Ibinigay nito ang isang mug sa kanya. "Inumin mo iyan. Hindi ko maintindihan kung bakit tila babagsak ka anumang sandali sa pagod."

She took the mug from him wearily. Hindi siya
huminto sa alinmang roadside restaurant. And the aroma of instant coffee was tempting. She took a sip... and another one.

"What do you want?" wika niya rito. Ibinaba ang kape sa mesang maliit na nasa gilid ng hagdanan.

"Gusto kong makita ang second manuscript ni Tony."

"Good. Hindi ko na kailangang ipadala pa iyon sa Alabat. Kunin mo sa office. And you're right. I am dead tired and what I want right now is to hit my pillow."

"Saan ka napagod?" he asked harshly. Nanunuri ang mga mata.

Napatingala siya sa kisame and closed her
eyes for a moment. Kung tutuusin ay gusto niyang umiyak dahil sa pinagsama-samang emosyon. She was tired... she missed him; gusto niyang sabihin ditong kausapin sina Fidel at Thelma upang mapawi ang masamang akala nito sa kanya; higit sa lahat, gusto niyang pumaloob sa mga bisig nito at damhin ang init niyon.

But of course, it was like asking for the moon.

Hinarap niya si Vince kasabay ng nahahapong buntong-hininga. "You're right, Vince. Pinagod ako ni Loverboy so I've lost all strength to talk to you. So please, leave. Paki-lock ang pinto paglabas mo." Pagkasabi niyon ay nagtuloy-tuloy na siya sa pagpanhik sa hagdan.

She expected his hands on her arm any moment, na muli niyang mararamdaman ang tila bakal na mga kamay nito sa kanyang braso, nagpupuyos sa blunt dismissal na ginawa niya. And she didn't know how to handle that.

Pero nakapanhik siya sa itaas at nakapasok sa silid niya nang hindi nangyari iyon. Nakahinga siya nang maluwag.

Ngunit parang nauga ang buong bahay nang pabagsak nitong isara ang pinto. Nagkalansingan ang gate nang pabagsak din nitong kabigin iyon. Doon ibinuhos ni Vince ang galit.

Nahahapong ibinagsak ni Lilia ang katawan sa kama. She was tired physically, mentally, emotionally. At lalo siyang pinarusahan nang halos hindi siya nakatulog nang gabing iyon sa kabila ng hot shower.

TANGHALI nang nagising si Lilia kinabukasan ng Lunes. Paalis na siya patungong opisina nang tumunog ang telepono. Si Cynthia ang nasa kabilang linya. Hindi ito umuwi kagabi.

"Akala ko'y hindi kita aabutan diyan," wika nito. "Magkita tayo mamaya sa Diamond Hotel. It's my birthday today, remember? And Amado's giving me a party. Doon ang celebration, at hindi maaaring hindi ka dumalo."

She groaned aloud. "Aw, sorry... How remiss of me. Anyway, saang function room? Anong oras? Okay... I'll be there." Ibinaba niya ang telepono kasabay ng buntong-hininga.

Nakalimutan niya talagang birthday ngayon ni
Cynthia. Kung sana'y ordinaryong party iyon ay hindi niya sisiputin. At dahil ilang araw na rin siyang miserable, pagkakataon na rin iyon para aliwin niya ang sarili kahit kaunti.

At sana'y mawaglit man lang sa isip niya sa Vince kahit sandali at ang hibang na damdamin niya rito.

KASALUKUYANG nakikipag-usap si Lilia sa isang writer tungkol sa manuscript nito nang sabihin ng sekretarya niyang nasa linya si Vince. Again, tila binabayo ang dibdib niya sa matinding kaba.

"Dadaanan ko mamaya ang manuscript ni Tony sa apartment mo. Seven-thirty."

"Dito mo sa office daanan ang manuscript, Vince," aniya. "Hingin mo kay Ana. O kung gusto mo naman, ibigay mo sa akin ang address mo at ipapadala namin sa-"

"No," mariing sabi nito. "Kukunin ko iyon sa
apartment mo mamayang gabi."

Now she was glad that tonight was Cynthia's party.

ALL-TIME FAVORITE: Sinner or SaintTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon