I know Yijin is a good guy and he won’t do anything para maging awkward ang situation. Sana lang talaga ay casual pa rin ang relationship namin, isa kasi sa mga biggest risk ng confession ay ang pagbabago sa kung anong relasyon ang meron kayo.

Pagdating ko sa church ay hindi pa gaano karami ang tao. Sina Seri at Chloe ay parehong excited na makita ako, kahit kasi na nakwento ko na sa kanila ang nangyari sa chat, gusto nila na magkwento ako sa kanila sa personal.

“Come on, tell us now!” Hinila ako ni Seri paupo. Pinandilatan ko naman siya agad ng mata. Baka may makarinig sa ’min!

“Tayo lang ang tao rito, no worries!” Wow! Ang kulit talaga ng mga ’to!

“Ano ba baka marinig tayo!” namumula kong ani. Naalala ko na naman tuloy ang confession ko kay Yijin! Nakiki-cringe-han ako sa sarili ko tuwing naaalala ko iyon!

“So, what’s his reaction? Tell me exactly what his face looks like when you said that?” Seri asked. Saglit ko naman siyang tinitigan.

“He looked. . . shock, hindi siya makapaniwala na sinabi ko iyon sa kanya. Ang sabi pa niya sa ’kin, ayaw niyang maniwala at akala niya pang-aasar lang—” I stopped when Chloe coughed harshly. Agad akong napatingin sa pintuan, my eyes widened when I saw Yijin, Rio, Klint, and Cruzel approaching.

Agad kong itinikom ang bibig. Ano ba ’yan! Muntik na ’ko!

“Hi!” They greeted us with a fist bump. Nang si Yijin na ang mag-fi-fist bump sa ’kin ay saglit kaming nagkatitigan. Seriah laughed cockily beside me. Nang tingnan ko siya ay nang-aasar na ang ngisi niya sa ’kin.

I gave her a shut up look, hindi niya pwedeng sabihin kay Yijin na kinikwento ko sa kanila ang bawat ganap sa ’min. Lulunorin ko ang sarili ko kapag nangyari iyon!

Nakakahiya!

Seri and Chloe needs to shut up dahil mapapahiya ako kapag may nabanggit silang alam nila tungkol sa confession na iyon!

The activity started after everyone arrived. Mabuti naitikom nina Chloe at Seri ang mga bibig nila kahit na sa tuwing tinititigan nila ako ay puros sila pang-aasar.

“Yijin, alam mo ’to?” I heard Vion asking something to Yijin. Nang tingnan ko sila ay pareho silang nakatingin sa cellphone ni Vion. It’s like they watch a video tapos ay pareho silang natawa.

Lahat tuloy ay napatingin na sa kanila dahil kulang na lang sumakit na mga tiyan nila katatawa.

“Uy ano ’yan? May sarili na kayong mundo, ah?” Klint teased them and then everyone followed.

“Uyy, ehem! Ikaw na talaga Yijin. May something na ba sa inyo?” another churchmate asked.

“Kayo talaga!” depensa ni Yijin. Yumuko na lang ako at nag-focus sa ginagawa ko.

“Hoy, huwag kayong maingay. Baka masaktan si, Chantal.” My eyes widened at the sudden mention of my name.

“Ba’t nasali na naman ako?” natatawa kong ani. I want to defend myself pero hindi ko alam kung paano ko gagawin ’yon.

Alam ko naman na pang-aasar lang ang lahat sa kanila. Pero ang hirap sabihin na may kirot ’yon sa dibdib ko ngayon dahil totoo na ang nararamdaman ko para kay Yijin.

“Kayo talaga!” umiiling na ani Yijin. “Tigilan n‘yo na kaya ang pang-aasar sa ’min ’no?” natatawang aniya. Everyone is joking, ako lang itong hindi gaano maka-pick up ng joke.

Pagkatapos ng activity ay dumeritso akong comfort room. Paglabas ko ng cubicle ay naabutan ko si Vion sa tapat ng salamin at nag-aayos. Nagkatinginan kaming dalawa sa salamin, I smiled widely at her but she only responded with a sly smile.

I washed my hands on the sink with the awkward silence between us. Hindi siya nagsasalita, she’s not the usual Vion today. Ang tahimik niya.

“Chantal, napapansin ko lang. . .” she broke the silence. “Inaasar kasi kayo ni Yijin. May gusto ka ba sa kanya?” I was shocked with her question. Natigilan ako at saglit na hindi nakagalaw.

My pride is telling me not to tell her but my conscience is telling me to say it.

I admit, nasasaktan ang pride ko sa tuwing sinasabi nila na may gusto ako kay Yijin kaya inaasar kaming dalawa. It’s the other way around!

He’s the reason why people are teasing us not me. Sa ’ming dalawa, si Yijin ang unang umamin kaya nangyayari ang mga pang-aasar na ’to.

“I don’t want to sound bragging but, Yijin said he admires me kaya nagsimula ang mga pang-aasar nila sa ’min. But to answer your question. . . yes, I do like him.”

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Where stories live. Discover now