CHAPTER I

12 0 0
                                    

*Ring*...

Tumunog na yung bell indekasyon na tapos na ang klase, tumayo kami at nag paalam sa aming guro. Kasama ko ang kaibigan ko papunta sa cafeteria kasi doon kami mag la-lunch habang nag lalakad kami pansin kong namomoblema siya sa hindi ko alam na dahilan.

"Cath...ayoko kona pano ba kasi yung math hindi kona alam ang gagawin ko..." Madrama niyang sinabi sakin.

Napabuntong-hininga ako sa kadramahan niya.

"Aira kung gusto mong matuto, mag-aral ka kasi hindi yung puro kanalang cellphone at tiktok ano ba kasi yung mapapala mo diyan sa kaka tiktok mo?" Pang sermon ko sakanya.

"eiiiii." Pagmamaktol niya na parang bata. "Madami na kasi akong likers, ayaw mo non may famous kanang best friend." Rason niya, pataas-baba pa yung kilay niya.

"Hay...ewan ko sayo Aira nagrereklamo ka diyan tapos kapag sasabihan ka ayaw mo naman makinig ano ba talaga?, kung ayaw mong mag-aral edi wag hindi ko naman kawalan yun no." Inirapan ko siya pagkatapos ko sabihin yun.

Ewan ko talaga sa babaeng to ayaw makinig reklamo ng reklamo hindi niya naman sinusunod ang mga sinasabi ko minsan ang hirap intindihin nito.

Nang makarating kami sa cafeteria kinuha kona agad ang lunch box ko. Gutom na gutom narin kasi ako hindi kasi ako nakapag almusal kanina sa pagmamadali ko. Late narin kasi ako nagising.

"Ay sandali wala pala akong ulam oorder muna ako" sabi ni Aira, ay nag madaling umorder.

Hinintay kona lang siya habang nag se-cellphone ako habang nag s-scroll ako may biglang nag tili-an sa entrance ng cafeteria medyo malayo kami sa may entrance pero grabe kung maka tili naman ang mga babaeng estudyante.

Hindi ko namalayan na nakarating napala si Aira at nakikiusyo rin sa mga nag titili-an. "Ano yung pinag titili-an nila?" tanong ko sakanya.

"Narinig ko transfere daw yan, ewan ko siguro gwapo kaya ayun andaming nag titili-an" sagot niya at tipid naman akong napatango.

Well, hindi naman na bago dito sa school namin na may mga transfere ito rin kasi ang pina ka malaking school dito sa amin and masasabi kona ito yung the best na school dito. Kilala rin kasi yung school namin sa sobrang dami ng awards na nahakop namin sa iba't-ibang paaralan.

Most of the students here are in the honor list sobrang taas rin kasi ng standards ng school nato. That's why as much as possible I am maintaining my grades high kasi kung hindi mawawala sakin yung scholarship ko sayang din yun.

Hindi bihira ang makapasok sa school nato you have to take entrance exams para qualify ka para maka pasa at maka pasok dito. Kaya sobrang nag papa salamat talaga ako na nakapasok ako dito.

I don't have any plans to roam around or spending my money to some stupid stuff. I am here to study to be successful one day yan ang pangarap ko para sa sarili ko at para sa pamilya ko at para maging proud narin sakin si papa.

"Girl!, Hello andyan kapa ba?" Pag pukaw ni Aira sa katinu-an ko.

"Ha? Sorry, maysinasabi ka?" Sagot ko.

"Ang sabi ko silipin natin mamaya tignan natin kung gwapo ba talaga yun." excited na sabi niya sakin.

Bahala siya wala naman akong pake sa mga ganyan kailangan ko pang mag-aral.

"Ikaw nalang mag-aaral pa ako remember may quiz tayo kay Ma'am Perez." Pag papa alala ko sakanya.

"Tsk! Ano bayan saglit lang naman hindi naman tayo mag tatagal sisilip lang promise" nakangiting sabi niya hapang nakataas ang kaliwang kamay na parang nanunumpa.

I mentally rolled my eyes at her sa huli pumayag nalang ako napa 'yes' naman ang loka.

"Sige na kumain na tayo" sabi ko nalang sakanya.

And with that we ate our lunch silently hindi kasi kami sanay na nag ku-kwentuhan kapag kumakain. After that we left the cafeteria at hinanap namin ang mga babaeng kanina lang nag titili-an nawala kasi sila kanina.

Thank you for reading!

-matcha_latte

Chances Where stories live. Discover now