring stuff..." Napakibit-balikat ang binata. "Then, it's okay. It just prove something that you don't have any care? For our school, right?" Ngumiti ito ng sarkastiko, iyong nangongonsensya.

"P-President Vince..." Nanginginig ang boses ni Van at dali-daling pinulot ang bag na nakalagay sa isang upuan. Nagmamadali itong pumasok sa loob ng court. "A-attend kaya ako, Pres!" Habol nitong sigaw.

Walang nagawa ang iba kundi ang sumunod at magmadaling pumasok sa loob. Si Zen, naiwan sa harap ng binata- tulala at nakatitig lamang dito.

"At ikaw?" diretsang tanong ni Vince.

Kasalukuyang President ng SFST o mas kilalang Special Force Student Team ang binata. Pinakamataas na organisasyon ng school na lumalaban din sa iba't ibang panig ng bansa. Layunin nito, paunlarin ang nasasakupang paaralan. I-improve ang skills ng mga students at mag-conduct ng iba't ibang seminar na madalas, siya ang speaker. Hindi sa kinatatakutan si Vince kaya't agad sumusunod ang mga kapwa mag-aaral kundi dahil sa nirerespeto siya ng mga ito. Kung may magrarason man o debate? Naku, pinipili nalang nilang tumahimik. E, heto kayang si Zen?

"Alam mo ba 'yung word na guidance office? Penalty at violations na magli-lead sa 'yo para mapatalsik sa school na 'to?" Dahan-dahang inilapit ni Vince ang maamong mukha ngunit, hindi nagimbal ang isa.

SPECIAL CHAPTERS [Dark Hunter]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें