tatay niyo: mamaya na kayo magsorry, maganda sa personalan.

phuta win: hey jav, see you later.

milkyway: cutiepie, miss u.

lovey: good morning javiii, miss u. see u leytor.

naanon: gm. guys, hi jav. miss u so mats.

uno pero hindi una: hindi bagay sayo magpogi typings nanon

naanon: mas pangit ka

tatay niyo: umalis na kayo dito ang iingay.

mundo ko'y ikaw: ganyan talaga pagsenior na, naiingayan.

uno pero hindi una: HAHHAHAHHA BOOM!

naanon: agoy, ako nyan itatapon ko sa pacific ocean e

tatay niyo: humanda kayo mamaya.

Natawa ako habang inaasar nila si Tay, namiss ko din sila sobra. Kahit na isang araw lang kaming hindi nagkakasabay, parang isang taon na sa akin.

In-off ko na ang phone ko at bumaba na habang bitbit ang bag. Huminga ako ng malalim, bago nagtungo sa dining area.

"Anak" naiiyak na sambit ng nanay ko.

Nilapitan ko naman siya at niyakap, naramdaman ko nalang na humihikbi na siya sa dibdib ko. Ang sakit na marinig siyang umiiyak. Hindi ako sanay.

"Tahan na mom, it's okay. We're okay now. Stop crying, ganda ganda mo pa naman." hinawakan ko ang balikat niya at pinunasan ang mga luha.

Tumawa siya habang humikbi. Ganda ng nanay ko.

May sasabihin pa sana ako nang may biglang tumikhim. Napalingon ako dito, pero ganon nalang ang gulat kong si Daddy 'yon, hindi pa pala siya umalis. At napansin ko din si Janhae, nasa tapat niya at tahimik na kumakain, hindi ako pinansin.

"Take a sit Jav, ihahanda ko ang pagkain mo." napabalik ang tingin ko kay mom na biglang nagsalita.

Tatanggi na sana ako nang nakarinig ako nang mahinang tawa.

Galing sa ama ko.

"What's the purpose of hiring a maid if you're the one who'll prepare his breakfast?" nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya habang mahinang ngumunguya.

Napapikit ako sa inis na nararamdaman. Hindi naman ko papayag na si mommy ang maghahanda ng pagkain ko, naunahan lang niya ako.

"I'll go now, bye mom, bye dad." biglang tumayo si Janhae at lumapit kila mommy at daddy na binigyan niya ng halik sa pisnge. Hindi man lang siya nagpaalam sa'kin.

Tiningnan niya lang ako at lumabas na siya.

Patience Javen, Patience. Their are your family.

Mapait akong napangiti sa naisip, pamilya ko ba talaga sila? parang si mommy lang e, si pond at mix lang na hindi ko alam saan na naman ngayon.

"Wag na mom, sa school nalang ako kakain, I'm still full." I just smiled at her.

Umiling siya.

"Hindi ka kumain kagabi Javen." napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya, kumain ako ma, pero hindi dito.

"Kumain ako my, hindi niyo lang alam, nasa taas ka po e." tama naman sinabi ko e,hindi niya alam.

Ngumiti nalang siya.

"Okay, but take this." inabot niya ang isang brown paper na ang laman ay pagkain.

How I love my mother. Siya lang ang ganito sa'kin.

Golden Scenery Where stories live. Discover now